Part 10

22 2 0
                                    

ALLISTAIRE POV

Matapos naming mamili ng mga groceries para sa mga gusto niyang tulungan ay bumalik kami sakanila at sinalansan yung mga pinamili namin

Siguro may 50 bags ang nagawa namin kaya inabot na kami ng gabi.

FLASHBACK

" Anong ginagawa mo?"

" Nagugutom na ko e. Magpapadeliver lang ako ng foods. Ano ba gusto mo? Pizza? Pasta? Lasagna?" Sagot ko naman saka ko tinakpan yung speaker ng phone ko para di marinig nung kausap ko.

" Hindi ako gutom."

" Ahh. One box of Pizza, Two piece of Italian Spaghetti with Chicken. Thank You." Pagkapatay ko nung tawag ay tiningnan ko siya at inirapan niya lang ako.

Kanina ko pa kausap yung crew nung fast food na inorder'an ko. Kanina pa kasi ako gutom na gutom talaga.

" May Fries sa ref kung gusto mo, magluto ka muna. " biglang sabi niya kaya nangiti naman ako.

" Ayiie. Ayaw mo kong magutom no? Ang sweet mo naman. Pero mas sweet kung ikaw ang magluluto. Haha"

" Hoy, lalaki! Kung bibigyan mo ng meaning lahat na sasabihin ko sayo, umalis ka nalang. "

" Di ka naman mabiro oh. " pero di na siya kumibo kaya ang ginawa ko ay bumalik ako sa pagkakaupo ko para masimulan na yung pagpa'pack.
" Ano nga pala ang dapat laman ng isang bag?"

" 1 pasta Noodles, 4 different crackers, 1 Biscuit, 3 na delata, 4 pieces ng Lucky Me noodles, at kung ano pa yung mga nakikita mo dyan. Ilagay mo nalang basta ibalance mo yung laman. Wag ka lang lagay ng lagay--- hoy! Anong ginagawa mo! Bakit binuksan mo yan?"

" Nagpasobra ko nito. Favorite ko 'to e." Binuksan ko kasi yung isang lata ng Pringles.

" Okay. Basta kailangan nating matapos ngayong araw para madeliver na natin---"

" 2 pm na oh. Di na aabot 'to. Bukas na batin 'to panigurado madedeliver dun sa mga plano mong tulungan."

" Basta bilisan mo nalang!" Sabi nalang niya nung tingnan din niya yung oras.

Pinagpatuloy lang namin yung ginagawa namin. Dumating yung foods namin at sapilitan pa ang nangyaring pagpapakain sakanya.

Arte. Hahaha.

Pero, buti nalang at kumain siya kahit papaano.

Alam kong labag sa loob niyang isama ko dito, pero wala na din siyang magagawa dahil kasama na niya ko at tutuparin ko yung promise ko sakanya hanggang dulo ng misyon niya.

Di ko nga alam kung bakit inoffer'an pa niya ko na samahan siya hanggang dulo e gayong ang sabi ni Ae dun sa journal na nabasa ko, silang dalawa. Meaning to say, kahit wala na si Ae dapat yung lalaking importante nalang sakanya yung sinama niya. Pero, bakit ako? Although pinipilit ko yung sarili kong sumama ngayon dahil gusto kong bumawi, pero di ko naman expected na gusto niya pala kong makasama hanggang matapos 'tong ginagawa niya.

Haha. Am i that special for her?

Tsk.

' Ano ba yang iniisip mo? Ano akala mo? May gusto siya sayo?'

" Hoy, pakyu ka! Wala akong sinasabing ganun."

" What the? Are you crazy? Sinong kausap mo?"

Napalakas na naman pala yung pagsasalita ko.
Pero, sa isip ko lang yun e.

" Nagpapa'praktis lang ako. May role playing kasi kami e, need kong makabisado yung lines ko." Imbento ko.

The Red Rose Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon