Part 21

23 2 0
                                    

MARVELOUS POV

Hanggang sa pag-uwi ko sa bahay ay hindi na naalis sa isip ko ang mga bagay na napag-usapan namin ni Tita.

Ang about sa journal. Yung singsing. Yung place daw na magiging memorable sakin dahil dun daw magpo'propose si Ae.
Lahat yan hindi maalis sa isipan ko.

Hindi ko alam kung saan yung sinasabi niyang lugar pero, may malaki akong hinala na yung tinutukoy ni Tita ay yung last mission ko sa journal ni Ae. Yung bulacan.

Pero, saan doon?
Bakit doon?
Bakit doon siya magpo'propose kung sakali mang tama yung hinala ko?

' Ano bang magandang tanawin meron sa bulacan? Wala akong maisip? Hindi kaya? Sa Biak na bato? Pero bakit dun? Saka... ano bang meron dun at dun pa niya napili? Wala talaga akong idea. Pero...'

Malakas talaga ang kutob ko e.
Gusto kong magtanong pero kanino?
Hindi nga daw alam ni Tita ang tungkol doon basta kung ano lang yung nalalaman niya ay hanggang doon lang.
Nabanggit lang daw sakanya ni Ae na kapag natapos ang wish sa journal ay magpo'propose siya sakin ulit..., nang may singsing.

Nag-isip ako ng mga memories namin ni Ae pero wala akong maalala na nagpunta kami ng Bulacan.

Lahat nalang ba magiging palaisipan sakin?

Hindi kaya?..., hindi naman sa Bulacan?

Haay!

' Di ba sabi sayo ni Tita wag mo nang isipin ang bagay na yun! Kalimutan mo na ang lahat! '

Wala ng journal! Wala nang wish! Wala ng singsing! Wala nang mission! Wala ng Ae!

Pero---

Ano ba, Marvs?! Di ka naman tanga pero bakit hindi mo maintindihan lahat ng sinasabi nilang kalimutan mo na si Ae.

Bakit inside me gusto ko pa ring ipagpatuloy. Bakit gusto ko pa ring malaman yung tungkol dun.
Bakit palaisipan ka pa rin sakin!

" Marvs?" Tawag ni Kuya sa labas ng pinto kaya pinagbuksan ko sya.

" Kuya? Bakit? " Usal ko pagbukas ko ng pintuan.

" Nagdaan nga pala dito si Debie. Samahan mo daw siya bukas. Di daw kasi pwede si Tam. Si Rex naman daw hindi pwedeng umalis sa duty sa ospital kasi madami daw pasyente ee wala atang makikipagpalit sakanya..., kaya she have no choice at ikaw na ang tinakbuhan niya kahit alam niyang busy ka. Tinatawagan ka daw niya pero di mo sinasagot yung phone mo kahit sa text daw. Basta daw bukas samahan mo siya sa mall." Kwento niya pa.

" Ah sige. Itetext ko nalang siya."

" Mamimili ata siya ng ipang'su'souvenir? Yun yung intindi ko. Ikakasal na pala silang dalawa ni Rex. Di mo yata nabanggit sakin ang bagay na yun? Dati updated ako sa nangyayari sa mga kaibigan mo at sa paligid mo dahil kinu'kwento mo."

" syempre. Hindi naman dapat lahat alam mo di ba?" Biro ko pa kays natawa siya.

" Kung sabagay... haha. Pero maiba ako. Okay ka na ba? Kayo ni Ali? Nagkausap na ba kayo?" Seryoso at halata ko ang pag-aalala niya.

" Hindi pa nga, Kuya eh. Nahihiya akong kausapin siya. "

" Nahihiya ka sa kagagahan mo? Nagpakagaga ka nalang din naman, bakit hindi mo pa kapalan ang mukha mo para magpakagaga pa ulit?" Tatawa-tawang sabi niya.

" Ha?" Naguguluhang tanong ko sakanya.

" Ibig kong sabihin, sumubok ka nalang din namang magmahal ulit di ba? bakit hindi mo pa ipagpatuloy? Face your fear. Face him. Face him without any hesitation na baka ganito--ganyan--ganire---and---what so ever."

The Red Rose Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon