Chapter 4 - Nature Princess

973 38 0
                                    

Daphne

Kasalukuyan akong nasa gubat  at sinusunod ang mga dereksyon na sinasabi sa mapa. May mga mapang ibinigay ang mga gods and goddesses sa bawat isa sa amin. Ayon sa mapa, dapat nakarating na ako sa destinasyon ko pero wala ng daan. Isang napakalaking pader na ang nasa unahan ko. Tama ba itong mapang ibinigay sa akin?

Napabuntong hininga nalang ako at napagdesisyunan kong bumababa na sa kabayo. Itinali ko muna ang kabayo sa malapit na kahoy bago ko inilapag sa damuhan ang isang tela. Umupo ako doon at kumuha ng makakain.

Naalala ko tuloy ang mga kaibigan ko, parang kailan lang ang saya pa namin sa Aviana. Yung mga exam, ang klase, yung mga panahon na nagski-skip kami ng class. Ngayon, iba na talaga, kailangan na naming gampanan ang pagiging mga prinsipe at prinsesa. 

Sa mga iniisip ko ngayon hindi ko namalayan na naluha na pala ako. I miss those times, I miss Thalia, Cyrine, Athena, and Diana. Even the boys, especialy Charles. About him, alam kong tumitibok ang puso ko para sa kanya pero idenideny ko pa. It's because of our job, ayokong umasa siya na magiging kami kung hindi pa namin alam kung ano ang manyayari sa amin pagdating ng digmaan. Maari kaming mamatay. 

Pinahid ko na ang mga luha ko nang maramdaman kong iba ang ihip ng hangin. Biglang lumamig ang hangin na kanina ay sakto lang. I notice that the vines in the trees are moving. Napansin kong pinapalibutang pala ako ng mga npakalaking mga puno. 

Anong nangyayari? 

Biglang umilaw ang singsing ko at ang lupang tinatapakan ko. It became a magic circle. 

"What's happening?" Nasabi ko nalang kahit alam kong walang makakarinig sa akin. Sa Aviana, napagkakamalan akong cold hearted pero ngayon ko na prove na hindi pala talaga ako ganoon dahil nakaramdam ako ng takot. 

Lumakas ang hangin at nadadala ang mga dahon sa mga puno at pinalibutan ako. Parang maliit na ipo ipo at nasa gitna ako. Napansin kong hindi ako makahinga.

"Help!" I shouted.

Don't worry Princess Daphne, you are in good hands. Alam kong handa ka nang gamapanan ang tungkulin mo. Ngayon, dadalhin kita sa lugar kung saan maaari mong mapalakas ang iyong elemento.

Pagkatapos kong marinig iyon ay bigla nalang akong hinigop ng magic circle. Hindi ko na alam ang sunod na nangyari dahil bigla nalang akong nawalan ng malay.















Princess

Princess?

Sino iyon?

Dahan dahan kong iminulat ang aking mata. Napabangon naman ako ng mabilis nang makita ko ang isang napakagandang babae. Umiilaw din siya at nakalutang?

"Sino ka?" agad kong tanong sa kanya pero tumawa lang siya. Iyong tawa na mahinhin.

"Napakasakit malaman na hindi ako kilala ng succesor ko" napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Succesor?" tumango siya kaya nanlaki ang mata ko nang mapagtanto kung sino siya. Agad akong  yumuko sa harapan niya. 

"Sorry po Goddess Yna, hindi ko po kayo agad nakilala" siya pala, siya pala ang Goddess na nagbigay ng elemento ko. The Goddess of nature.

"Huwag kang humingi ng paumanhin Daphne. Okay lang, ako nga dapat ang humingi ng pasensya dahil sa paraan na ginagamit namin tuwing sinasanay namin ang mga succesor namin" tukoy niyo doon sa magic circle na humigop sa akin. So lahat ng mga kaibigan ko ay ganoon din ang naranasan?

"Okay lang po"

"Oo nga pala, kumain ka muna bago natin pag usapan ang pagsasanay mo" sabi nito kaya tumango ako, gutom na rin naman ako. Sinundan ko siya hanggan makarating kami sa isang silid na may lamesang malaki at napakaraming pagkain.

It Runs in The Blood 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon