Chapter 7 - Dark Princess

724 27 0
                                    

Yakap agad ang ibinungad ng dating mga royalties kay Mina. Naluluha na rin sila dahil matagal na bago sila muling nagkausap. "Hindi ko akalain na makakausap ko kayo ngayon at makakasama" naluluhang sabi ni Mina sa kanila.

"Masaya kami dahil gising ka na Mina"

Kahit naluluha ay hindi pa rin mawala ang mga ngiti sa kanilang mga labi. Masaya sila dahil sa wakas ay nagkita silang muli.

"I'm so happy you're alive love" mahigpit ang yakap ni Rence sa asawa na ginantihan din naman nito ng mahigpit rin na yakap.

"I'm sorry dahil matagal akong nawala Rence. Ang laki ng kasalanan ko sa inyo ni Terrence, ang laki ng pagkukulang ko sa inyo"umiling si Rencce sa sinabi ng asawa.

"Ni minsan hindi namin naisip na may pagkukulang ka sa amin Mina. Ginawa mo lahat ng makakaya mo magampanan lang ang pagiging ina at asawa sa amin ni Terrence habang nasa iyo si Athena"Mas lalong hinigpitan ni Mina ang yakap dahil sa sinabi ng asawa. Ilang segundo din sila sa ganoong posisyon kung hindi lang tumikhim si Corinne ay hindi na sila maglalayo pa.

"Mamaya na kayo maglampungan, magcelebrate muna tayo at kalimutan na muna ang problemang kinakaharap natin ngayon" natawa sila sa sinabi ni Corinne. Sumang ayon na rin sila at lumabas na ng kwarto.

Nakasakay si Mina sa isang wheelchair na tulak tulak naman ni Rence. Pagdating nila sa Dining area ay nakahanda na ang mga pagkain na nandoon.

"Simpleng handa lang muna guys. Pag natapos lahat ng problema natin ngayon ay magpapahanda kami ni edward ng bonggang bonggang celebration" napangiwi sila sa sinabi ni Vivianne na kalaunan ay natawa na rin. That's what they loved about Vivianne, palagi itong nakangiti at positibo.

"Simple pa ba ito?" tanong ni Lucia na namamangha sa mga nakalagay sa lamesa at sa mga disenyo sa silid na iyon.

"Let's sit and eat"

Umupo na sila sa upuan na nakalaan sa kanila.

"Oo nga pala, nasaan ang mga bata?" hindi maiwasan ni Mina ang magtanong sa kanila lalo na at wala ni isa sa mga royalty ang nasa palasyo. Naging seryoso naman ang lahat sa tanong ni Mina.

"Nasa pagsasanay na sila" sagot ni Stephen sa tanong niya.

"You mean, pagsasanay kasama ang mga Gods and Goddessess?" tumango naman si Stephen.

"Oh my, sana makayanan nila ang mahirap na pagsasanay na iyon" sabi niya habang inaalala ang mga naranasan dati.

"Oo nga pala, ang sabi sa akin ni Luxio dati na iba daw ang pagsasanay ng itinakdadng prinsesa, protector at guardian nito. Totoo ba Vivianne at Lucy?" tanong ni Mina sa kanila. Nagkatinginan naman ang dalawa at napangiti.

" Yeah, iba nga at mas mahirap kaysa sa mga naranasan niyo" sagot ni Vivianne.

"Kung ang mga God at Goddess namin ang nagsasanay sa amin. Sino ang nagsanay sa inyo noon?" tanong ni Fei.

"It's a secret" sagot ni Lucia.

"Yup, it's a secret " pagsang-ayon naman ni Vivianne.

"Ano ba iyan. May pa secret secret pang nalalaman" napasimangot si Fei sa sagot ng dalawa.

"Oo nga pala, ngayon ko lang napansin nasaan ang asawa mo Theo?" tanong ni Mina kay Theo.

"May misyon siya" sagot nito. "Pupuntahan niya si Almira para sana kumbinshihin na payagan na ang anak nito na gamapanan ang pagging royalty"

"Oh, hindi pa rin siya naka move on"

"Guys, akala ko ba kakalimutan muna natin ang problema. Let's stop talking about that. Mas mabuti pa kung pagusapan natin ang dati. Alam niyo na" suhestiyon ni Vivianne. Napangiti narin sila at sumang-ayon. 


Eve

Hindi ko akalain na makakabalik pa ako dito sa lugar kung saan ako ipinanganak. Dito ako dinala ng mapa na ibinigay sa akin. Madilim na madilim ang kalangitan at walang ilaw galing sa buwan ang nakakalusot sa napakakapal na mga ulap.

Nandito ako sa patay na gubat, nagpapahinga matapos ang ilang oras ng paglalakbay. Hindi ko rin alam kung saan sa Kradia ako napunta basta ang alam ko Kradia nga ito. I'm glad that no kradian from Maden's kingdom is here. I won't blame them, this is a dead land. 

"Ang tahimik naman" nasabi ko nalang. Siguro nasanay ako sa kaingayan ng mga kaibigan ni Diana. Nag-aalala ako sa kanila ni Athena at Ate Lili, even Gael and Ate Andrea. I'm also worried about myself. I'm really useless even if I'm alone. 

I hope they are doing fine and so am I right now. I heaved a big sigh first before standing up. Kailangan ko nang hanapin ang lugar kung saan ako magsasanay. Lalakad na sana ako nang umilaw ang singsing ko. What's happening? May mga kalaban ba?

Biglang umilaw ang lupang tinatapakan ko at naging magic circle. Napahawak ako sa leeg ko nang hindi ako makahinga. Mamamatay na ba ako? No! It can't be kailangan ko pang tulungan si Diana at kukunin ko pa ang trono na dapat sa amin.

Hindi ko na alam kung ano ang sunod na nangyari dahil nilamon na ako ng magic circle at kalaunan ang kadiliman.




I woke up when someone was poking my cheeks. Unti unti kong idinilat ang aking mga mata at tumambad sa akkin ang isang gwapong nilalang. Napabalikwas ako ng bangon at maayos siyang hinarap.

"Sino ka? Nasaan ako?" tanong ko sa kaniya. Tinitigan niya lang ako. Bakit ganoon? Bakit blanko ang tingin niya? Bakit wala siyang emosyon? His eyes is pure black, he's like a man born without any emotion. 

" Hello" sabi ko. He blink his yes many times.

"Oh pasensya na. May naalala lang ako sa mga mata mo"sabi niya at ngumiti. Iyong malungkot na ngiti. Akala ko wala siyang emosyon. It was just his eyes that has no emotion. Weird. 

"Sino?" hindi ko maiwasag itanong kung sino dahil nacurious na rin ako.

"His name is Meliodas" nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niyang pangalan. "He's my dad" sabi ko sa kanya. My father that I didn't grow up with and it was all because of Maden who killed him. 

" I know and I know the reason why you are here in this dimension" sabi niya.

"What do you mean dimension? Nasa ibang dimensyon ako?" tanong ko sa kanya na tinanguan niya. It can't be.

"Kailangan kong magsanay"

"I know that's why you are here" kunot noo ko siyang tinitigan. "I'm Deorc the God of Dark" napanganga ako sa rebelasyon niya. I can't believe it! I'm actually facing a god at hindi lang iyon ang God pa na binigyan ako ng elemento. I didn't even treat him like a god. Nabastusan kaya siya sa tono ng pananalita ko sa kanya. 

"Kung ganoon kailangan ko nang magsanay, kailangan kong maging malakas" sabi ko sa kanya sa matapang na boses. Ayokong ipahalata na naiintimidate ako sa kanya. 

"Huwag kang mag-alala Eve. Magiging malakas ka at matutulungan mo ang itinakdang prinsesa pero makakamit mo lamang ang kapangyarihang hinahangad mo sa tamang panahon" sabi niya. Tamang panahon? So an indefinite time of training? Walang nakakaalam kung kailan matatapos, ganoon ba?

"Magtatagal ba?" tanong ko. Nag-aalala ako, anong mangyayari sa lugar namin kung hindi namin alam kung kailang matatapos ang pageensayo namin. Paano kung matagalan? What if it will take years, which I hope it will not. 

"It depends" sagot niya.

"Kailan ba talaga?" Hindi na dapat ako magsayang ng oras.

"it will take long, maybe months or a year. Maaari kang makabalik sa mundo niyo kung handa ka na at ako lamang ang makakaapgsabi nun" sabi niya. So it depends on me. I really hate it when something will be decided on me  but I need to get strong, for the future of our kingdom. 

"Okay" ngumiti siya.

"Bukas na bukas, sisimulan na natin ang pagsasanay" sabi niya.

Sana makayanan ko lahat ng pagsubok na inihanda niya para sa akin. 


____

TBC

It Runs in The Blood 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon