Chapter 19 - The Princesses VS Maden (part 2)

853 32 2
                                    

Nagsasangga ang espada ni Diana at Maden na sinasamahan pa nila ng napakalas na elemento. Nakatutok naman ang pana ni Athena kay Maden pero hindi niya magawang basta lang bitawan iyon dahil baka matamaan si Diana. Nang magkalayo ang dalawa ay saka niya binitawan ang pana pero nakita iyon ni Maden at ginawang panangga ang espada nito.  Kay Athena na ang atensyon ni Maden, mabilis na lumipad si Maden kay Athena pero  biglang lumitaw sa harap niya si Diana at inatake siya gamit ang espada nitong galing sa Light element.

Gumawa din si Maden ng isang espada na galing sa Dark element at ipinantapat sa Light sword ni Diana. Naglaban ulit sila at napakabilis ng mga kilos nila na hindi kayang makita ng mga nandoon na nanunuod.

" Athena" tawag ni Lianne sa kapatid kaya napatingin si Athena sa kanya.

" Ate, ang laki na ng sira na ginawa nila"sabi ni Athena na  nag-aalala dahil baka tuluyan ng masira ang lugar. Nababahala din siya dahil baka umabot pa sa Academy.

" Kailangan nating pumunta sa ibang lugar, mayroon ka bang naiisip?" tanong ni Lianne.

Napaisip naman si Athena.

" I don't know if its a good idea"

" Anong nasa isip mo?"

" Paano kung sa ibang dimensyon natin labanan si Maden na nasa katawan ni Ate Gianne" suhestiyon ni Athena, napangisi naman si Lianne sa ideya niya.

" It's perfect Athena, gagawa ako ng portal at siguraduhin niyong mapapasok niyo si Maden doon" tumango lang si Athena at bumalik sa laban at tinulungan ulit si Diana.

Naghahanda naman si Lianne sa paggawa ng portal. Mayroong lumitaw na magic circle sa lupa na kaharap ni  Lianne at nagkaroon doon ng bilog na umiilaw.

Nakita ni Diana ang ginagawa ni Lianne at alam na niya kung para saan iyon. Huminga ng malalim si Diana at mas lalo niyang naramdaman ang napakalakas na kapangyarihan na gustong kumawala sa katawan niya. Umilaw ang katawan niya at ganoon din ang kanyang mga mata. Mas bumilis ang mga kilos niya kaya nahirapan si Maden na patamaan siya. Binigyan siya ni Maden ng isang umaapoy na suntok pero napigilan niya ito gamit ang isa niyang kamay. Ang isa naman niyang kamay ay ginamit niyang panghawak sa braso nito.

" Athena!" nanlaki ang mga mata ni Maden nang maramdaman si Athena sa likod niya at hinawakan ng mahigpit ang balikat niya. Nagkatinginan sa mata si Athena at Diana at sabay na tumango. Pwesahan nilang dinala si Maden at mabilis na lumipad pababa sa ginawang portal  ni Lianne at tagumpay nilang naipasok doon si Maden.

Naiwan naman si Lianne doon at susunod na sana pero nagsilapit ang mga royalties at maging ang dating mga royalties.

" Huwag na huwag kayong papasok dahil magiging pabigat lang kayo kapag sumunod kayo. Please let us take care of this. Nangako na akong babalik kami at tutuparin ko iyon" sabi niya sa mga ito. " May ilang kradian pa na natitira, get rid of them" utos naman niya sa mga royalties. Kahit nag-aalala ay napatango nalang sila at ginawa ang inutos nito at nilabanan ang ilang kradians na natira. Saka lang nila natanto na kaunti nalang pala ang natira at nasisigurado nilang bumalik na ang ilan sa kradia. 

Pumasok na si Lianne sa portal at agad tumambad sa kaniya ang naglalaban na sina Diana at Maden. Tumutulong din si Athena pero limitado lang ang kilos nito dahil ayaw nitong maging sagabal sa ate niya.

Hinawakan niya ng mahigpit ang emblem at hininaan ang kapangyarihan, kinailangan niyang gawin iyon para hindi siya maramdaman ni Maden.

" Hindi ko kayo hahayaan na sirain ang plano kong pabagsakin ang Valeria at ang buong mahou continent" sigaw ni Maden habang naglalaban parin sila ni Diana.

It Runs in The Blood 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon