Chapter 42 - Demetri VS. The Princessess

654 22 0
                                    

Napangiti si Diana ng sekreto nang makita na napaatras si Demetri sa ginawa niyang pag-atake. Agad niya itong sinundan ng sipa pero naisangga iyon. Mabilis namang kumilos ang mga kapatid niya at inatake din si Demetri.

Pinaulanan ni Gianne ng matutulis na yelo si Demetri habang sinuportahan naman ni Lianne iyon ng mga nag-aapoy na mga bato at pinaulanan din si Demetri. Nang makitang naiiwasan at sinasabayan din ng pagbato ng ilang elemento iyon ni Demetri ay mabilis na pumunta sa likod ni Demetri si Athena at binigyan ng isang nag-aapoy na suntok. Napansin iyon ni Demetri kaya mabilis siyang tumalon pero nakaabang na agad doon si Diana at sinipa siya na mayroong kidlat.

Tumilapon si Demetri pero nakabawi naman ito kaagad at gumanti din ng isang malaking bola ng apoy. Agad gumawa ang magkapatid ng isang barrier gamit ang tubig kaya hindi sila tinablan. Sabay nilang sinugod si Demetri at binigyan ng sipa at suntok.

Hindi din nagpatalo si Demetri at sinabayan din ang apat. Ginamit din niya ang kanyang mga elemento at pinunterya ang apat. Nakaiwas ang kambal at si Diana pero natamaan si Athena kaya tumilapon ito. Agad namang siyang dinaluhan ng kapatid na si Gianne at tinulungang tumayo.

"Ayos ka lang?"

"Ayos lang, hindi ko lang iyon inasahan" sagot ni Athena.

Naiyukom ni Diana ang kamao at galit na tiningnan si Demetri. Hindi nila ito mabigyan ng kahit kaunting galos kahit apat sila. Napapaisip tuloy siya kung matatalo nila ito. Kung sa kapangyarihan lang ay katulad lang sila, ang pagkakaiba lang ay mas may alam si Demetri na gamitin iyon. Kung sa lakas naman ay hindi niya alam, nasasabayan nito ang mga atake nilang apat.

Huminga siya ng malalim at kinalma ang sarili.

"Naaasar na ako" mahinang sabi ni Lianne. Mukhang magkatulad lang sila ng iniisip. Ang matamaan at mabigyan ng galos si Demetri pero hindi nila alam kung paano nila iyon magagawa.

Kapag nagawa nila iyon ay may posibilidad na matalo nila si Demetri, kung magawa nilang magalusan ito ay kaya din nila itong talunin. One step at a time na muna.

"Let's call our fairies again" tumango sina Diana sa sinabi ni Gianne at tinawag ang kanilang mga fairy.

Isa—isa namang nagsulputan ang mga fairies nila at pumatong sa ulo nila.

"Alam niyo na ang gagawin niyo"

Each fairies chanted a spell and Diana and her sisters felt their powers grow.

"Fairy huh, tingnan natin kung ang ginawa nila ay makakatulong sa inyo" wika ni Demetri at ngumisi.

Diana smirked at him. "Huwag mo silang minamaliit" aniya at mabilis na inatake si Demetri. Nanlaki ang mga mata ni Demetri nang hindi makita si Diana na kanina lang ay sumugod sa kaniya at ilang sandali pa ay nakaramdam siya ng sakit sa panga niya at tumilapon. Wala pang isang segundo ay naramdaman niyang may sumipa sa gilid niya at tumilapon siya pataas. "Nagawa ko rin" nakangiting ani ni Lianne.

Habang nasa taas si Demetri ay sinubukan niyang mabalik ang balanse niya pero bigla nalang siyang nakaramdam ng suntok sa likod niya. Napatingin siya sa likod at nakita si Athena at biglang dumating sa harap nito si Gianne na may batong kamay at ginawaran ulit siya ng isang napakalakas na suntok kaya sumalampak siya sa sahig at gumawa iyon ng napakalaking crack doon. Napaubo siya ng dugo at tumayo.

Tumawa siya ng malakas at hindi ininda ang sakit. "Magaling! Nakatulong nga sa inyo ang mga fairies niyo." Anito.

Magkasalubong ang kilay nilang apat na tumingin kay Demetri. "Baliw ka na" komento ni Gianne pero muling tumawa si Demetri.

"Oo, alam ko" sabi nito at sinugod siya. Mabuti nalang at naisangga iyon ni Gianne at ginantihan din ng sipa pero naiwasan iyon ni Demetri at nasalo ang paa niya. Ibinato naman siya ni Demetri sa isang pader. "Gianne!" sigaw ni Lianne. Nagpalabas siya ng mga bakal na umuusbong papunta kay Demetri pero nakalipad ito.

It Runs in The Blood 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon