Chapter 17 - Royalties Vs. Kradian

824 35 0
                                    

Parang nagdidilig lang ng halaman si Thalia habang nagpapaulan ng matutulis na tubig sa mga kradians. Isang masamang witch naman ang tingin kay Daphne na nakaupo lang sa branch ng isang buhay na puno habang kinokontrol niya ang iba pang mga puno sa paligid. Wala namang binatbat ang lindol at mga aftershocks sa ginagawa ni Cyrine at ni Charles na ginawang katuwaan ang pagkontrol sa lupa. Parang isang maestro ng orchestra naman si Janus na nagkukumpas ng mga kamay at kada kumpas ng kamay niya ay nagsisilipad ang mga kalaban.

Ginawa ring ice skating rink ni Matteo ang ilang parte ng lugar at doon siya nagsasayaw kasama ang mga kradian na walang awa niyang pinatutumba gamit ang mga yelo na bigla-biglang umuusbong. Isa-isa namang kinukuryente ni Terrence ang mga kradian na nakikita niya at may mga dugong lumalabas sa mga bibig nito, ang iba naman ay parang sasabog na. Nagsu-summon naman si Andrea ng iba't ibang mga kalamidad at kinokontrol iyon papunta sa mga kalaban.

Gumagawa ng itim  na bilog si Eve sa lupa at ang mga nakatayo doon ay nahuhulog, walang may alam kung saan sila dinadala ng mga itim na bilog maliban kay Eve. Nagsisigawan naman ang mga kradian kalaban si Night na nagpapalabas ng liwanag na nagreresulta ng pagkabulag. Nililibing naman ng buhay ni Xanti ang lahat ng mga nakikita niyang kalaban gamit ang Sand element niya. Katulad ng ginawa ni Gael sa isang general ay nagpapalabas din siya ng mga bakal sa mga lupa na kinatatayuan ng mga kradians.

Parang isang demonyo naman kung maituturing si Luke na nagaapoy ang buong katawan, pati ang armor nitong kulay pula ay naglalabas din ng apoy at dinadagdagan ang lakas niya. Halos lahat nanginginig na kaharap siya.
Nararamdaman ng lahat ang mga kapangyarihan ng royalties. Malayong-malayo sa nakalipas na taon. Malaki na talaga ang pagbabago ng mga ito at natuwa sila doon dahil alam nilang makakaya ng mga royalties ang mga laban na kahaharapin nila.

Ang mga general ng kradians naman ay naghiwa-hiwalay at hinarap ang mga royalties.

" Ikaw pala ang Prinsepe ng apoy, ako si Banne, isa sa mga general" binigyan lang ni Luke si Banne ng blankong tingin na siyang ikinairita ni Banne. Wala talagang emosyon na makikita sa mga mata ni Luke.

" Ang yabang mo, tingnan lang natin kunga saan i---" nabigla si Banne nang mawala si Luke sa kinatatayuan nito at  mabilis na nakarating sa harapan niya.

" Puro ka daldal" malamig na sabi ni Luke saka niya sinuntok sa sikmura si Banne at tumilapon. Malakas ang suntok na iyon na ginamitan din Luke ng ability niya na strength. Nahirapang makabangon si Banne at pinunasan ang dugo sa labi niya at galit na tiningnan sa mata si Luke.

Mabilis din siyang kumilos at inikutan si Luke, malakas ang loob niyang gawin iyon dahil speed ang ability niya. Patuloy lang siya sa pagtakbo paikot kay Luke pero nagtaka siya nang tumingin si Luke sa kanya sa mata.

Imposibleng nakikita niya ako

Tumalon siya sa likod nito at laking gulat nang nakaiwas si Luke sa atake niya at hinawakan ang paa niya saka pababalik balik na hinarap ang lupa. Para siyang ginawang pamalo sa lupa.
Malakas siyang tinapon sa isang dingding at nasira iyon.

" An-anong klaseng kapangyarihan meron kayo? Ha-halimaw" nanginginig na sabi ni Banne. Parang demonyo naman si Luke na unti unti siyang nilalapitan. May nabuong bolang apoy sa kamay ni Luke at itinutok sa kanya.

" Halimaw? Diba kayo  iyon?" sabi ni Luke at hindi nagdalawang isip ni sinunog ng buhay si Banne. Nang mawala ang apoy ay mga abo nalang nito ang natira.
Napalunok naman ang ibang mga kradian dahil sa takot.




Nakangiting hinarap ni Thalia ang general na kalaban niya. Mayabang din ang dating ng general.

" Sumuko nalang kayo" sabi ng general na mas lalo niyang ikinangiti. " Linya ko dapat iyan" sabi niya na hindi parin nawawala ang ngiti.

It Runs in The Blood 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon