Chapter 25

648 26 3
                                    

Devonne

Hindi kami gumagawa ng ingay ni Elina habng naglalakad kami dito sa napakadilim na kweba. Sinusunod lang din namin ang daan dito at nararamdaman kong habang palayo kami ng palayo, may malakas din na kapangyarihan kaming nararamdaman. Nakakatakot pero wala kaming magagawa dahil ito ang utos sa amin at alam din naming may makakasalubong kaming kalaban any minute from now.

As we walk through this dangerous cave, we heard a loud noise. Alam naming malayo iyon pero alam din naming dragon iyon. Never in my life, I've seen a dragon. Nababasa ko sila at kinukwento din sila sa amin ng mga coaches but I never thought I would be seeing them face to face.

"Goodness!" sinamaan ko ng tingin si Elina dahil napasigaw siya.

" Hinaan mo ang boses mo Elina" suway ko sa kanya pero tinaasan niya lang ako ng kilay.

" It's a dragon Devonne, anong iniexpect mong reaksyon ko? Matutuwa? Goodness! May galit pa ba si Diana sa atin at tayong dalawa lang ang ipinadala dito?" sabi niya.

"Shut it Elina, you know Diana never holds a grudge that long. Kung ipinadala niya tayo dito it means she really trusts us. Alam mong sekreto ang lugar na ito" sabi ko sa kanya kaya natahimik siya.

Ilang minuto pa ay nakarining ulit kami ng malakas na ingay at nagkatinginan kaming dalawa dahil hindi na ito kagaya ng kanina. This time may mga pagsabog na at rinig din namin ang mga ungol ng dragon. Agad kaming tumakbo hanggang sa makarating kami sa pinagmulan ng ingay. Nagtago muna kami at tiningnan kung ano ang nangyari. We saw kradians battling with 2 dragons.

Marami nga talagang mga kradian na nandito at dalawa lang ang dragon. Kahit pa mas malakas ang mga dragon ay hindi nila makakaya ang ganoon kadaming mga kalaban.

Hindi kami lumabas at nanuod lang kami ng laban nila.

Nakita naming pinagtulungan nila ang isang dragon na parang tinatago ang isang dragon. Nagpakawala ng kapangyarihan ang isang kradian at tumama iyon sa ulo ng dragon. Napaungol ulit ito sa sakit at lumaban din. Sabay na nagpakawala ng kapangyarihan ang mga kradians at napatumba nila ang dragon.

"Wala pala ang dragon na ito eh!" hambog na sabi ng lalaki. I formed my fist because of anger.

May lumabas na dark element sa kamay nito at itinutok iyon sa dragon. Tumayo na ako at lumabas saka pinaulanan ng apoy ang mga kradians. May ilang sumugod din sa akin pero nasangga ko sila at lumaban din ako.

" May nakapasok palang Valerian dito! Patayin niyo siya" sigaw ng isang lalaki na sa tingin ko ay siyang leader nila. Nanatili ako sa kinatatayuan ko at pinanuod silang sumugod sa akin pero hindi pa sila nakakalapit sa akin ay nakalambitin na sila.

"Nice" sabi ko kay Elina at nag high five pa kami.

" Argh! Dalawang babae lang sila!" pinalibutan kami ng mga kradians kaya naghanda kami ni Elina. We're in deep shit right now. Nasa likuran lang din namin ang dalawang dragon at nakapagtataka dahil tinitingnan nila kami na para bang nag-iisip kung ano kami at sino. Inaamin kong nakakatakot sila lalo na ang malalaking mga mata nila at not to mention their size! They are 10x bigger than an elephant. Paano nagkasaya ang uri nila sa kwebang ito? 

" I think we need back up" suhestiyon ni Elina kaya napatingin ako sa bracelet ko. Argh! Ano nalang ang iisipin ni Diana sa amin nito? Na hindi namingkaya ang misyong ito?

" Alam ko kung ano ang iniisip mo Devonne pero buhay na natin ang nakasalalay dito at alam kong alam mo na ayaw ni Diana na mapahamak tayo kaya nga niya ibinigay iyang gadget na iyan sa atin diba?" sabi niya.

Tama siya! Agad kong pinindot ang bilog sa bracelet at umilaw iyon. Nakakasiguro akong nakarating na iyon sa Aviana.

Sinugod ulit kami ng mga kradians at isa isa din namin silang pinapatumba pero sa dami nila duda akong makakaya namin sila. Pagod na rin kami at pagkatapos nila ay may dragon pa kaming haharapin.

It Runs in The Blood 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon