Chapter 3 - Journey

972 38 0
                                    

Napatingin si Diana sa pinto ng kwarto nang pumasok ang kapatid niyang si Lianne. Ibinalik niya ang atensyon sa pag-iimpake ng gamit nang marinig niyang nagsalita ang kanyang Ate. "Diana, I'm done with mine. Do you need help?" Tumango siya. "Yes please"

Tahimik lang sila sa kanilang ginagawa at hindi iyon nakasanayan ni Lianne kaya nagsalita na siya. Hindi siya sanay na tahimik ang kapatid niya lalo na sa sitwasyon nila ngayon.

"Are you okay?" tanong nito. Napabuntong hininga na lamang si Diana at napatigil sa ginagawa.

"Hindi ko alam ate. I'm nervous about this. Maraming what ifs sa utak ko"

Tumabi si Lianne kay Diana at inakbayan ito. "Don't worry Diana, kahit ako ganoon din but we'll be alright"

Diana smiled at her sister ang hugged her. Mabuti nalang at marami siyang kasama dahil kung wala mababaliw na siguro siya sa kaiisip sa mga problema nila at ang kinabukasan nila. "Thank you Ate"


Thalia

Litong napatingin ako sa mapang ibinigay ni Diana at sa lugar kung nasaan ako ngayon. I'm sure I followed all directions but I end up in a dead end.

"Ginagago ba ako ng dalawang magkapatid na iyon?" Napabuntong hininga nalang ako atsaka nagdesisyong magpahinga na muna.

I never thought I would be going on a journey alone. Iba parin talaga kapag maraming kasama. Yung may kasama kang kakwentuhan, tawanan at asaran. Pero iba na ngayon, everything has changed. Hindi na ito kagaya ng dati na maning mani lang namin. It's Queen Maden we are talking about. She's strong as hell, wala ngang magawa sina Diana sa kaniya.

I shrugged that thought out of my head. Hindi dapat iyan ang iniisip ko ngayon. I should focus more on controlling my magic. I should get back on track. Hindi ko hahayaang sila lang ang may gagawin. I promise, once I control my magic and become the strongest water elementalist I will help the princesses defeat Maden.

As I looked around the place, napansin kong maraming waterfalls dito. Parang napapalibutan nga ako ng waterfalls eh. Tumayo ako at pumunta sa gitna kung saan may magic circle. There are runes-like written at the sides of it. Ngayon ko lang ito napansin.

Napansin ko rin ang pag-iba ng ihip ng hangin at biglang tumahimik ang paligid. Bigla akong napalunok. Should I prepare my self now?

Nabigla ako nang gumalaw ang tubig sa waterfalls at pumalibot sa magic circle kung saan ako nakatayo. The written runes are also glowing.

My ring! It's glowing!

I hope you are ready Princess of water!

Hindi ko alam kung kaninong boses iyon pero hindi ako makahinga. Pumalibot na rin sa akin ang tubig at para akong hinihigop.

You'll be fine. You are here already so it means you are ready. Now, I'll take you to a place where you can become the powerful water elementalist.

Dinig ko at hindi ko na alam ang nangyari dahil dilim nalang ang nakikita ko!

3rd Person

Napatingin sa langit si Diana nang may maramdaman siyang kakaiba.  What's this feeling? May masama bang mangyayari? Sa isip niya. Naalala niya tuloy ang kaibigan na si Thalia. Sana okay lang siya panalangin niya.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Daphne sa kanya. Nginitian niya lang ito.

"Ayos lang, inaalala ko lang si Thalia" sagot niya kay Daphne. Inakbayan siya nito para mawala ang pangamba niya.

"Ayos lang 'yong babaeng iyon, siya pa. It's Thalia kaya huwag kang mag-alala" Natawa siya ng kunti sa sinabi nito. Talagang malaki ang tiwala ni Daphne kay Thalia. Kahit pa palagi silang nag-aasaran.

It Runs in The Blood 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon