Chapter 24

641 23 0
                                    

"Silang dalawa ba ang sinasabing mapapagkatiwalaang tao ng prinsesa?" pabulong na tanong ng pinunong elf kay Shane na nakangiti lang. Tumango si Shane sa dalawang babae at sinenyasan na lumapit ng kaunti sa kanila.

"Magpakilala kayo sa pinunong elf" sabi ni Shane sa dalawa.

" Magandang buhay Pinunong elf, ako po si Devonne" magalang na pagbati ni Devonne dito. Siniko naman agad ni Devonne si Elina nang mapansing nakaharap na naman ito sa maliit na salamin na dala nito. Mabilis namang itinago ni Elina ang salamin sa bulsa at nagpakilala.

" My name is Elina" pagpapakilala ni Elina na may halong taray kaya sinamaan siyang tingin ni Devonne. Pilit na ngumiti ang pinunong elf sa dalawa dahil hindi talaga niya makuhang pagkatiwalaan ang dalawa lalo na at pansin niyang may hindi magandang asal ang isa.

" So, anong kailangan naming gawin?" pataray na tanong ni Elina.

" Elina, magbigay galang ka naman" suway sa kanya ni Devonne pero hindi ito pinansin ni Elina.

Napabuntong-hininga nalang ang pinunon elf. " Kayo ang ipinadala ng prinsesa kaya wala na akong magagawa" simula nito.

"Aba't choosy ka pa ah kung ay---" hindi na natapos pa ni Elina ang sasabihin dahil tinakpan na ni Devonne ang bibig nito.

" Sundan niyo ako at dadalhin ko kayo sa kweba" tumango si Devonne at lumakad na ang pinunong elf. Binitawan na ni Devonne si Elina at sinundan na nila ang pinuno.

"Umayos ka Elina kundi lagot tayo kay Diana" bulong ni DEvonne kay Elina. Elina just rolled her eyes at hindi pinansin ang sinabi ni Devonne.

Sa ilang minuto nilang paglalakad mula sa lugar ng mga elves ay nakarating sila sa isang kweba na may kakaibang pasukan. Parang ulo ng dragon na Malaki ang pagbuka ng bibig. Kinabahan naman silang bigla.

"Hanggang dito nalang ako, hindi na ako pwedeng pumasok" sabi ng pinunong elf.

"Bakit?" tanong ni Devonne.

"Nasa kasunduan namin ng pinuno ng mga dragon na dito lamang kami magbabantay sa labas at sila na sa loob at mahigpit nila iyong sinusunod. Nakapasok na ang mga kradians nang hindi namin namalayan kaya sana bago nila makuha ang krystal ay makuha niyo iyon. Sana din ay hindi kayo makita ng mga dragon. Ipagdadasal ko ang inyong kaligtasan" sabi nito at bigla nalang nawala.

Huminga na muna ng malalim si Elina at Devonne. " Tayo na Elina, Shane"

"Teka lang" napatingin silang dalawa kay Shane.

"Bakit?"

"Hanggang dito lang din ako, kailangan kong bumalik sa Aviana at ibalita lahat kay Princess Diana" sabi nito.

"Ano? So kaming dalawa lang ang papasok sa napakadelikadong kweba na ito?" napakamot nalang sa ulo si Elina.

" Pasensya na talaga pero huwag kayong mag-alala nasa inyo naman ang ibinigay na bracelet ng prinsesa hindi ba? Pindutin niyo lang ang bilog at malalaman naming nasa panganib kayo at kapag nangyari iyon magpapadala agad kami ng back up" sabi ni Shane at mabilis na lumipad papalayo.

" I guess it's you and me again" sabi ni Elina habang nakatingin sa loob ng kweba.

"Parang ganoon na nga"

AVIANA

" Diana, nasaan ang dalawa mong bodyguard?" tanong ni Thalia kay Diana. Nakapagtataka kasing wala sa tabi nito ang dalawa. 

"May misyon akong ibinigay sa kanila" sagot naman ni Diana.

"Misyon? Bakit hindi nalang tayo ang gumawa nun?" nagtatakang tanong ni Thalia sa kanya.

It Runs in The Blood 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon