Part 15

16 3 0
                                    

ALLISTAIRE POV

Aaminin kong na'disappoint ako sa sinabi niyang kaibigan niya lang ako, pero di naman ako umaasa na may ibang ibig sabihin o may ihihigit pa yung pagkakaibigan namin na tulad ng nangyayari ngayon.

Ewan ko ba, inasam ko nga ata ng mga oras na yun na may ibang pakahulugan yung mga sinasabi niya sakin kanina laban kay Eunice.

Pero siguro nga kaibigan nalang muna.
Tama nang ako nalang yung hulog sakanya at ako ang nakakaalam ng nararamdaman ko, at least masaktan man ako, sarili ko nalang katangahan at wala nang nakakaalam.

Alam ko kasing kahit nandito siya sa harap ko, kasama ko at minamahal ko, alam na alam ko sa sarili kong iba pa rin ang laman ng puso't isip niya dahil hanggang ngayon si Ae pa rin ang mahal niya.

" 3 Years kami ni Ae. Nagkakilala kami nung College. Magkaiba kami ng course pero pinaglapit kami ng mundo. Si Tam, bestfriend ko yan simula pa lang. Nung nagkakilala kami ni Ae at nanligaw siya sakin at ng maging kami, nun... noon nagsimulang mabuo at makasama ko sina Rex at Debie as barkada. Masaya. Naging masaya kami ni Ae. Kahit na napaka selosa ko at napaka moody ko'ng tao hindi niya ko binitawan. " pilit ang ngiting kwento niya at ako naman ay nakikinig lang sakanya.

Ramdam na ramdam ko yung lungkot sa boses niya.

' Lalo ko lang tuloy naramdamang, mahal pa nga niya talaga si Ae. '

Nangiti ako ng sarkastiko sa sarili kong naisip.

Noon pa man, kaya gustong gusto ko ng malaman lahat ng sakanila ni Ae ay upang malaman ko kung ano yung magiging ekspresyon niya at reaksyon habang kine'kwento niya ang lahat tungkol sakanila.

Ngayon, nasagot na yun base sa ipinapakita niya at pinaparamdam.

Hindi ko naman siya masisisi. Hindi ko rin naman masisisi ang sarili ko.

Basta ang alam ko, ano man ang kalabasan nito, kailangan kong tanggapin.

Ginusto ko 'to e.
Nahulog ako. Hindi ko pinigilan ang sarili ko.

" Noong gabi bago siya mamatay, nasa party kami ng pinsan niyang si Ben. Inabot kami ng madaling araw. Nakatulog ako sa bar at paggising ko, wala siya. " saka ngumiti ulit ng pilit habang nilalaro yung bibig ng bote ng alak na iniinom niya.

" Nasaan siya?" Tanong ko naman tapos tumingin siya sakin.

" Nandoon siya sa bar table at kausap si Pia."

" Sino si Pia?"

" Yung Ex-girlfriend niya."

" Ahh." Tatango tangong sabi ko.

" The whole time na tinitingnan ko sila na magkausap noon, inis na inis ako. Gusto ko silang sapakin at sabunutan pero pinili kong irapan nalang sila. Selosa kasi ako, sobra. Moody at mabilis magalit. Laki nga ng tuwa ko dahil 3 years napagtyagaan ako ni Ae sa ugali kong ito. Pero di ko alam na dahil sa ugali ko mawawala siya sakin---"

" Katyaga-tyaga ka naman kasi talagang mahalin." Putol ko sasabihin niya habang titig na titig sa mukha niya.

Basta bigla nalang lumabas yun sa bibig ko.
Hindi ko na naisip yung magiging impact nun sakanya.

" Ha?" Wari mo'y di niya narinig ang sinabi ko.

Sana. Sana hindi na nga lang niya narinig.

" Nothing. Go on. Continue." Pagkailing na sabi ko.

Huminga siya ng malalim saka tumungga ulit ng beer.

" Hinay hinay lang. Nakakatatlo ka na." Saway ko sakanya pero nginitian niya lang ako.

The Red Rose Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon