Chapter 15

722 31 0
                                    

Aviana

Ilang buwan ang nakalipas at parami na ang mga lugar na sinusugod ng mga Kradian. Tagumpay mang nadedepensahan ng mga knights at ng Reyna ang mga ito ay hindi iyon sapat dahil kinakailangan din nilang magpahinga at hindi nila iyon magagawa dahil kinukulang sila sa mga knights. Bumalik na kasi ang mga knights ng Magis at Aria sa kani- kanilang lugar dahil sinusugod din iyon ng mga kradian.

Isa pang nakapagtataka ay ang dami ng kradian at ang lakas nila.

"It's getting worse" napahawak sa ulo si Vivianne dahil nakaramdam siya ng sakit. Nag-alala naman ang kasama niyang knight at inilalayan na umupo.

" Queen, siguro magpahinga na muna kayo. Apat na buwan na po kayong walang tigil sa pagtulong dito at sa ibang lugar" nag-aalalang sabi ng Knight sa kanya pero nginitian niya lang ito.

" It's really okay. It's my job"

" Mabuti po na bumalik na po muna kayo sa palasyo o sa Aviana para magpahinga. Kami na muna ang bahala dito at makakaasa rin po kayo na madedepensahan namin dito pati na rin po sa ibang lugar"

Gusto man niyang lumaban pa pero naisip niyang tama ito. Pagod na rin siya at kailangan  din niyang magpahinga. Magiging pabigat lang siya kung pipilitin niya ang sarili niya.

" Okay, but please be careful. " Tumayo na siya at lumipad.

Destinasyon niya ang palasyo dahil alam niyang sermon lang ang aabutan niya sa Aviana, madaming sermon. Mabuti pa sa palasyo dahil ang asawa lang niya ang sesermon sa kanya.

Palace, Central Valeria

Sa terrace ng silid nila ng asawa sa palasyo lumanding si Vivianne. She decided to take a bath first before facing her husband that is probably mad at her. Mas mabuting ihanda na muna niya ang sarili bago humarap dito.

After a couple of minutes ay natapos na siyang maligo at nagbihis na rin. Huminga na muna siya ng malalim bago lumabas ng silid at pumunta sa throne room.

Pagkapasok niya doon ay nakita niyang nakaupo sa trono nito ang asawa at kaharap nito ang dalawang knights na nakayuko at nakaluhod ang isang tuhod.

Nakuha niya ang atensyon ng mga ito kaya napatayo ang mga knights pati na rin si Edward. Yumuko ang mga knights sa kanya nang lumakad siya at lumampas sa mga ito. Niyakap niya muna ang asawa na parang walang kasalanan at umupo sa trono nito.

" Maaari na kayong umalis" malamig na sabi ni Edward sa mga knights saka humarap sa kanya.

" It took you 4 months to come home. Wow Viv! Welcome Back!" Nakapameywang ang asawa at alam niyang galit ito dahil may halong sarkasmo ang pagakakasabi nito.

" I'm sorry, tinulungan ko lang---

" Yeah tapos umuwi ka dahil kailangan mong magpahinga tapos ano? Kapag bumalik ang lakas mo ay babalik ka naman doon at magsusuicide?" Putol nito sa kanya. Sinalubong niya rin ito ng tingin dahil hindi naman tama ang sinasabi nito.

" I'm not committing suicide Ed if that's what you think. I'm helping every place here in Valeria, it's my job, it's our job!"

" May ibang paraan naman Vivianne. Sa tingin mo ba wala akong ginagawa? Nandito ako mag-isa at ginagawa ang tungkulin ko habang nag-aalala sayo. Ang hirap nun Vivianne sana naisip mo iyon. Paano kapag may mangyaring masama sa iyo?  " napayuko nalang siya sa sinabi nito.

"I'm sorry" nagbabadyang tumulo ang luha niya pero pinigilan talaga niya. Ayaw niyang sermunan na naman siya ng asawa dahil sa pagiging iyakin niya.

Narinig  niya ang malakas na buntong hininga ng asawa at naramdaman nalang niyang itinayo siya nito sa pagkakaupo at mahigpit na niyakap.

"I'm sorry too. Nag-aalala lang din naman ako sa iyo Viv, please don't do that again" tumango siya sa pakiusap nito.

It Runs in The Blood 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon