Chapter 45 - Peace

769 29 0
                                    

Isang linggo na ang nakalipas matapos ang digmaan. Kahit hindi sila tuluyang nakakarecover sa nangyari ay pinili nilang magtipon-tipon para sa libing ng mga nasawi.

Lahat ay malungkot na nakayuko habang binabasbasan ang lahat ng mga nasawi sa digmaan. May ilang mga mahal sa buhay ng mga namatay ang umiiyak at hindi mapigilan ni Diana na makaramdam ng konsensya. Kinuha ni Lianne ang isang kamay niya kaya napatingin siya. Nginitian siya nito at malungkot siyang napangiti.

"Sorry, I can't help it" aniya. Niyakap nalang siya ng kapatid at hinimas-himas ang likod niya.

Nang matapos sa pagbasbas at lahat ng mga nakakagamit ng nature element kasama na sina Diana ay gumawa ng mga bulaklak at isa-isang nilagyan lahat ng mga libingan.

"Diana may sasabihin ka ba?" Tanong ni Master Stephen sa kaniya. Umiling naman siya dito dahil hindi niya kayang magsalita baka bumigay pa siya at umiyak.

"Let's go now"ani Gianne. Umalis na ang lahat at lumabas sa espesyal na sementeryong iyon. Ginawa nila iyon para lamang sa mga taong nagbuwis ng buhay para sa kontinente nila, ang kanilang mga bayani. Kasama na doon ang mga taga aria, magis at kradia.

Nang tuluyang makalabas ay napatingin si Diana sa gate ng sementeryo.

"Diana?" Tawag ni Gianne sa kanya. "Sandali lang ate, para kasing may kulang" aniya at napaisip pa habang nakatingin sa gate. Ilang sandali pa ay nakaisip siya ng magandang ideya.

Gamit ang kanyang kapangyarihan gumawa siya ng mga salita sa ibabaw ng Gate at isinulat ang salitang "Mga Bayani".

"Perfect" nakangiti niyang sabi. "Hindi pa iyan perfect ate" ani Athena at dinesenyuhan pa ang mga iyon ng bulaklak kaya mas maganda na itong tingnan.

"It's perfect now" wika naman ng kambal.

Pagkatapos ng ginawa nila ay dumeretso na sila sa palasyo at pumunta agad sa hardin kung saan nandoon din ang ginawa nilang mga lapida para sa divinity at kay Demetri. Nilagyan din nila ito ng mga bulaklak.

"Pumasok na tayo sa palasyo" tumango sila sa sinabi ni Lianne at pumasok na sa palasyo. Nadatnan nila doon ang kanilang mga magulang na magkayakap. Tumikhim si Gianne kaya napabitaw ng yakap ang mga magulang nila at napatingin sa kanila.

"Halika nga kayo dito" Their parents opened their arms widely para mayakap sila. Niyakap din nila ito ng mahigpit.

Napapikit si Diana habang nakayakap sa pamilya niya. "I love this" aniya. Napangiti naman ang kanyang pamilya sa kanya at hindi pa bumitiw sa yakap.

"I miss this" si Lianne naman ang nagsalita. "Finally, tapos na ang lahat at makakasama ko na kayo na walang gulo." Dagdag ni Gianne at inalala ang lahat ng nangyari sa kanya.

"Gusto ko ganito lang tayo forever Mom, Dad, mga ate ko" malambing ang tinig ni Athena nang sabihin niya iyon kaya hinigpitan nila ang yakap sa isa't isa.

"We will be Athena pero alam naman natin na dadating ang panahon na magkakapamilya na kayo tapos iiwan niyo na kami" madamdaming wika ni Vivianne. Natawa naman si Edward at ang mga anak nila sa kanya.

"Baliw ka talaga Mom" napanguso si Vivianne sa sinabi ni Lianne.

Ilang segundo pa silang nanatiling magkayakap saka sila bumitaw. "Magpahinga na muna kayo" sabi sa kanila ni Edward.

"Mom, Dad. Pwede bang sa kwarto niyo kami matulog?" Pakiusap ni Diana na sinangayunan naman ng mga kapatid niya. Nagmamakaawa pa ang kanilang mga mata.

"Oo naman" napangiti sila sa sinabi ng ama at magkawak kamay silang pumunta sa kwarto at nagpahinga.

1 month later

It Runs in The Blood 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon