Chapter 10- Prince of Steel

665 29 0
                                    

Gael

Napatalon ako nang patamaan ako ng matutulis na bakal ng lalaking bago ko lang nakita. Sinusundan ba ako ng kamatayan? Wala naman akong ginawang masama ah. Kanina yung magic circle tapos ngayon ito naman.

" Teka lang tumigil ka nga! Sino ka ba" sigaw ko sa kanya. Tumawa siya at itinigil na ang pag hagis ng mga matutulis na bakal.

" Sinusubukan lang kita"

" Sinusubukan? Bakit? Sino ka ba?"

" Ako si Stahar, ang magsasanay sa iyo" Napayuko ako nang mapagtanto kong siya ang God of Steel.

"P-pasensya na sa asal na ipinakita ko God Stahar" paumanhin ko. Nadala lang naman ako dahil para akong pinatay nung magic circle at kanina nga ay pinaulanan naman niya ako ng mga bakal.

"Naiintindihan ko. Magaling ka, mabilis kang kumilos at malakas ka pero mas mapapalakas pa kita" sabi niya.

" Hanggang kailan ako dito?" Tanong ko. I just can't wait to go to Valeria and help. Kapag nanalo kami mababalik ang trono na dapat sa amin nina Ate Andrea at Eve.

Imbis na sumagot siya lumakad lang siya papalabas sa silid na ito. Sumunod na din ako sa kanya.

"Magtatagal ka dito at ako lang ang makakapagsabi kung kailan ka titigil sa pag eensayo" sabi niya habang patuloy na naglalakad.

Time doesn't matter for me now. If I want to get stronger, I need to stay here for a long time. Kapag nakabalik na ako doon may maitutulong na ako sa kanila.

" You should rest first bago tayo magsanay. Importante ang kalusugan mo. Huwag kang mag-alala dahil bukas na bukas din ay magsadanay na tayo" sabi nito at tumigil sa harap ng isang silid. Binuksan niya ang pintuan at pumasok, pumasok na rin ako.

"Ito ang magiging kwarto mo" tumango lang ako habang nililibot mg mata ang kabuuan ng kwarto. Maganda ito at napakalaki hindi katulad ng tinutuluyan ko sa village kung saan nandoon ang mga mabubuting Kradian na hindi pumanig kay Maden.

"Aalis na muna ako" hindi na siya naghintay pa na sumagot ako at mabilis na lumabas ng kwarto at isinara ng mahina ang pinto. Umupo ako sa higaan, napakalambot nito. Ngayon lang ako nakaranas ng higaang malambot.

Naalala ko tuloy si Eve at Ate Andrea. Siguro napakalambot ng higaan nila doon sa Valeria. Bakit ba kasi ayaw akong payagan ni ate Lili na pumunta din doon eh mas magaling pa ako kay Lili.

Humiga na ako ng tuluyan nang makadama ako ng pagod. Wow! From 2 days of following the map, the magic circle and Stahar's welcome greeting, ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong pagod. I thought my training with Ate Andrea and Ate Lili is exhausting but the real thing is far more than exhausting. Ito na iyon, totoo na talaga ito and I have no plans on losing this battle.


Aviana

Nakabalik na ng Aviana si Mavis at Levina. Sumama na rin si Almira para tumulong na magturo sa mga estudyante.

"Tita" hindi makapaniwala si George sa nakikita. Hindi niya kasi nakikita si Almira na lumabas sa palasyo nito. "Coach George" nginitian ni Almira si George.

Napansin naman ni Mavis na wala ang mga kaibigan niyanv babae.

"Where are they?" Tanong ni Mavis sa kanila. "Nat, Fei and Corinne went to South west to follow Vivianne. She's really angry" sagot ni Theo sa kanya.

"Si Jane at Lucia naman ay pumunta sa mundo ng mga tao para sunduin si Creole" si Leo naman na napatingin kay Levina nang mabanggit ang pangalan ng dating nobyo. Hindi naman nagpakita ng kahit anong emosyon si Levina.

It Runs in The Blood 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon