Chapter 22

746 31 0
                                    

Tahimik ang apat na magkapatid habang nakatingin sa malaking gate ng school nila. Hindi rin sila makatingin sa mata ng isa't isa. Wala namang nag-away sa kanila pero ang awkward ng aura sa paligid nila. Dahil wala namang balak na magsalita, lumakad sa harapan ng gate si Lianne at itinapat ang kamay sa isang maliit na magic circle at bumukas ang gate.

Nang tuluyan nang bumukas ang gate ay pumasok na sila at sumalubong sa kanila si Master Stephen at nasa likod niya sina Devonne at Elina na nakaarmor suit. Ganoon ang suot nila dahil knight na sila at para narin hindi sila mapagkamalan na mga estudyante parin. Nakangiti ito at nawala ang ngiti nang makita ang mga mukha nila na seryoso.

" Hello Girls" nginitian lang siya ng apat kaya nakaginhawa siya ng maluwag. Akala niya ay kung ano na.

" Magkasama ba kayo sa iisang room?" tanong ni Stephen sa kanila.

"Hindi po Tito, doon kami ni Gianne sa Building ng mga coach. Itong dalawa naman ay sa student's building" sagot ni Lianne. Tumango lang si Stephen at napatingin kay Diana.

" Nakahanda na ang kwarto mo kasama sina Devonne at Elina" nanlaki ang mata nina Elina at Devonne pati na rin si Athena sa sinabi ni Stephen.

"Hindi tayo magkasama Ate?" nginitian siya ni Diana.

"Okay lang iyon, magkatabi naman ang mga kwarto natin atsaka kasama mo parin naman sina Ate Thalia mo. Makakasama niyo narin si Eve doon. Hindi kasi tayo kasya, lima lang ang pwede sa isang room." Napatango nalang sii Athena at napasimangot kaya kinurot ni Diana ang pisnge niya.

"Magkatabi lang kwarto natin kaya okay lang iyan"

"Wait! Hindi niyo man lang kami tatanungin kung okay lang sa amin?" biglang singit ni Elina, siniko naman siya ni Devonne.

" Nope, mga personal na knight ko na kayo kaya ako ang masusunod" sabi ni Diana.

" At bakit ka namin susundin?" nakataas kilay na sabi ni Elina. "Dahil siya ang prinsesa" si Devonne na ang sumagot. "Pagpasensyahan niyo na itong kasama ko" sabi ni Devonne at hinila si Elina at kinuha ang bag ni Diana at umuna na sa room nila.

" I guess that's all" Aalis na sana silang apat pero tinawag ni Stephen si Diana.

"Diana, can I talk to you?" tanong ni Stephen. Nagkatinginan ang apat. " Alone?" dagdag pa ni Stephen. Tinanguan ni Diana ang mga kapatid kaya tuluyan na silang umalis at nagpaiwan siya.

" Bakit po?" tanong niya kahit parang alam na niya kung ano ang sasabihin nito.

" About Luke, pwede bang kausapin mo siya? He won't go out from his room, ayaw din niyang bumalik dito. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa inyo pero kumbinsihin mo naman siya, ito lang ang kaya kong gawin para sa kanya as his father. You know how hard headed he is, parang sa iyo lang naman iyon nakikinig. Nag-aalala lang ako dahil baka pababayaan nalang niya ang trabaho niya bilang isang prinsipe" napabuntong hininga nalang si Diana. Hindi niya akalain na ganito ang mangyayari kay Luke. Hindi niya naisip na ganito ang gagawin ni Luke.

" Tito, desisyon niya iyan. If he will neglect his duties as a prince, kasalanan niya iyan pero kung mahal niya ang Valeria he will come here and do his duty. Pasensya na po talaga" yumuko si Diana atsaka aalis na sana pero tinawag ulit siya ni Stephen.

" Diana, minahal mo ba talaga ang anak ko?" hinarap ni Diana si Stephen at ngumiti.

" I love him, sigurado po ako diyan hanggang ngayon pero gusto ko lang po na magfocus bilang isang prinsesa na poprotekta sa Valeria. Wala po akong panahon sa sarili kong kaligayahan at unfair po iyon kay Luke." Tumango lang si Stephen at ngumiti. Tuluyan nang umalis si Diana at naiwan doon si Stephen na nakatingin lang sa papalayong si Diana.

He sigh. " They are still young yet their love is real"


Athena

Mag-isa lang ako sa kwarto ngayon dahil wala pa sila Cyrine. Ayaw ko namang pumunta sa kwarto nina Ate dahil sigurado akong nagaayos pa sila ng mga gamit. Hay, nakakapanibago naman, hindi naman makakasama si Ate sa iisang kwarto.

I feel so out of place, sina Ate Lili at Ate Gigi palaging magkasama at sa tingin ko ay may sikretong tinatago. Si ate Diana naman obvious na obvious na mayroong pinaplano, ano nalang ang ganap ko? Minsan tuloy naiisip ko na wala akong silbi.

I also feel bad for Kuya Luke. Mabilis na kumalat ang balita nang maghiwalay sila. It was unexpected, noong isang linggo lang ang sweet pa nila tapos biglang naghiwalay. We can't really predict Ate Diana's mind. Even if we use mind reading ability, still no effect. Palagi namang nakasarado utak niya. When I first met Ate Diana, I know she's very mysterious pero ngayon mas nahihiwagaan na ako sa kanya. I thought I already knew her but now I doubt that. I sense a manipulative aura around her. Parang hindi na ako magtataka kung siya ang makakakuha ng trono bilang mamumuno ng Valeria. I would feel bad for Ate Lianne and Ate Gianne. I mean, deserved nilang mamuno dito sa Valeria lalo na si Ate Lianne, her leadership is incomparable.

" HELLO !" napabangon ako dahil sa malakas na pagbukas ng pinto at sa malakas na pagsigaw ni Ate Thalia. Hay, hindi parin siya nagbabago. Nasa likod niya sina Cyrine at ate Daphne.

" Where is Diana?" tanong ni Ate Daphne nang mapansin niyang wala si ate Diana.

" She won't be staying with us" sabi ko sa kanila.

" Bakit? Ayaw naba sa atin ni Ate Hera?" tanong ni Cyrine. Naalala ko tuloy iyong mga panahon na wala pa kaming mga responsibilidad nakailangang gampanan.

" Hindi naman sa ganun, kailangang magkasama sila ng personal knights niya. Hindi naman pwede dito dahil lima lang ang pwede sa iisang room" sabi ko sa kanila.

"Saang kwarto?" nakasimangot na tanong ni Ate Thalia.

"Katabi lang ng kwarto natin" sabi ko. Bigla namang lumabas si Ate Thalia kaya sinundan namin siya. Pumunta siya sa harapan ng katabi naming room at malakas niya iyong kinatok.

" Hoy Diana!" sigaw niya. Napahawak nalang ako sa ulo ko. Ilang sandali pa ay bumukas na ang kwarto at sumalubong sa amin ang isang hindi pamilyar na tao.

"Bakit po?" tanong ng babae. Nakikita ko sa mukha niya na natatakot siya. Napatawa kami ng mahina ni Cyrine. Maling kwarto pala itong kinatok ni Ate Thalia. Binatukan ni Ate Daphne si Ate Thalia.

"Aray ko naman Daph" reklamo nito. " Humingi ka ng sorry" utos ni Ate Daphne kay Ate Thalia.

"Sorry Miss" yumuko si Ate Thalia at paulit-ulit na humingi ng tawad.

"'Okay lang po iyon" sabi ng babae at isinara na ang pintuan.

Nakakahiya iyon ah. Eto naman kasing si Ate Thalia hindi man lang ako tinanong kung saang pinto. 

" Ano ang ginagawa niyo?" napatingin kami sa may-ari ng boses. It's Eve na may dala-dalang gamit.

" Eve!" niyakap namin siya.

" Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Cyrine sa kanya.

" Pinapalipat ako dito ni Master" sagot ni Eve. Nakalimutan kong sabihin sa kanila na makakasama namin si Eve sa iisang kwarto. Napatingin sina Cyrine sa akin.

" Yeah, request ni Ate" sabi ko sa kanila.

" Oh, bakit kayo nandito sa labas?" napatingin kami sa likod ni Eve. Si Ate Diana kasama ang mga 'personal Knights' niya. Nakangiti si Devonne sa amin habang nakassimangot naman si Elina sa amin.

" Hoy Diana! Mag-usap nga tayo" hinila ni Ate Thalia si Ate sa room nila. Talagang sa room pa nila Ate. Sumunod na kami sa kanila at pumasok narin.

Napatingin ako sa aming lahat. Parang habang tumatagal palaki na ng palaki ang pamilya namin. It's so nice to have Devonne and Elina in the group though I know Elina is still having second thought about us.

Nevertheless I still see her as one of our friends now. 

________


TBC

It Runs in The Blood 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon