Part 16

17 3 0
                                    

ALLISTAIRE POV

Hindi ko maintindihan pero sobrang sakit ng ulo ko ngayon. Siguro dahil na rin sa kalasinggan kagabi

Tapos, yung likod ko naman parang mababali na di ko maintindihan.
Lagi ko namang nararamdaman yun pero, ngayon grabe na yung sakit sumabay pa yung sakit ng tagiliran ko na parang namamanhid papunta sa maselang bahagi ng katawan ko.

Tumayo ako at nagtungo sa banyo. Nakakaramdam ako ng pag-ihi pero gaya ng dati, nahihirapan akong ilabas yung gusto kong ilabas.

Napapikit nalang ako dahil ihing ihi na ko at ramdam ko na yung hapdi pero ayaw paring lumabas.
At nang mailabas ko yung ihi ko, ipa'flash ko na sana yung toilet nang makita ko nalang yung bowl na may konting patak ng dugo kaya kinabahan ako.

Natakot ako.
Ngayon ko lang naranasan ang umihi na may kasamang dugo sa urine ko.

Lumabas ako sa CR at tumingin ako sa salamin na hahabol habol ang hininga.
Hinawakan ko yung dibdib ko at ang bilis bilis ng tibok ng puso ko.

' Hindi kaya, kaya ito umatake na naman kasi gumawa ako ng bawal? Bawal sakin ang alcohol pero uminom ako kagabi. Tsk.'

E noon naman kahit umiinom ako hindi naman siya ganitong kasakit e.

' Mamamatay na ba ko? '

Nasa ganoong pag-iisip ako ng biglang may malakas na tunog ang pumukaw sa pandinig ko.

Isang malakas na katok.

" Insan? Insan si Rex 'to! Nandyan ka na ba?"

Hindi ako nagsalita dahil iniisip ko kung paano ko itatago yung sakit na nararamdaman ko sakanya.

Ayaw kong may makaalam.
Ayaw kong malaman nila ang tungkol sa sakit ko.

" Insan? Tanghali na oh. Gising ka na. Kwentuhan mo ko sa problema mo saka sa ginawa niyo kagabi ni Marvs." may pangbubuyong sabi niya nung huli kaya huminga ko ng malalim at inayos ang sariling pinagbuksan siya ng pinto.

" Walang nangyari samin ni Marvs---"

" Defensive. " nakangiting sabi niya saka sinundot yung gilid ng tiyan ko.

'jbnfklaokcnndkdkskwkmfnf!! Talagang nananadya ka ba? '

Huhuhu.

" Ano bang problema mo at kung kelan nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap ni Tito saka ka tumawag at umiiyak ka pang nakikiusap para lang makausap ako? Anong drama mo, Insan?"

" Wala. Di ka talaga maaasahan."

" ulol! Nagpunta ko dun kaso nakita ko kayong magkausap ni Marvs at take note, seryosong usapan kaya di na ko nagpakita sainyo kasi baka mamaya makaistorbo pa ko sainyo." nambubuyong sabi niya saka humiga sa kama ko.

" Gung-gong. Di ko nga alam kung bakit nalaman niyang nandun ako kagabi e. Nagulat nalang ako na nandun siya. Not expected."sabi ko saka ko kinuha yung isusuot kong damit sa cabinet ko.

" tinawagan ko siya. "maikling sabi niya at nang tingnan ko siya ay sobra ang ngiti niya kaya napailing akong pinamewanganan siya.

" abnormal ka talaga. Babae yun tapos pinapunta mo pa dun ng ganoong oras. Paano kung napahamak yun?"

" Ayiiee. Hashtag Concerned. Haha"

" Siraulo!"

" gusto mo rin naman e. Arte mo. Haha" hindi ako nagsalita at pumasok ako ulit sa c.r
" so, ano ngang problema? Tell me."

The Red Rose Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon