Chapter 1 - The Plan

3.4K 63 2
                                    

Tahimik na naglalakad lang si Diana papunta sa silid ni Thalia  nang marinig niya ang sigaw nito. Bigla siyang kinabahan kaya binilisan niya ang lakad at walang katok na pumasok sa silid. Nasorpresa siya sa nakita niya sa silid, basang basa ang sahig at may ilang bubog ng baso na nakakalat.

Nakaramdam siya ng awa sa kaibigan. Alam niyang sinusubukan parin ni Thalia na kontrolin ang elemento nito pero nahihirapan ito. Agad siyang lumapit sa higaan at niyakap ito. Malakas na umiyak si Thalia habang nakatakip ang dalawang kamay sa sariling mukha.

"Diana, bakit hindi ko pa rin kayang kontrolin ang tubig!"

"Thalia, babalik din yan. Magpahinga ka na muna"

"No! tatlong araw na akong nagpapahinga Diana pero hindi parin ito bumabalik!"

Ilang sandali lang ay pumasok rin sa silid ang mga kaibigan nila at dating mga royalties kasama si Athena, Lianne at ang Hari't Reyna. 

Nilapitan ni Nathalia ang anak at sinubukang pakalmahin. "Anak calm down"

Naaawa nilang tiningnan si Thalia. Hindi biro ang sitwasyon niya ngayon pero wala silang magawa kundi ang maawa at manuod lang. Wala silang kapangyarihan para baguhin ang nangyari sa kanya pero sa kabila nito ay nagpapasalamat parin sila dahil buhay siya at nakakasama pa nila.

"I can't control my water, ang hina hina ko. Feeling ko wala akong silbi. I don't deserved to be the princess of water" umiiyak paring sabi nito.

Tumingin si Diana kay Lucia at tinanguan. Lumapit naman si Lucia kay Thalia at pinatulog ito gamit ang isang spell. Hindi sila sanay sa inasta ni Thalia. Makulit ito, palaging nakangiti at higit sa lahat walang problema na inuurungan pero bigla itong nagkaganito at alam nila kung bakit. 

" Wala ng iba pang mas deserving na maging prinsesa ng tubig Thalia" Diana whispered and faced everyone. 

"Pagpahingahin muna natin si Thalia" aniya at lumabas na sa silid. 


Diana

Bakit ganito ang buhay ko? Ang gulo. Minsan naiisip ko na bakit ako pa ang napili ng tadhana na maging ganito. Mabuti pa ang mga tao sa kabilang mundo. Pamilya at pera lang ang pinoproblema pero dito, ang dami. Power really brings out the bad side of a person. 

Hindi ko na alam kung ano ang gagawin. My mind is occupied by the war, my older sister Gianne and my friend Thalia. 

"Ate, do you have a minute?" I looked at Athena. She almost looked like me. Halatang maraming iniisip. Hagard.I tapped the space beside me asking her to sit.

"Ate, may magagawa ba tayo para kay Ate Thalia?" Tanong niya. I sighed when she asked that. Even I, don't know what to do with Thalia. Many people see me as a powerful being but I don't even have the power to save the people I love. I'm still weak. 

"Wala na tayong magagawa pa Athena. Let Hyuno guide his successor" that's all I can say. Only Hyuno can help Thalia with her problem. 

Binuhay ni Hyuno si Thalia so am sure he has a plan for her but it would better if he should act his plan immediately. Thalia is losing hope and I am not used to that. Thalia is always positive, siya ang pinaka optimistic sa amin but with just one accident she became the opposite of what she really is.

"I'm sure she'll pass this challenge she's currently facing" I looked at Athena smiling. Somehow, she became the second Thalia and I am happy for that.

"Me too"

-
-
-
-
-

We are in a meeting with all the present and past royalties. Nagsasagawa ng mga plano para sa susunod na mga araw. 

It Runs in The Blood 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon