Chapter 30 - The war between the Strongest (Part 2)

670 22 0
                                    

He still remember the day he went to the other dimension. Naalala niya pa ang sinabi sa kanya ni Goddess Lumin nang makarating siya dimension na iyon.

"Gusto mo bang malaman kung saan ka galing?" tanong nito sa kanya.

"Para saan pa? Iniwan ako ng totoo kong mga magulang, iyon ang alam ko atsaka masaya na ako na ang mga fairies ang nagpalaki sa akin"

"Hindi mo man lang ba aalamin ang dahilan nila?" tanong ulit ni Goddess Lumin sa kanya pero hindi siya sumagot.

"Tandaan mo Night. Walang magulang ang hindi mahal ang mga anak nila. May pagkukulang man sila pero maniwala ka sinubukan nila iyong punan. Wala namang perpekto eh. At sa sitwasyon mo, ginawa nila ang lahat mailigtas ka lang nila. For a parent who does everything to protect their child, they must be great" umiwas ng tingin si Night at hindi na sumagot pa.

"I'll leave the decision to you pero magkasama lang naman tayo dito kaya pwede mo akong kausapin kahit anong oras" sabi nito.

Sa loob ng isang taon niyang pagsasanay ay hindi nawala sa isip niya ang sinabi ng Goddess. May mga pagkakataong natutulala siya at dahil hindi niya na kayang mapigilan ang kuryusidad niya ay kinausap niya ito. Aalis narin kasi siya dahil tapos na ang pagsasanay.

"Goddess Lumin, handa na akong malaman ang lahat" sabi niya na ikinabigla ng Dyosa pero ilang sandali ay napangiti ito.

"Sumama ka sa akin" sabi nito at pumasok sila sa isang madilim na silid. May kung anong spell na sinabi si Goddess Lumin at bigla nalang sila napunta sa kung saan.

"Stay still and watch" sabi nito.

Hindi makapaniwala si Night sa nakikita. Si Maden na nanganganak at may lalaking nakahawak sa kamay nito. Ilang sandali pa ay lumabas na ang bata at nilinisan. Binuhat ng lalaki ang bata at masayang nilapag ang bata katabi ni Maden.

"Lyon"mahinang sambit ni Maden.

"Maden, okay ka lang ba?" tanong ni Lyon sa kanya. Nakangiti namang tumango si Maden at tiningnan ang bata.

"Hey there baby, it's me your mom. I love you" naluluhang sabi nito.

"The baby said he loves you too Maden" napatawa naman ng mahina si Maden kay Lyon.

"Okay lang ba na nandito ka habang nakikipag-away sila doon?" tanong ni Maden kay Lyon.

"Hindi ko kayang iwanan ka dito Maden. Atsaka sinabi sa akin ni Vivianne na mabuting nandito ako para sa iyo"

"Iyong babaeng iyon talaga"

Napunta ulit sila sa ibang lugar at nakita niyang karga karga ni Maden ang anak.

"Maden" napatingin si Maden sa kararating lang na si Lyon.

"Bakit?" tanong nito.

"Tapos na ang gulo" sabi nito. Natuwa naman si Maden at niyakap si Lyon pero hindi ito yumakap pabalik sa kanya na ipinagtataka niya.

"Bakit? May problem ba?" tanong niya.

"Your brother didn't make it" Parang nablanko ang isip ni Maden sa sinabi ng asawa.

"No, hindi totoo iyan"kinuha ni Lyon ang bata kay Maden at inihiga sa kama atsaka muling hinarap si Maden.

"I'm sorry but it's the truth" bigla namang tumulo ang luha ni Maden at mas lalong umiyak nang yakapin siya ni Lyon.

"Vivianne promised me, nangako siyang ibabalik niya ang kapatid ko" iyak nito. Patuloy lang siya sa pag-iyak hanggang sa tumigil na ang luha niya sa pag agos.

It Runs in The Blood 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon