Part 5

25 3 0
                                    

MARVELOUS POV

" Anong problema, Marvs? Bakit tinawag mo kami? Are you sad? O feeling mo mag-isa ka lang" tanong ni Debie sakin habang pare-parehas kaming nakatingin sa isa't isa dito sa loob ng dining.

" I guess, you need someone to talk to? Bored ka no? Asan si Kuya Bryan? Sunday ngayon ah. Wala siyang pasok sa opisina niya? Right?"

" Natutulog si Kuya. Gabi na umuwi kagabi. Lasing. Nagparty ata." Sagot ko naman kay Tam.

" Teka. Ano ba yang mga yan? Binuksan mo na yung regalo ni Ae sayo? Tama ba?" Tanong ni Rex sakin saka kinuha yung photo album.

Hindi ako agad nagsalita at pinanuod ko silang tingnan yung laman nung photo album. Yung tinitingnan nila ngayon ay yung mga pictures syempre. Yung isang album ay nasa harap ko ngayon kasama nung red box.

" Tinawag ko kayo para lang tanungin ng isang bagay. Sana masagot niyo ko honestly. " napatingin sila sakin tapos nagkatinginan silang tatlo.

" Ang seryoso mo naman. " pilit ang ngiting sabi ni Debie.

" Dahil seryosong bagay 'tong hinahanap ko."

" Hinahanap?" Sabay sabay na sabi nila.

" Bakit? May naiwan bang kayamanan si Ae? May treasure ba na dapat tayong hanapin? Ganun ba? Aaaaayyyy! Bet! Bet ko yan! Adventure time with the loss treasures of Arvin "Ae" Avelino."

" Walang treasure o kayamanang itinago o ipinapahanap si Ae na dapat nating hanapin."

" Ha?! E ano lang?" Nanghihinayang na sabi ni Tam.

" kung hindi treasure ano yung mahalagang bagay na gusto mong hanapin?" Tanong ni Debie.

" Oo nga. Ano bang nakalagay sa mga regalo ni Ae at bigla ka nalang naging interesadong maghanap ng bagay bagay?"

" Wala siyang ipinahahanap. Ako lang ang may gustong maghanap. Binigyan niya ko ng Wedding Ring, pero yung ring wala. Only the box itself at saka yung letter na to." Saka ko ibinigay yung letter na nakuha ko sa red box.

" Binigyan ka ng Ring Box pero walang Wedding Ring? Ano yun? Nasaan na yung Ring? " takang tanong pa ni Debie habang nakikiusisa sa pagbubuklat ni Tam ng binigay kong maliit na papel.

" Will You Merry Me?" Basa ni Tam sa message.
" Shit! Nakakainis talaga si Ae. Hindi natin alam 'tong pakulo niya na 'to. Ibig mo bang sabihin ang laman ng Red Box na yan ay itong paper na 'to. Asking you a permission to marry him?" Tumango naman ako sakanya.
" Aaawwww Ang sweet niyang magpropose. " sabi niya na parang nagde'day dream pa. Pero bigla nalang lumungkot ulit ang mukha niya.
" Hindi nga lang natuloy yung proposal dahil naaksidente siya."

Okay lang yan. Wag mong masyadong isipin yung sinabi ni Tam.
Wag kang iiyak. You need to be strong, Marvelous. Okay?

" At kaya ko kayo pinatawag kasi baka may nasabihan siya sainyo o may nakakaalam kung nasaan yung singsing? Wala kasing wedding ring sa loob niyang red box gaya ng sabi ko." Pinipilit kong maging malakas habang sinasabi ko ang mga katagang yun. Feeling ko kasi anytime babagsak ang luha ko.

" wala siyang nabanggit about sa plano niyang 'to sakin. Sabi ko sasamahan ko siyang bumili ng singsing pero sabi niya kaya niya naman daw. Kaya hindi ko alam kung nasaan ang singsing." Paliwanag ni Rex.

" Hindi naman siguro pwedeng walang singsing kasi sabi niyo nga sakin, bago siya maaksidente balak na niya kong alukin ng kasal diba? So it means, may singsing talaga. Ang tanong nasaan?"

The Red Rose Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon