Part 26

11 2 0
                                    

After 8 Years


MARVELOUS POV

' Nasaan na ba yun? Ang tagal naman niya? Laging late, daig pa ang babae. Kay bagal kumilos '

Sabi ng isip ko habang panay tingin sa relos ko.

Paano naman kasi, sa huling pagkakataon ay late na naman siya. Kalalaking tao, daig pa ang babae sa kakupadan kumilos.

Biruin niyo ha, halos isang oras kung maligo. Halos trenta minutos kung pumili ng isusuot na damit. Tapos kay tagal pang nakaharap sa salamin para ayusin yung buhok niyang kulang nalang e dilaan na ng kabayo.

Haay naku, kung hindi lang talaga kita kilala ng husto, mapagkakamalan na kita.

" Nasaan na ba yun? " mahinang usal ko saka ko kinuha yung phone ko at sinubukan ko siyang kontakin.

Nag'ring yung phone niya pero pinatay niya yung tawag ko then nagulat nalang ako dahil nakita ko siyang nagtatatakbo papunta sakin.

Nandito ko sa tapat ng isang coffee shop sa labasan ng isang foodpark. Nakaupo ako sa isang umbrella table habang inaantay siya.

" You're late... Again."  bungad ko sakanya.

" Sorry na, Ate Marvs... Si Manang kasi e ayaw akong paalisin hanggat hindi ako nagla'lunch sa bahay." paliwanag niya saka siya umupo sa harapan ko.

" Sinisi mo pa si Manang. Ang sabihin mo, dalawang oras ka na naman sa banyo." sarkastikong sabi ko tapos nangiti lang siya

" Uy, Ate grabe ka sakin. Ang bilis ko ngang naligo e." depensa niya pa.

" Anyway, payakap ako. Huhu." medyo ma'dramang sabi ko saka ako tumayo sa kinauupuan ko at niyakap ko siya.

" Uy, Ate ano ka ba? Baka mamaya kung ano isipin ng mga tao dito. Baka sabihin sugar Mommy kita. Haha." pabirong sabi niya.

" Bulol!" saka ko siya sinabunutan.

" Ate naman e! Yung buhok ko! Tagal kong inayos yan makuha ko lang yung gusto kong style e. Tapos guguluhin mo lang!" sabi niya habang inaayos yung nagulong buhok niya.

' Ang arte! '

" Paano bwisit ka! Niyakap ka lang ang dami mong arte at sinasabi. Ikaw nga itong hindi na kita makikita at makakasama ulit ng matagal kasi aalis ka na sa linggo. Iiwan mo na ko. Mas pinili mo ang ibang bansa kesa sakin na nagpalaki sayo. Ang sabi mo, hindi mo ko iiwanan kasi ate mo ko. Tapos... Tapos iiwan mo lang din pala ako." umiiyak iyak pa kunwaring sabi ko.

" Ang drama mo naman! Babalik naman ako dito taon taon e. Gusto ko lang pagbigyan sila Mommy at Daddy na doon ako mag aral ng College. Syempre, ayaw ko namang may masabi sila sakin. Utang ko pa rin sakanila ang lahat ng kung ano ang meron ako at kung nasaan akong puder ngayon. Saka, gaya naman ng sabi ko sayo... Babalik ako dito taon taon. "

" Bakasyon lang yun. Saglit lang yun. Tapos nun aalis ka na ulit then maghihintay na naman ako ng another year para makasama yung ikaw! Na tinuring ko nang Kapatid!" depensa at pagdidiin ko pa sa mga salitang binitawan ko saka ako umirap sakanya.

" Ha Ha Ha! "

" Ano nakakatawa?"

" Wala. Para kang bata Ate Marvs. Hindi na bagay sa edad mo. Hahaha."

" loko loko!" saka ko siya binalibag ng tissue.

" Wag ka na kasing magdrama. Akala mo ba madali lang sakin ang iwan ang Pilipinas? Syempre Hindi. Kasi, nandito yung memories ng Nanay ko at ng mga kapatid kong hindi na ko kilala ngayon. Nandito yung memories ni Kuya Ali. At nandito ka na iiwan ko. " sabi niya pero nakatingin lang ako sakanya.
Hindi ako kumibo kaya ngumiti siya sakin.
" Akala mo ba hindi kita mamimiss ha, Ate Marvs? Mamimiss kaya kita kasi ikaw ang nag aruga sakin bukod kay Manang mula nung nawala si Kuya Ali nung 10 years old ako. Ikaw rin ang isa sa dahilan kung bakit naging legal yung pag ampon sakin ng pamilya ni Kuya Ali na pamilya ko na rin ngayon, di ba? "

The Red Rose Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon