Chapter 46

830 28 1
                                    

Diana

Nandito ako ngayon sa labas ng palasyo at hinihintay si Athena. May lakad kasi kami ngayon at excited kaming dalawa. Susundan kasi namin si Ate Gi at King Philip sa date nila.

Yes, they are dating at isang buwan na dahil doon sa sinabi ko noong pagdiriwang. Actually napilit lang silang dalawa dahil si Mom at ang ina ni King Philip ay nagkasundong ipag-date ang dalawa. Wala naman silang magawa dahil nagtatawagan nang kumare ang dalawa. Hindi nga ako pinansin ni Ate Gi ng isang raw at hindi niya rin pinansin si Athena. Nagtatampo siya sa amin dahil kami daw ang dahilan kung bakit sila nagdedate ni King Philip.

Asar pa siya eh nag-eenjoy naman siya.

"Diana?" Napatingin ako sa may-ari ng boses at nakita si Eve este Queen Eve kasama nito si Night at si Gael. Tapos narin ang coronation niya isang linggo na ang nakakaraan. Maganda na rin ang Kradia hindi katulad dati na mapapagkakamalan mong haunted ang lugar. We also helped her with that.

"Hey Queen Eve" bati ko sa kanya at napasimangot naman siya. Natawa ako ng kaunti maging sina Night at Gael.

"Tigilan mo nga iyan" aniya. "Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko sa kanila.

"Nandito ako para kausapin sina Tito at Tita. Tungkol sana sa pagpasok ng mga kradian sa academy" aniya. Oo nga pala. They don't have a school in Kradia simula nung mamuno si Ladon so they wanted  the kradians to go to Aviana. Sang-ayon namin din kami at sina Mom. Siguro rin may pag-uusapan pa sila tungkol sa kradia. Kailangan din kasi ni Eve ng tulong lalo na at kakasimula palang bumangon ng kradia.

"Oh" sabi ko sa kanila at sakto naman lumabas na si Athena na may backpack na dala. Ano na naman kaya iyan?

"Hi Eve!" Bati ni Athena kay Eve at mahigpit itong niyakap.

"Where are you two going?" Tanong ni Eve.

Humagikhik kaming dalawa at kinindatan lang siya. Napailing-iling naman siya. "Mapapahamak na naman kayo niyan" aniya at pumasok na. Nagtawanan naman kami ni Athena.

"So saan daw sila?" Tanong ko kay Athena.

"Sabi ni Ate Li nasa syudad sila ngayon tapos pupunta din sila sa ibang bahagi ng Valeria. Mukhang pinapasyal ni Ate Gi si King Philip sa ating kaharian" sabi nito at tumawa pa.

"Tara na" sabi ko at umalis na kami papuntang syudad.

Pagdating palang namin ay hinanap agad namin sila. Madali lang naman silang hanapin dahil may mga knights na kasama ang mga ito. Naglalakad lakad pa kami nang may bumati sa amin. Binati din namin sila baka masabihan pa kami na snob.

"Magandang araw mga prinsesa" bati nila nginitian din namin sila at bumati. Mukhang matatagalan kami nito dahil maraming humaharang at bumabati sa amin.

"Ate, kailangan nating mag-iba ng suot" sabi ni Athena. Tama siya kailangan namin na magdisguise.

Pumunta kami sa isang botique at bumili ng mga damit na hindi kami makikilala ng mga tao. Bumili din kami ng mga sumbrero at shades.

"There, better" sabi ko habang nakaharap sa salamin. Nakasuot ako ngayon ng simpleng t-shirt at maong. Nagsuot din ako ng sumbrero at shades na hindi talaga makikita ang mata.

Napatingin ako kay Athena at ganun din siya. Naghigh-five kaming dalawa atsaka lumabas na ng botique at hinanap na sina Ate Gi.

Few minutes later at sa wakas nakita na namin silang dalawa. Nasa isang tindahan ang dalawa at tinitingnan ang mga tindang prutas.

Nakita naming nagkakatuwaan din ang dalawa. "Sandali lang ate" napatingin ako kay Athena at may inilabas na camera mula sa bag nito. Ayos ah.

Kinunan niya ng litrato ang dalawa at muli na namang naglakad. Sinundan parin namin sila hanggang sa makita namin si Xanti kasama si Devonne na magkahawak ang mga kamay. Nakasalubong nila si Ate Gi at King Philip at nagkabatian pa. Nagkatinginan kami ni Athena.

It Runs in The Blood 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon