Chapter 34 - The war between the Strongest (part 6)

566 23 0
                                    


Xanti

HIndi na ako makapaniwala sa nakikita ko. Kahit natatalo namin ang mga kalaban namin ay marami parin ang lumalabas na halimaw at mga silver armored knights na ginawa ng Divinity sa portal. Mabuti nalang talaga at nandito ang ilang mga dragon pati na ang mga elves at fairies para tumulong sa amin. Kung wala sila ay malamang nahihirapan na kami dito.

"Xanti pagod ka na?" tanong sa akin ni Gael. I just rolled my eyes at him. Nakakasar kasi ang tingin niya.

"Hindi ako katulad mo na kaunti lang ang napatumba pero pagod na" wika ko, sinamaan naman niya ako ng tingin. Umalis na lang siya at tumulong sa iba pang mga knights.

Ilang sandali lang ay nakaramdam ako ng malakas na kapangyarihan na katulad na katulad ng sa akin. He's here, inaasahan ko na ang pagdating niya. Ang ibang royalties ay kinakalaban ng ibang divinity at alam kong ako rin.

"Ang tagal mo ah" sabi ko sa kanya. Ang kaninang parang alon ng sand ay naging tao at ngayon ay kaharap ko na si God Psammaes. Seryoso ang mukha niya at nakakatakot. Napansin kong nagsialisan ang mga kasama kong knights dahil sa kanya. Mabuti na iyon dahil baka madamay pa sila sa away namin.

Hindi siya nagsalita at nanatiling seryoso ang mukha. Ayaw ko namang maghintay na siya ang unang sumugod so I summoned my weapon and transformed. I also called my Fairy, Sandra.

"Yes, my prince" anito. Ngumiti ang fairy ko at nag cast ng spell. Naramdaman ko namang mas lumakas ang kapangyarihan ko.

Mabilis ko siyang sinugod at pinaulanan ng sand bullets galing sa twin gun ko. He created a shield from his sand kaya hindi siya tinablan. Tumakbo ako ng mabilis sa likod niya and was about to kick him pero nakita niya ako at umatras siya.

"Itigil mo na iyan"aniya pero hindi ako nakinig sa kanya at sinugod siyang muli. I attack and attack but he dodge it all.

"Ang sabi ko ay itigil mo na ang ginagawa mo Xantiago" madiin niyang sabi kaya napatigil ako pero nanatili parin akong alerto dahil baka ako naman ang susugurin niya o baka may trap siyang inihanda sa akin.

"Siguro naman ay alam mo na ang plano namin" sabi niya.

"Oo"sagot ko sa kanya.

"Hindi ko ginusto ang nangyayaring ito Xantiago" aniya at napakunot noo ako. "Hindi kita kakalabanin. Lahat ng nangyayaring ito ay kasalanan ng mga Cornelia, ang pamilya namin at dapat ay kami din ang tumapos. Hindi dapat kayo nadamay." Dagdag niya.

" Kung hindi tayo maglalaban ngayon, ano na ang balak mo?" tanong ko sa kanya.

"Maghihintay nalang at magdadasal na magtagumpay si Diana" aniya. Hindi na ako nagsalita at nanatiling nakatitig sa kanya.

"Hahayaan kitang umalis at tulungan ang mga knights niyo pero sana ay huwag mong tulungan ang kapwa mo royalty. Hayaan mo silang mag-usap na sila lang" sabi niya. Tumango ako at tumalikod na. Tumakbo na ako at nilingon ko siya sa likod. Nakatingin siya sa akin at nginitian ako sabay tango. Sigurado ba talaga siya sa ginagawa niya?

Gael

Ako sana ang ngiting panalo kanina sa pang-aasar kay Xanti pero gumanti siya at ako ngayon ang naasar. Bwesit! Bakit ba kasi ang ikli ng pasensya ko. Dahil sa asar ko ay tinawag ko ang fairy ko na si Lahar. Alam na niya ang gagawin niya pero bago niya gawin ang trabaho niya ay inirelease ko muna ang armor ko. A gray colored armor and then I summoned my weapon, a big shuriken. Para itong boomerang na kapag tinatapon ay bumabalik sa akin.

"Pwede na po bang mag cast ng spell?" tanong ni Lahar sa akin. Tumango naman ako sa kanya. Nang maramdaman kong lumakas ang kapangyarihan ko ay saka ako sumugod sa mga halimaw at isa-isa silang pinatumba. Hindi ako titigil hanggat hindi sila nawawala.

It Runs in The Blood 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon