Chapter 21

851 30 2
                                    


Isang linggo na ang nakalipas nang maganap ang selebrasyon. Para sa kanila, sapat na ang panahon na iyon para magsaya. Maikli lang pero ang mahalaga ay nakalimutan nila ang problema kahit ilang sandali lang.  Ngayon, nasa palasyo ulit ang lahat para sa isang pagpupulong. Ito ay para sa mga susunod na mga hakbang nila laban kay Maden. 

"Now that we have Gianne, I think this would be easy" napatango ang iba sa sinabi ni Stephen.

"Huwag po nating maliitin ang kakayahan ni Maden tito, kaya na niyang kontrolin ang iba't ibang elemento kahit pa hindi na niya magagamit ang katawan ko. They have many advanced machines and that's their advantage. Hindi ko alam kung saan nila iyon nakuha pero sigurado akong sa ibang kontinente nila iyon nakuha." sabi ni Gianne na sinang-ayunan naman ng mga kapatid niya. Kaya na ni Maden na kontrolin ang lahat ng elemento dahil na rin sa machine na ginamit ni Diego na higupin ang elemento ng isang elementalist. It's still a mystery for them on how did the kradians got that machines. 

" Tama si Gigi, kailangan nating planuhin ng mabuti ang pagpapabagsak sa kanya. We need to get rid of those machines too" si Lianne. Napabuntong hininga nalang ang lahat. Kung ang mga prinsesa na ang nagsabi siguradong mahihirapan nga sila. 

" Marami parin ang mga kradian na kakampi ni Maden at sigurado akong ginagamit parin nila ang bagay na kumukuha ng kapangyarihan. So we need something that could counter that thing." sabi naman ni Diana na tinutukoy ang bagay na ginamit ng mga karadian nung digmaan. 

"Kung ganoon, lets improve our weapons and armors  too. Kailangan din nating ipagpatuloy ang pag-eensayo sa mga estudyante" suhestiyon ni Lucia. Nagsitanguan naman ang lahat.

" Royalties, for the meantime, babalik na muna kayo sa Aviana at kayo rin Diana at Athena" sabi ni Vivianne. Tumango naman ang dalawa sa sinabi ng ina. "We will wait for the Gods to contact us, they know what to do next" dagdag pa niya.

" How about the dragons?" tanong ni Mia Nara.

"Pupuntahan din namin ang lungga nila pero hindi pa ngayon tita" sagot ni Lianne.

Napatingin ang lahat kay Gianne nang magtaas ito ng kamay. " Yes Gi?" tanong sa kanya ni Edward.

" Gusto ko lang po sana na pumasok din sa Aviana"

"Ano? Magiging magkakaklase tayo ate?" hindi makapaniwalang sabi ni Athena. Tinawanan lang siya ni Gianne.

" Sira, hindi. Gusto kong pumasok doon bilang isang coach. Coach din kasi doon si Lianne, might as well try it too. Ang dating royalties ay magiging coach din doon, gusto kong makabonding lahat ng tito at tita ko"

"awh, such a sweetie" sabi ni Nathalia. Nagkatinginan si Edward at Vivianne at ngumiti. " if that's what you want Gi, susupotahan ka namin"

" Good, mag-eempake din ako" si Vivianne.

" You will stay here mom" sabay na sabi ng apat niyang anak.

" Pero, gus-"


"Nope, stay here and do your duty" pinal na sabi ni Lianne. Napasimangot si Vivianne nang putulin ni Lianne ang gusto niyang sabihin. They thought that Lianne is more in being a mother than her own mother who's acting like the child.  Napatawa naman ng mahina ang lahat.

" Siguro ay tapusin na muna natin ang pagpupulong at ituloy nalang sa ibang araw pero kung may gusto pa kayong sabihin, sabihin niyo na" sabi  ni Edward. Nagtaas naman ng kamay Diana kaya napatingin ang lahat sa kanya.

"Ano iyon anak?" Tanong ni Vivianne.

"I'd like to take Elina and Devonne as my personal knights"

" You mean, you want to take them as your personal bodyguard?"

Umiling si Diana. " No, as my personal Knight. Sa akin sila magtatrabaho as knights, sa akin sila makikinig at kukuha ng mga misyon as a knight and everything that they will do is my responsibilty."

It Runs in The Blood 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon