ALLISTAIRE POV
Nang idilat ko ang mga mata ko ay nakita ko nang nasa kwarto ko ako.
At hanggang ngayon, sobrang sakit pa rin ng tagiliran ko.
Alam ko kung bakit masakit 'to pero ayaw kong ipaalam kahit kaninoAyaw kong mag-alala sila sakin that's why i'll keep this matter as my secret.
Napapikit nalang ako dahil unti unti ko na namang nararamdaman yung kirot at hapdi.
Gusto kong mamilipit sa sakit pero ayaw kong ipakita na nanasasaktan ako, lalo na't hindi ko alam kung paano ako nakarating dito sa kwarto ko.FLASHBACK
" Oy! Saan ka pupunta?" Tanong ni Thea sakin saka hinagis ang bola sakin. Agad ko naman sinalo yun at hinagis pabalik sakanya.
" Tumawag si Manang. I need to go home." Pilit ang emosyong pagsisinunaling ko.
" Tatawag daw si Mommy after dinner. Kailangan ko siyang makausap."" Ano bang nangyayari sayo? Bakit parang nahihirapan kang magsalita? Saka, nmumutla ka?"
Namumutla? Shit! Wag sana nila kong usisain pa, baka mahalata nila ko.
" ha? Nothing. Sige mauna na ko. Mag'commute nalang ako. Bye."sabi ko saka ko kinuha yung bag ko.
" Oy! Magpahinga ka nga pagdating mo. Para kang siraulo."
Hindi na ko nagsalita pa at dali-dali akong pumara ng taxi at sumakay.Napapikit ako sa sobrang sakit. Ngayon nalang siya ulit umatake. Ngayon nalang siya ulit nagparamdam.
5 months ko siyang hindi naramdaman tapos ngayon, bumalik.
' Kaya ko 'to. Malalampasan ko 'to. Mawawala din 'to. Okay? Tiisin ko lang 'to mamaya wala na din 'to.'
Pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko pero kahit anong gawin ko, talagang napakasakit.
Nang makababa ako sa taxi ay binayadan ko siya ng 100 pesos, di ko na kinuha yung sukli kahit na 60 pesos lang dapat yung bayad ko. Malapit lang din kasi yung court sa Village namin kaya medyo mura lang.
Di ko na kasi talaga kayang mag-intay dahil gusto ko nang mahiga.
Pagkababa ko ay natanaw ko yung sign sa gilid. Yung pangalan nitong village na tinitirhan ko.
' Eusebio's Grand Village '
" Nakatira nga ako sa village na pag-aari ng pamilya ko, pero wala naman akong kasamang pamilya at wala namang nagmamahal saking magulang. Para saan ka pa?" mahinang bulong ko sa sarili ko at naramdaman ko nalang na may tumulong luha sa mata ko kaya agad kong pinunasan yun.
Naglakad ako. Dahan-dahan dahil nararamdaman ko yung sakit.
Marami akong iniisip pero, lahat yun natatakpan ng sakit na nararamdaman ko ngayon sa katawan ko.
At sa di kalayuan, natanaw ko na naman siya. Gusto ko siyang sungitan at gantihan pero di ko pa kaya.
Kaya ang ginawa ko, di ko nalang siya pinansin at naglakad ako ulit ng diretso at di nagpahalatang may kakaiba kong nararamdaman.Kahit na alam kong wala siyang pakielam sakin, mabuti na yung sigurado.
" Hoy! Talaga bang sinusundan mo ko?" Tanong niya sakin habang rinig at kita ko ang pagiging mataray na naman niya.
Please. Wag ngayon.
Ayaw kong makipagdiskusyunan. Masama ang pakiramdam ko." Hindi kita sinusundan. Bakit naman kita susundan? " malatang sabi ko tapos napataas lang ng bahagya yung kilay niya.
BINABASA MO ANG
The Red Rose Of Love
DiversosAng Rosas ay simbolong ginagamit karaniwan ng mga taong tunay na nagmamahalan. At ito rin ay sumisimbolo sa isang pagmamahal na hindi kukupas kahit na ito ay nakakubli na sa nakaraan. Pula. Isa sa mga kulay na nagpapatingkad sa buhay. Pero, ang ti...