Chapter 27

587 27 2
                                    

Lianne

"We come in peace" agad na sabi ko na pumiyok pa sa dragon na kaharap namin. Naramdaman kong naestatwa si Gianne dahil sa takot, nakatago naman sa likod ko si Andrea. Hindi ko inaasahan na dragon ang una naming makikita. We know anytime makakaharap namin sila pero we are hoping na kradians ang una naming makikita!

"Sino kayo?" Napalunok kami sa tanong ng Dragon at bigahan pa kami ng hangin kaya napapikit kami.

" Hindi kami kalaban kung iyan ang nasa isip mo. We came from Valeria at may hinahanap kami" paliwanag ko sa kanya pero parang hindi parin ito naniniwala. Tiningnan niya si Andrea na nasa likod ko at nanginginig.

" Nararamdaman kong isang kradian ang kasama niyo" sabi nito habang nakatingin parin kay Andrea. Mukhang tama nga ang librong nabasa ko tungkol sa mga dragon. Malakas ang mga senses nila at maging mga tao ay kaya nilang malaman kung masama ba sila o hindi. Kaya din nilang malaman kung taga-saan ang isang tao.

"Mamamatay na yata ako" bulong sa akin ni Andrea kaya sinamaan ko siya ng tingin. I really hate it when someone jokes about death.

" Hindi siya katulad ng iniisip niyo, She's one of the royalties na tutulong sa destined princess. She's the princess of calamity" paliwanag ko ulit sa kanya at hopefully sana maniwala na siya.

"Hmmmm" ilang minuto din siyang tahimik at wala kaming magawa naghintay lang sa susunod niyang gagawin.

"Kung ganoon anong ginagawa niyo dito?" Tanong nito kaya nakahinga kami ng maluwag. Mukhang naniniwala na siya sa sinabi ko.

"May hinahanap kaming dalawang babae" sagot ko sa kanya. Nakita kong kumunot ang malaking noo niya. "Kulay berde at pula ba ang mga buhok nila?" Tanong uliy niya kaya lumiwanag ang mga mukha namin. Mukhang mapapabilis ang paghahanap namin.

"Oo nakita mo ba sila?" Balik na tanong sa kanya ni Gianne.

"Oo, kung gusto niyo dadalhin ko kayo sa kanila. Mukhang mapagkakatiwalaan naman kayo" sabi niya kaya natuwa kami at nag high five sa isa't isa. I take back what I said earlier. Swerte kami at sila ang una naming nakita at hindi mga kradian.

" Sandali lang, may kasama pa kasi kami na nandito sa kweba at nakikipaglaban sila ngayon laban sa mga kradians, pwede ba naming mahingi ang tulong mo?" Pakiusap ko sa kanya. Kung tutulungan niya kami mas mabuting lulubusin ko na.

"Hmm... pero sa pagkakataong ito ay mukhang natapos na ang laban" sabi niya. Geez! Nakaka amaze talaga ang senses nila.

"Maaari ba natin silang isama?" Tanong ni Gianne sa dragon. Tumango ang dragon at dumapa nalang bigla.

" sumakay na kayo" mabilis kaming sumakay sa likod niya at ilang sandali pa ay nararamdaman naming lumilipad na kami.

3rd person pov

Nakaupo na sila habang nakatingin sa mga kradian na napatumba nila. Naubos nila ang halos isang daang kradian na sila lang. Nagsiliparan naman ang mga dragon na tinulungan nila during the fight. Tumayo na si Thalia at kinuha ang ilang mga gamit niya.

"Let's get going! ayoko na dito. Bilisan na natin ang paghahanap" maarteng wika niya. Nagsitayuan naman ang iba at kinuha ang sariling mga gamit.

" Let's group ourselves again" suhestyon ni Diana sa kanila.

" Okay na iyong kanina" ani Eve na sinag ayunan naman ng lahat maliban kay Diana.

Kaya nga nagsuggest para maiba eh anang isip niya.

Aalis na sana sila nang may marinig sila na dagundong ng dragon.

"Again?" Hindi makapaniwalang sabi ni Thalia. Hindi pa nga sila nakakapagpahinga ng matagal ay mukhang sasabak ulit sila sa away but this time hindi na kradian, dragon na. "Maghanda kayo" wika ni Diana at halos sabay-sabay nag-iba ang kanilang anyo. Nagpalabas din sila ng kani-kanilang elemento at mga weapon.

It Runs in The Blood 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon