Chapter 39 - Monster Within

589 20 0
                                    

Napahawak nalang sa dibdib si Lucia dahil sa kaba na nararamdaman para kay Vivianne.  Nakatayo ito malayo sa kanila at napapabuntong hininga. Ilang taon narin kasi ang lumipas simula nung gamitin nila ang krystal na nasa loob ni Vivianne at hindi ganun kaganda ang kinahinatnan. Maraming buhay ang nasawi at muntik na rin si Vivianne kaya hindi na nila ito ginamit pa kahit kailan.

"You can start anytime now Vivianne"ani Igrem na nababagot na. Kanina pa kasi sila naghihintay kay Vivianne. "Ang problema ay nakalimutan ko na kung paano" si Vivianne na napakamot sa ulo.

"Just do what you did back then and try to control it" ani Dreadeth. Tumango si Vivianne at ipinikit ang mga mata. Naiyukom niya rin ang mga kamao at parang nagiipon ng lakas. "Kaya mo yan Vi, wake the dragon and  control it" mahinang saad ni Lucia.

Ilang sandali pa ay napalibutan na ng ilaw si Vivianne at unti-unti narin nilang nararamdaman ang napakalakas na kapangyarihan na nanggagaling dito. The rocks are now floating, the winds became strong and thunder rumbled in the sky. May iilang mga kidlat din ang nakikita sa langit.

"I hope everything will be well" mahinang bulong ni Lucia.

Patuloy ang paglakas ng kapangyarihan ni Vivianne at mas lumiwanag pa ang ilaw na pumalibot sa kanya.

Nakakabulag ang liwanag kaya naipikit nila ang kanilang mga mata at itinabon ang mga kamay. "AH!" sigaw ni Vivianne at mas lumakas pa ito.

"Lucia! What happened?" napatingin si Lucia sa bagong dating. "That's my wife! Bakit wala kang ginagawa at bakit kasama mo ang Divinity?" ani Edward na galit siyang tiningnan at ang Divinity. 

"Hindi sila kalaban Edward. Nandito sila para tumulong" pagtatanggol ni Lucia. Napatiim bagang si Edward at akmang lalapitan ang asawa pero pinigilan siya ni Lucia. "Stop Edward, its the only way"

"She's hurting Lucia"

"I know, she knows too that she will get hurt pero ginawa niya parin para sa Valeria" Hindi na sinubukan pa ni Edward na pigilan ang asawa at nakatingin nalang dito. Sumisigaw parin si Vivianne at kada sigaw nito ay nadadagdagan din ang takot na nararamdaman nina Edward at Lucia. Takot hindi para sa halimaw kundi takot para kay Vivianne. Muntik na itong mawala sa kanila ilang taon na ang nakakaraan at muli nilang nararamdaman ang takot na iyon ngayon.

"Maghanda ang lahat, ilang sandali pa ay lalabas na ang halimaw" naghanda ang lahat at inalabas nila ang kani-kanilang mga armas.

"Kailangan pa natin ng tulong ng iba. Hindi natin siya kaya"ani Hyuno.

"Walang problema diyan, tatawagin ko sila"si Lucia. She placed her pointfinger  at her temple and closed her eyes. "Guys,  we need help. Pumunta kayo dito"  sabi nito at nagpalabas ng bolang apoy at itinapon sa langit at sumabog.

"They will be here any minute"

"Ayos, ngayon ang kailangan nalang nating gawin ay ang maghintay. Sana nga lang ay makontrol na ni Vivianne ang halimaw kung hindi siya ang makokontrol nito"

Samantala

Guys,  we need help. Pumunta kayo dito


Nagkatinginan sina Daphne at Thalia nang marinig ang boses ni Lucia. Napakunot noo din sila. Batid nilang hindi maganda ang nangyayari.

"Anong nangyari?" tanong ni Thalia. Nagkibit balikat lang si Daphne at muling itinuon ang pansin sa kalaban.

"Tiningnan niyo!" napatingin sila sa itinuro ng isang knight. May apoy na sumabog sa langit. Hindi nila alam kung ano na ang nangyayari pero biglang kumabog ang dibdib nila.

"I think we need to go" sabi ni Daphne at tiningnan ang isang knight. "Kaya niyo pa ba dito? May kailangan kaming puntahan" sabi niya.

Tumango ang knight sa kanya. "Kami na po ang bahala dito, Huwag kayong mag-alala"

It Runs in The Blood 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon