ALLISTAIRE POV
Nang makarating kami sa gitna ng buhanginan ay bigla kaming may narinig na mga boses. Hinanap namin yun at nakita namin agad sila sa isang gilid kung saan may nakabalandrang net doon.
" Ali! Marvs! Tara dito! Volleyball tayo bilis!" Sigaw ulit ni Tam samin kaya mabilis ay tumakbo kami papunta doon.
" Tara, makampihan. Tatlo sa tatlo ako ang referee--" sabi niya pa pero pinutol ko agad kung ano man yung sasabihin niya.
" hindi kayo nalang. Hindi ako sanay niyan." Tanggi ko.
Totoo naman e. Hindi ako sanay at isa pang dahilan ko is dahil baka bigla akong mabigla sa pagpalo ng bola at di ko mapigilang iinda yung sakit na nararamdaman ko." Okay lang yan. Hindi rin naman ako sanay e. Tara sali na tayo. Para makapag-enjoy din noh! Wag kang KJ" Si Marvs saka pumunta sa grupo nila Rex.
Ang kakampi ko ay sina Neil at Thea. Tapos sa kabila ay sina Rex, Debie at Marvs.
Naglaro kami.
Ako daw ang server. Hindi ko maintindihan yung laro pero nakikisama nalang ako hanggang sa nagustuhan ko na rin ito at naenjoy ko na dahil naintindihan ko na siya at kusa nang gumagalaw yung katawan ko sa pagpalo at pagsalo ng bola.Madali lang pala. Sobra. At ang sarap lang sa pakiramdam dahil masaya. Sobra din. Kahit pa minsan ay paling yung tira ko at minsan ay di umaabot sa kabilang net. Haha.
Matagal tagal na din kaming naglalaro o nagpapalipas ng oras. Kaya nang tirahin ni Marvs yung bola ay saktong papunta yun sakin, kaya ang ginawa ko ay hinampas ko yung bola na sinalo naman ni Rex tapos pinalo ni Neil pabalik sa kabilang net na sinegundahan naman ni Debie at hinampas ulit ni Thea pabalik sakanila. Ngunit ng turn ko na ulit, bigla ko nalang naramdaman yung pangingirot ng tagiliran ko kaya ng hampasin ko yung bola'y mabilis na ininda ko yun at bumagsak ako sa buhangin.
Narinig ko silang tinawag ang pangalan ko't mabilis na nilapitan ako.
Nakapikit lang ako at nagpapanggap na walang malay para di nila mahalata kung ano man yung sakit na nararamdaman ko.
Pero sa totoo lang. Ang sakit sakit niya. At di ko na ata kayang ipakitang hindi ako nasasaktan.
" Tumawag kayo ng Doktor ano ba! " natatarantang sabi ni Marvs.
" Saglit saglit---ano bang nangyari? Bakit biglang nahimatay?!" Si Rex habang hawak yung pulso ko. Ramdam ko ung pag-aalala niya dahil nanlalamig at nanginginig yung kamay niya.
" malakas pa yung pulse rate niya, baka nahilo lang---"" Diyos ko naman! Baka kung ano mangyari kay Ali! Tumawag na kayo ng saklolo! Rex! Nurse ka you know what to do! First aid!" Galit at nag-aalala talagang boses ni Marvs.
Hindi ko alam kung matatawa ba ko o mangingiti dahil sa naririnig ko ngayon sakanya e.
Alalang alala siya sakin.
(^_^)
Pero... masakit pa rin talaga...
" Dalhin na natin sa clinic. Neil, tulungan mo ko." Sabi ni Rex at tangkang bubuhatin nila ko pero dumilat ako tapos nginitian ko sila.
Natakot akong madala sa clinic e. Baka madetect na may sakit ako.Ayaw ko.
" Masyado naman kayong matatakutin. Joke lang naman yun." Biro ko pa kunwari tapos nakita ko yung mga reaksyon nila na nabwiset sakin.
Hindi ko yun pinansin at tinitigan ko lang si Marvs. Nakangiti ako sakanya tapos seryoso siyang nakatingin sakin.
Nang ngitian ko siya ng mas malawak ay nagulat akong napangiti din siya kaya nagkatawanan kaming parehas.
BINABASA MO ANG
The Red Rose Of Love
RandomAng Rosas ay simbolong ginagamit karaniwan ng mga taong tunay na nagmamahalan. At ito rin ay sumisimbolo sa isang pagmamahal na hindi kukupas kahit na ito ay nakakubli na sa nakaraan. Pula. Isa sa mga kulay na nagpapatingkad sa buhay. Pero, ang ti...