Chapter 41 - Past

661 20 0
                                    

Athena

Totoo nga, totoo nga na siya yung ilaw na gumabay sa amin sa isang taon na pagsasanay namin. They had the same voice, at first nagdadalawang isip talaga ako na siya at ang ilaw ay iisa. That light was sweet and was a soft talker pero alam kong nagpapanggap lang siya. How could he do this at sa amin pa talaga na kadugo niya.

Ngayon na nakita na namin siya sa anyong tao niya parang ang sarap niyang sapakin. Gusto ko siyang bugbugin dahil sa mga makasariling ginawa niya.

Naiyukom ko ang kamao ko at lalakad sana pero hinawakan ni Ate Gianne ang braso ko. Napatingin ako sa kanya. "Kumalma ka muna Athena" aniya sa mahinang boses. Napabuntong hininga nalang ako.

"Nandito ba kayo para patayin ako o para malaman ang katotohanan?"aniya. Ano pa bang katotohanan ang kailangan naming malaman? Sapat na ang malaman namin na nagkasala sila kaya sila isinumpa.

"Hindi na kailangan"sagot ni ate Diana at biglang nawala sa tabi namin. Pagtingin namin kay Demetri ay nandoon na si Ate at sinipa si Demetri pero nasangga niya ito.

That was fast and we didn't know that it was our cue to attack.

Mabilis na sinundan ni Ate Lianne si Ate Diana at inatake din si Demetri. Napailing nalang si Ate Gianne at sumugod na rin. Syempre hindi rin ako nagpahuli at ginawang armor ang suot ko. I Dashed towards them and when I saw an opening from Demetri ay hindi na ako nagdalawang isip na sipain siya doon. Napaatras siya sa ginawa ko pero nakangisi lang siya.

"You guys has great teamwork" aniya. Nasiyahan naman ako sa sinabi niya. "Thanks" sabi ko pero tiningnan lang ako ng masama ng mga kapatid ko. Hindi naman masamang magpasamalat ah.

Muli naming sinugod si Demetri pero naiiwasan niya lahat ng atake namin. Even the elements we used, he repelled it easily. Parang mayroon siyang kapangyarihan na siya lamang ang gumagamit. Hindi namin siya matatalo kung ganito. Hindi rin namin magamit ang special ability namin dahil kaya niya rin iyon.

Parang hindi na tuloy ako naniniwala na isinumpa siya. He is cursed, Yes, but he holds such strong power. Parang inawardan nga siya eh.

"Why do we need to end this like this? Bakit mo ginagawa ito?" tanong ni Ate Diana pero sinusugod parin namin siya.

"Hindi niyo maiintindihan" aniya. Hindi talaga namin maiintindihan dahil hindi naman niya sinasabi.

Pekeng tumawa si Ate Diana at tiningnan ito ng seryoso. "Sinabi ng Divinity na kapag hindi nagtagumpay ang ritwal mo ay mawawala kayo, hindi ka ba natatakot? Nakuntento ka na sana sa buhay mo ngayon"

Napaigting ang panga ni Demetri. Patay, mukhang nagalit ata siya. Ate naman kasi.

"Kung ganoon, gagawin ko lahat ng makakaya ko para magtagumpay ako"

Naramdaman ko bigla ang pagtaas ng kapangyarihan ni Ate Diana at mabilis niyang inatake ng suntok at sipa si Demetri. "How could you! At kami pa ang isasakripisyo mo para lang sa gusto mo!"

"Gusto kong maging tao ulit, gusto kong ibalik ang buhay nina Igrem and I can't do that without sacrificing you and the royalties"

Umatras si Ate Diana sa kanya.

"Did you ask them?" this time si Ate Lianne naman ang nagtanong. Napakunot noo si Demetri. "Who?"

"The Divinity, tinanong mo ba sila sa gusto nila?" tanong ni Ate Lianne. Biglang natahimik si Demetri at tiningnan si Ate Lianne ng seryoso. "Nakakalap kami ng kaunting impormasyon sa kanila. Hindi sila sang-ayon sa gusto mo, itutuloy mo pa rin ba?" tanong ni Ate GIanne.

Masaya ako dahil hindi sang-ayon ang Divinity sa plano ni Demetri pero nalulungkot din ako dahil damay parin sila kapag hindi magtagumpay si Demetri sa ritwal niya. I think the curse connects them all.

It Runs in The Blood 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon