Chapter 28

631 24 0
                                    

Nang makarating sila sa labas ng kweba ay sinalubong sila ng napakaraming knights na pinamumunuan ni Arthur. Kasama din niya si Jack na nakaupo at mukhang kanina pa sila hinihintay. Umalin na rin ang dragon na naghatid sa kanila at hindi na lumabas dahil baka magkagulo pa.

"Arthur" lumapit si Arthur nang tawagin siya ni Lianne. Lumapit din si Jack sa kanila.

"Are you alright?" Nag-aalalang tanong ni Arthur kay Lianne.

"Okay din ba kami?" Singit ni Gianne na binigyan sila ng nakakalokong ngiti. Lianne glared at her twin sister saka muling tiningnan si Arthur.

"We are fine, maiwan na muna kayo dito at maghintay sa mga kradian. Marami-rami din sila" tumango si Arthur at sumaludo saka umalis sa harap niya.

"We prepared a carriage for everyone" ani Jack. Napakunot-noo naman sila.

"Huh? Bakit? Sa aviana lang naman kami uuwi ah" wika ni Gianne.

"Well, sa palasyo ang punta niyo at hindi sa Aviana" biglang kinabahan sina Devonne at Elina at napatingin kay Diana. Malakas na napabuntong hininga si Diana, she knows what will happen next.

"Let's go and get over with it" ani Lianne at sunakay na sa karwaheng inihanda sa para sa kanila.


Palace, Central Valeria

Ilang minuto nang pabalik-balik ng lakad si Vivianne habang hinihintay ang mga anak. Kanina pa din nakatingin ang mga kaibigan niya sa kanya na parang nahihilo na.

"Itigil mo na nga iyan Vivianne" suway sa kanya ni Fei na nakahawak na sa ulo nito. Hindi nakinig si Vivianne sa kanya at patuloy lang sa paglalakad. Sobrang nag-aalala talaga siya hindi lang para sa mga anak niya kundi pati narin sa iba. 

"Maayos lang sila, iyon ang sabi ni General Arthur" ani Lucia.

"Alam ko, hindi naman iyon ang inaalala ko" wika ni Vivianne at alam ni Lucia ang tinutukoy niya.

"We'll know when they arrive" ani Lucia  para makalma si Vivianne. Dahil sa pagod narin siya sa pabalik-balik na lakad ay napagdesisyunan niyang umupo na muna.

"Finally, akala ko hindi ka nakakaramdam ng pagod" sarkastikong sabi ni Mavis sa kanya. Napasimangot lang siya at niyakap si Mina na katabi niya. Ilang sandali pa ay pumasok sa silid nila ang isang katulong at mukhang nagmamadali.

"Your highness, nandito na sila" napatayo ulit si Vivianne pati narin ang mga kaibigan.

"Sabihan mo silang sa throne room na magkikita" maawturidad na utos niya dito. Sumunod naman ito at nagmadaling lumabas.

Lumabas na rin sila at pumunta na sa throne room. Nandoon na si Edward at ang mga asawa nila na nakaupo sa inihandang mga silya. Lumakad na si Vivianne at umupo sa trono niya habang ang iba naman ay pinuntahan ang mga asawa at umupo katabi ng mga silya nila.

After a couple of minutes ay bumukas na ang pintuan sa silid at iniluwa doon ang mga prinsesa at mga royalties kasama sina Devonne at Elina. Naunang humarap sina Lianne, Gianne, Diana at Athena. Nasa likod naman nila ang mga kaibigan nila na halatang kinakabahan.

Wala mamang makikitang emosyon sa mukha ni Lianne at Diana. Kinakabahan namang napatingin si Athena sa dalawang ate niya. Napapailing nalang din si Gianne at siya na rin ang unang bumasag ng katahimikan.

"Ako na ang humihingi ng tawad sa nagawa namin. We should have called you first before entering that cave. We are sorry" yumuko si Gianne sa harapan ng mga magulang nila.

Edward didn't mind Gianne at nakatingin lang kay Diana na hanggang ngayon ay blanko parin ang emosyon. Vivianne was furious pero pinipigilan lang niya ang sarili.

It Runs in The Blood 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon