Part 18

25 3 0
                                    

MARVELOUS POV

Kinaumagahan maaga akong nagising. Hindi ko alam pero parang hindi naman ako nakatulog. Nakapikit ako pero parang gising ako.

Nakakainis talaga. Kung ano ano ang naiisip ko at pumapasok sa isipan ko.
Kagabi, narinig ko sila Debie at Tam na nag-uusap, dito rin kasi ang kwarto nila kasama si Thea, pero si Thea di ko naririnig nagsasalita. Tahimik lang siguro natulog agad.

Nakakainis lang kasi, pinaiyak pala nila kagabi si Ali.
Di ko alam kung bakit pero sa intindi ko sa kwentuhan nila umiyak nga daw talaga. Yung dahilan hindi ko alam.

Haay. Kainis. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nagkakaganito.

Lumabas ako ng kwarto namin dahil tulog pa din naman sila. Dumiretso ako sa dagat agad.
Medyo mahina ang alon.

Nilabas ko yung cellphone ko para mag take ng picture ng sunrise.
Nakakadalawang shots palang ako ay may napansin na ako sa di kalayuan.

' Si Ali yun ha? '

Kahit parang anino lang yung itsura niya dun dahil medyo malayo siya, ay nakilala ko naman agad siya.

Hindi ba natulog 'tong taong 'to at hanggang ngayon ay gising pa rin?

Naglakad ako papunta sakanya at pagkalapit ko ay nakatanaw lang siyang nananatili doon sa pasikat na araw. Alam kong alam niyang nandito ko pero di niya ko nililingon.

' Suplado '

" Ang lalim ng iniisip natin ha. Baka matunaw mo yung mundo. Haha"  biro ko kaya napangiti siya saka tumingin sakin.
Nakangiti rin naman ako sakanya.

Binalik niya ang tingin sa tinitingnan niya kaya tumingin na din ako dun.

" Wala naman akong kapangyarihan para malusaw ang mundo noh. Saka isa pa, araw yung tinitingnan ko e."

' Oo nga noh? Bakit mundo yung sinabi ko? Epal talaga 'to. Napansin pa. Bwiset '

" Parehas na rin yun"

" Magkaiba yun. Kasi ang araw nagbibigay ng liwanag at init para sa mga tao na kailangan ng mga hayop, halaman, puno at ng iba pang mga bagay. Ang mundo naman umiikot yan sa araw. Parehas silang bilog at pinag-aaralan sa science pero, ang pinagkaiba lang nila hindi ka pwedeng tumira sa araw kasi masusunog ka, unlike sa mundo... pwede kang mabuhay hanggang 110 years base on my research, pero nasasaktan ka naman."

" Humugot ka na naman. Sabi na nga ba e! Kasabay ng pagle'lesson mo ang hugot mo. Dami mong problema. "

" Walang tao sa mundo ang walang problema. Sanggol oo. Pero paglaki nun magkakaproblema din yun kasi tao siya."

' Oo na. Sige na. Panalo ka na. '

Bigla nalang tumahimik. Wala nang nagsalita pa. Ang alon nalang ng dagat ang naririnig ko sa magkabilang tenga ko.

Tiningnan ko siya. Gusto kong magsalita pero ayaw bumukas ng bibig ko.
Hanggang sa nakaya ko din.

" Umiyak ka daw kagabi? Bakit? "

" Wala. " tanggi niya sabay lakad papunta sa tabi mismo ng dagat.

" Gusto mong makasama ang pamilya mo diba? Why don't you try to ask them na kahit bakasyon lang for a week---" yun kasi ang hula ko. Pamilya na naman niya.

" Busy sila."

" what if kahit a day lang."

" Hassle sakanila yun"

The Red Rose Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon