Chapter 18 - The Princesses VS Maden

801 30 0
                                    

Matagal na nagsukatan ng tingin si Diana at Maden, na parang pinapakiramdaman ang isa't isa. Nanatili namang alerto si Athena at Lianne na nasa tabi lang ni Diana. Vivianne, on the other hand, was nervous knowing that anytime now ay magpapatayan na ang magkakapatid sa harapan niya. Though she knows that it was Maden nababahala parin siya sa katawan ni Gianne. Napadasal siya ng tahimik.

" Took you long enough to come back" Maden smirked when she said that. Nginisihan din siya ni Diana na kanina ay blanko ang emosyon na makikita sa mukha.

" Oo, pasensya dahil parang nabagot ka sa kahihintay sa amin but don't worry ngayong nandito na kami sisiguraduhin naming hindi ka madidissapoint" biglang sumeryoso si Maden at inihanda ang sarili.

" Sasaktan niyo ako kahit na alam niyong katawan ng kapatid niyo ang ginagamit ko" sabi ni Maden. Alam ni Maden na isang advantage na nasa katawan siya ni Gianne dahil alam niyang hindi kaya nina Diana na saktan ang kapatid nila, it was just an assumption though.

" Oh iyan lang ba? Isang taon din iyon Maden, sapat na para magbago kami. Kung sa tingin mo ay hindi ka namin kayang saktan dahil nasa katawan ka ng kapatid namin, nagkakamali ka. Even if you are in my sister's body I will still kill you" parang na estatwa lahat ng mga taong nandoon nang marinig nila iyon mula sa bibig ni Diana. Hindi nila akalaing sasabihin ito ni Diana dahil alam nilang mahal na mahal ni Diana ang kapatid niya.

"Impossible, sinasabi mo—"

"Diba sabi mo na masyado akong mabait para kalabanin ka? Ngayong wala na akong pakialam na ginagamit mo ang katawan ng kapatid ko bakit parang kinabahan ka?" nagsalubong ang kilay ni Maden sa narinig. Hindi niya inaasahan ang pangyayari.

" Kayo na muna ang bahala sa kanya Dianna at Athena" sabi ni Lianne at lumipad papunta kina Vivianne.

" Let's start" excited na sabi ni Athena at biglang nagbago ang damit niya at  pumalit ang isang gold armor. Nagbago din ang kasuotan ni Diana at katulad ng kay Athena, naging gold armor din ito. Hindi naman nagpahuli si Maden at nagbago din ang suot, gold armor din ito pero may ilang parte ng armor na may itim na spots.

Hindi na sila nag-usap pa at mabilis na sinugod ang isa't isa. Tumakbo ng mabilis si Athena papunta sa likod ni Maden at sinubukang atakihin si Maden pero nakaiwas ito. Sinundan naman ni Diana ng nag-aapoy niyang kamao ang pag-iwas ni Maden pero nasangga iyon ni Maden.

" You had a good time using Ate Gianne's power huh" parang nanunudyong sabi ni Diana kay Maden.

Si Maden naman ang sumugod kay Diana pero napigilan ito ni Athena. Napatingin naman si Maden sa itaas ni Athena at nandoon si Diana na nakahanda ang kuryente nito at pinatamaan siya pero mabilis niyang nakontrol ang lupa, umusbong iyon at naging isang pader kaya ang pader na lupa ang natamaan. Sinuntok ni Athena ang pader na lupa kaya nagsitapon ang mga piraso nito at napaatras din si Maden. Nagpalabas ng mga matutulis na yelo si Maden at pinatamaan sina Athena at Diana pero isa-isan iyong binasag ng dalawa gamit ang espada din nila na yari sa yelo.

" Lumakas kayo pero hindi niyo parin ako matatalo!" sigaw ni Maden sa kanila pero hindi nakinig ang dalawa at sinugod ulit siya.

Nagtagisan sila ng pisikal na lakas at para silang mga robot na pareho ang galaw ng bawat isa. Nagtatamaan na sila ng suntok pero hindi nila dama ang sakit at ipinagpatuloy parin ang paglalaban.

Tumalon paatras si Maden at itinaas ang kamay nito. Ang mga palad nito ay naharap sa langit at may nabubuong apoy doon na  unti unting lumalaki. Inihanda ni Athena at Diana ang mga sarili pero hindi pala iyon sa kanila dahil nakatutok iyon sa mga Valerian na kasama nila.

" Athena protektahan mo sila!" utos ni Diana kay Athena na sinunod naman nito at mabilis na nakateleport sa harapan ng mga Valerian na kasama din ang mga royalties.

It Runs in The Blood 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon