Chapter 33 - The war between the Strongest (Part 5)

552 22 0
                                    

Janus

I was flying while evading Panote's attacks. Ibang-iba na talaga siya ngayon, she's very serious and it's scaring me. Iba pa naman kapag babae na ang naging seryoso, nakakatakot sila.

I'm fully equipped right now pero nahihirapan parin akong kalabanin siya. She's one of the four main gods kaya malakas talaga siya but I'm confident enough I can defeat her now, thanks to her training.

Gumawa siya ng napakalakas na hangin at kinontrol ito papunta sa akin. Gumawa rin ako ng kagaya sa kanya at itinapat ko sa kanya kaya nagkaroon ng pagsabog.

"Hindi ba pwedeng pag-usapan nalang natin 'to ?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi pwede. I'm testing you if you are capable enough to protect this continent without us" sabi niya.

"You mean, kapag nagtagumpay kayo sa plano niyo" pagtatama ko sa kanya. Hindi siya sumagot at sumugod lang ulit sa akin pero naiwasan ko ito.Umatake ulit siya at sinabayan ko narin siya.

This is the final battle and we will not let them win. I just hope Diana can defeat that preeminent. Iba pa naman ang lakas ng diyos na iyon kesa sa Divinity.

"So, you are all part of the famous and historical Cornelia family?" Wika ko habang nagpapalitan kami ng atake. Bigla siyang lumiksi nang marining ang Cornelia kaya hindi ko napansin ang sipa niya at natamaan ako.

"Hindi lahat kaming isinumpa ay Cornelia at isa ako doon" sabi niya kaya nabigla ako. What? Ang sabi ng Pinunong Valor ay Cornelia silang lahat.

"I just happen to love a Cornelia kagaya ng kapatid ko" sabi niya.

"Hyuno is my brother" napanganga nalang ako sa sinabi niya. Kaya pala sila laging nag-aaway.

Alam na namin ang lahat ng plano nila at ng preeminent, salamat kay Daphne. We royalties have the ability to talk using telepathy.

"So you wanted to be human again?" Tanong ko sa kanya.

"I won't answer that. Ang mabuti pa ay ituloy natin ang laban natin" aniya at muli akong sinugid ng suntok.

Sinangga ko ito gamit ang isang kamay at ang isa ko pang kamay ay ginamit ko para hawakan ang kamay niya at ibinaliktad siya pero nakawala siya at tumalon sa likod ko saka ako sinipa kaya tumilapon ako. Habang nasa ere ay nag-ipon ako ng hangin sa kamay ko at nang masigurong malakas ito ay itinapon ko sa kanya.

Hindi niya iyon inasahan kaya natamaan siya at siya ngayon ang tumilapon at bumagsak sa lupa.

"Pauleen!" Rinig kong sigaw ng lalake. T-teka Pauleen?

"Hoy kami ang kalaban mo!" napatingin ako kina Cyrine at Charles na kararating lang. Nakaarmor din sila at hawak ni Charles ang malaking shield nila.

Napatingin ako kina Goddess Panote or Pauleen, ah ewan ko kung ano talaga.

"Dreadeth, anong ginagawa mo dito?" Nakatiim bagang na tanong ni Goddess Panote kay God Dreadeth.

"Naramdaman kong nasa panganib ka"sagot ni God Dreadeth. Oops! LQ yata sila.

Siya ba ang sinasabi ni Goddess Panote na minahal niya?

"Whoah ngayon ko lang nakita si God Dreadeth na nag-alala" sabi ni Cyrine na nasa tabi ko na pala.

"Magkasintahan sila" sabi ko sa kanila kaya napanganga sila.

Natawa nalang ako sa reaksiyon nila.



Cyrine

Seryoso? Magkasintahan sila? Pwede ba iyon? Eh sabi ng Pinunong Valor lahat sila Cornelia, incest sila! Incest!

It Runs in The Blood 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon