Chapter 13 - Lightning Prince

606 27 0
                                    

Terrence

Even if I'm a lightning elementalist, I still get affected by it. Kaya ngayon nakatayo ang mga buhok dahil kanina pa ako natatamaan ng mga kidlat na galing kay Luxio, ang God of Lightning. He's a playful kind of God and I hate it. Parang ang labas, hindi siya karespe-respetong Diyos.

" Ano ba iyan, natamaan ka na naman. Iwas iwas din" natatawa niyang sabi at nagpalabas ulit siya ng kidlat at pinatamaan sa akin. Nakaiwas ako pero nasundan ako ng kidlat niya na siyang ikinagulat ko. Akala ko one way lang ang takbo ng kidlat, pwede palang kontrolin ito kahit saan.

Natamaan ako sa braso kaya napahawak ang isa kong kamay dito.
" Pwede bang hinaan mo muna? Baka nakalimutan mong nagsisimula palang tayo" reklamo ko. I am so dead tired. Simula nang makarating ako dito deretso na agad training at ilang oras na tulog at kain lang ang pahinga ko.

Ewan ko kung ano ang balak niya sa akin pero parang gusto niya akong patayin.

" Mahina na iyon" sabi niya. Napanganga ako sa sinabi niya. Seriously? Mahina iyon sa kanya? Sabagay, isa siyang God.

" Para sa iyo siguro pero, Luxio I'm only human. Pwede bang simulan mo ako sa level na kaya ko?" It sounds like I am begging but if it is then so be it. I need to start in my level saka na sa level niya. I need to know my weaknesses first para matrabaho ko ito at makapagsanay ako na walang binabahala.

Napabuntong hininga siya at biglang umamo ang mukha. Kanina lang parang nakaasar ang mukha niya na parang bully na talaga pero ngayon okay na.

"Okay, if that's what you want. I'll be leaving you for awhile to train yourself. Alam mo na ang ilang mga paraan ko sa pakikipaglaban. Use it. I'll be back once you are ready but rest first before training. May nakahanda naring mga pagkain doon sa loob" sabi niya at nawala siya bigla na parang kidlat. He really is the God of Lightning.

Sinunod ko siya at pumasok na sa loob. Tama nga siya, mayroon ng mga pagkain sa mesa at hindi lang ito para sa isa, parang pangpamilya na ito.

Ano naman ang gagawin ko dito? Eh mag-isa lang akong kakain.

Bahala na.

Pagkatapos kong kumain ay pumunta na muna ako sa silid na inihanda para sa akin at nagpahinga. Humiga ako sa malambot na kama at napaisip. Ano kaya ang ginagawa nila ngayon? Mahirap din kaya ang training nila?

Okay lang kaya sila?
How I wish we are all together.

I can't help but blame the kradians for this, lalo na si Maden. Kung hindi dahil sa kanya, hindi sana ganito ang nangyayari. Hindi sana kami iniwan ni Mama, wala sanang digmaang mangyayari, peaceful sana ang lahat but it already happened. She happened.

I think if she's not around, masaya sama kami ngayon sa Aviana at nagtatawanan at nag-aasaran lang. Pero baka may rason kung bakit nangyayari ang lahat and I just hope it's for the best of everyone.



Palace, Central Valeria

"May balita ka na ba tungkol kay Vivianne? Bumalik na ba siya dito?" Tanong agad ni Lucia kay Edward nang makarating sila sa palasyo. Naroon din si Mina.

" Wala pa. Hindi pa siya nakakabalik dito" malungkot na sabi ni Edward. Hindi na niya alam ang gagawin. Hindi niya makontrol ang asawa niya at naghihintay nalang siya na bumalik ito.

" Wala ka talagang magagawa?" Malungkot na umiling si Edward sa tanong ni Lucia.

"Anyways, nandito ako para maghatid ng magandang balita. Ikaw na ang bahalang magsabi sa kanya kapag bumalik na siya dito." Nakuha niyon ang atensyon ni Mina at Edward.

It Runs in The Blood 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon