ALLISTAIRE POVHindi ko alam sa sarili ko kung bakit napakaaga kong gumising.
Basta, nakita ko nalang yung sarili ko kagabi na nag-alarm ng 7am at ngayo'y nakapaligo na ko gayong 7:30 pa lang naman.Bakit ba sinunod ko yung Kuya nun?
Alam kong susungitan lang ako nun pero bakit parang, okay lang sakin?Ayy tanga!
Ang bobo mo talaga!
" Oh? Hindi ba wala kang pasok ngayon? Bakit nakabihis ka? May lakad ka ba?" Bungad sakin ni Manang pagkababa ko.
" Ahh.. meron po. Kami po nila Neil. " palusot ko.
" With your favorite skyblue polo and favorite black pants? Samahan mo pa ng white rubber shoes na madalang mong isuot dahil sabi mo, ayaw mong nadudumihan lalo na't kung ang lakad mo lang naman ay di masyadong importante."
Nangiti nalang ako dahil talagang hinuhuli niya ko.
" Wala talaga kong maitatago sayo, Nay. Sige na. May sasamahan lang akong bagong kaibigan. Yun e Kung kaibigan ko nga ba siya." Saka ako natawa.
" Ibahin mo yung pagkakabigkas mo ng kaibigan. Baka kasi iyon yung mas gusto mo kesa sa kaibigan na ang english ay friends."
Parang namula ata ako sa sinabi niya. Parang may kung anong di ko maintindihan ang sumanib sakin.
Bakit ba ko nagkakaganito?!
" Nay hindi ganun yun. Ano ka ba." Tangi ko.
" Wag ako, Ali. Ako ang nagpalaki sayo kaya kilala kita."
" Nay walang ganun. Okay?"
" E pano kung may ganun?"
" E di may ganun. Saka, malabo po. Hindi pa yun nakakalimot sa boyfriend niyang namatay."
" O edi umaasa ka pala na sana makalimutan niya na yun? Para ikaw nalang."
" Nay, wala po akong sinabing ganun."
" Pero dun na din yun papunta."
" Nay, kanina mo pa ko binabara ah. Pansin ko lang."
" E ikaw e. Wala naman akong tinutukoy na pangalan sayo pero nagsasabi ka pa dyan na namatay yung boyfriend niya. Oh edi may tinutukoy ka nga. Ano ang pangalan niyan? "
Ang gulo niya.
Haay. Matanda talaga oh oh.
" Nay. "
" Sana'y kapag ipinakilala mo siya sakin, siya na yung huli."
" Nay, walang ipakikilala kasi wala namang dapat ipakilala."
" Kahit bilang kaibigan mo lang."
" Nay, masungit yung taong yun. Si Dragona yun."
" O tingnan mo. Nagpapahuli ka na naman. May tinutukoy ka na namang specific person."
Gggrrrr
" Nay, ewan ko sayo. Sige na po. Aalis na ko. Baka ma'late ako."
" Di ka ba kakain?"
" Di na po siguro. Bibili po ako ng pagkain sa labas e."
" May pera ka ba?"
" Meron po. Pinadalhan po nila ko."
" O sige, mag-ingat kayo."
" Nay."
" Oh? "
BINABASA MO ANG
The Red Rose Of Love
RandomAng Rosas ay simbolong ginagamit karaniwan ng mga taong tunay na nagmamahalan. At ito rin ay sumisimbolo sa isang pagmamahal na hindi kukupas kahit na ito ay nakakubli na sa nakaraan. Pula. Isa sa mga kulay na nagpapatingkad sa buhay. Pero, ang ti...