MARVELOUS POV
Ilang araw ng nakaburol si Ae sa bahay nila, huling lamay na ngayon pero wala pa rin akong lakas ng loob tingnan at puntahan siya.
Hindi pa rin ako makapaniwala. Ang bigat. Sobrang bigat sa pakiramdam.
Hindi ko alam kung bakit nangyayari sakin 'to at mas lalong hindi ko alam kung bakit sa dinami dami ng tao sa mundo, si Ae pa.
Bakit kailangang kaming dalawa pa ang napiling paghiwalayin?
" Marv? Hindi ka ba pupunta kay Ae? Halika, sumabay ka na sakin. " Tawag ni Kuya mula sa labas ng kwarto ko, pero di ako sumagot at nanatili lang akong nakahiga sa kama ko habang nakayakap sa puti kong unan at nakatulala sa labas ng bintana kung saan kitang kita ko ang kalahati ng buwan.
Hindi ko namalayan ang pagpasok ni Kuya. Naramdaman ko nalang siyang nakaupo sa gilid ng kama ko at hinawakan ang balikat ko na ramdam na ramdam ko rin ang bigat na pwersang naroon.
" Marvs, hindi maganda para sayo yang ginagawa mo sa sarili mo. Gusto mo bang ikaw naman ang magkasakit?" Tanong niya pero di pa rin ako sumagot.
Kung ito lang ang paraan para magkita at magkasama kami ulit ni Ae gagawin ko, kahit sa kabilang mundo pa yun, okay lang. Ang importante kasama ko siya.
" Halika na. Kahit ngayon lang silipin mo na si Ae. This would be your last chance to see him physically bago siya i'cremate tomorrow." Sa sinabing yun ni Kuya ay di ko na napigilang maiyak ulit. Tiningnan ko siya tapos ngumiti siya sakin ng pilit.
Agad niyang pinunasan ang mga luha ko at muling nagsalita.
" Alam ko yung nararamdaman mo. Ganyan din yung naramdaman ko ng iwan tayo ni Papa na ngayo'y nagpakalayo layo na, at lalo na ng mawala si Mama. Bata ka pa nun kaya hindi mo naramdaman yung sakit. Marv, Masakit. Mahirap pero kinaya ko kasi nandyan ka. Kaya lahat ginawa ko para sayo. Ikaw yung naging strength ko, Marvelous. Kaya sana, gawin mong lakas si Ae para makaya mo lahat."" Magkaiba tayo, Kuya. Malakas ka. Mahina ako. "
" Dahil yun yung mindset mo. Matapang ka, Marvs. Kaya mo lang nasasabing mahina ka, kasi sariwa pa sa isip mo ang pagkawala niya. "
" Kasalanan ko 'to lahat. Kung di ko siya inaway--"
" Don't blame yourself. Kung ano man yung nangyari hindi mo kasalanan yun. " saka niya ko niyakap kaya napahigpit ako ng kapit sakanya habang umiiyak.
" Hihintayin kita sa ibaba. " saka niya ko binitawan sa pagkakayakap niya." Di ko pa kaya." Nakayukong sabi ko.
Mula ng maiburol si Ae ni silip sa burol niya di ko pa nagagawa. Maghapon akong nagkukulong dito sa kwarto ko at nag-iiyak.
Kinakausap nila ko at pinipilit lumabas ng kwarto ko para puntahan si Ae o di kaya'y maglibang, pero di talaga nila ko mapilit.Pati pagkain ay di ko magawa. Wala akong gana lagi. Kapag naisipan ko lang kumain saka ako kakain, pero hindi pa laging sapat dahil konting subo lang kusa na kong umaayaw.
Mahirap. Napakahirap maiwan. Kalahati ng buhay ko para ring namatay.
" Basta. Hihintayin kita sa ibaba no matter what. You should get up na, Marvelous. " saka siya tuluyang lumabas ng kwarto ko.
BINABASA MO ANG
The Red Rose Of Love
RandomAng Rosas ay simbolong ginagamit karaniwan ng mga taong tunay na nagmamahalan. At ito rin ay sumisimbolo sa isang pagmamahal na hindi kukupas kahit na ito ay nakakubli na sa nakaraan. Pula. Isa sa mga kulay na nagpapatingkad sa buhay. Pero, ang ti...