Chapter 37 - The war between the Strongest (part 9)

522 20 0
                                    

Warning! Typos and Grammatical error Ahead!

Night

Agad akong nakaiwas nang pinatamaan ako ng isang matulis na bagay na gawa sa light element ni Lumin. Sinundan niya ito ng isang manipis na bola kaya nagtago ako sa isang puno pero naputol ito dahil sa tulis nun. Napalunok ako dahil doon, paano kung natamaan ako nun eh di nahiwa na ako. Malaki ang matang napatingin ako sa kanya, wala akong mabasa sa mukha niya.

Sinubukan ko na siyang kausapin tungkol sa preeminent pero hindi siya nagsalita. Ewan ko lang kung isa ba siya sa Divinity na sang-ayon sa preeminent.

"Pwede bang kumalma ka? Baka matamaan ako nun" mahinahon kong sabi sa kanya. Muli, wala siya ipinakitang emosyon at nanatiling blanko ang mukha.

"Kaya nga tayo naglalaban ngayon hindi ba? Ang layunin ko ay ang talunin ka" aniya. Bigla akong kinabahan sa sinabi niya, ibig sabihin ay papatayin niya talaga ako?

Nanlaki ang mata ko nang sa isang iglap lang ay nasa harapan ko na siya at nakahanda ang kamao niya kaya hindi ako nakaiwas at natamaan ako sa mukha. Hindi pa ako nakakabawi sa suntok niya ay may sumunod na sipa na siyang ibibigay pero naisangga ko iyon at hinawakan ang paa niya at tinapon ko siya sa isang dingding kaya nasira ito. Hindi pa siya nakakabangon ay pinaulanan ko na siya ng elemento ko at sumabog iyon sa kanya. Nagkaroon ng malaking usok at hinintay kong mawala iyon. Nang mawala ay nandoon lang siya at nakatayo. Parang wala lang sa kanya ang ginawa kong pag atake.

Ang lakas nga talaga nila. Parang imposible nga na matalo namin sila pero kahit ganoon ay gagawin ko parin ang lahat ng kaya ko at gagawin kong posible ang imposible at iyon ay ang talunin siya.

Ngayon, ako naman ang sumugod sa kanya. Sinubukan ko siyang suntukin pero nakaiwas siya, ganun din sa sipa ko pero hindi ako tumigil. Minsan ay nakakakita din siya ng tyansa na atakihin ako pero naiwasan ko naman din iyon.

Ilang minuto din naming ginagawa ang suntok, sipa at iwas kaya umatras ako at nagpakawala ng isang malaking bola ng kapangyarihan at itinapon sa kanya. Sumabog iyon pero alam kong naiwasan niya iyon.

"Iyon lang ba ang kaya mo Night? Parang sayang lang lahat ng training mo" aniya. Natawa ako ng mahina sa sinabi niya at nakita niya iyon kaya sinamaan niya ako ng tingin. Sa wakas at nakita ko na rin ang isang emosyon niya.

"Ibig sabihin lang ay hindi ka magaling magturo" sabi ko sa kanya. Parang mas lalo siyang nagalit sa sinabi ko.

"Mahina ka lang talaga at madali lang matalo. Baka nga mapatay pa kita eh" aniya.

Huminga ako ng malalim. Totoo naman ang sinabi niya, mahina naman talaga ako. Ni wala nga ako sa kalingkingan nina Chris at Terrence eh pero hindi ako susuko at hindi rin ako magpapatalo sa kaniya. Mabubuhay ako at pinangako ko sa sarili ko na babawi ako sa mga kradian sa ginawa ng ina ko. Sa ngayon, iyon lang ang layunin ko at hindi ako mamatay hanggat hindi ko nagagawa iyon.

"Kakampi ka ng preeminent?" tanong ko sa kaniya. Natahimik siya at parang nag-iisip. Ilang sandali pa ay wala parin siyang isinagot. Oo at hindi lang naman ang isasagot niya pero nahihrapan pa siya.

"Okay lang naman kung hindi mo sagutin" sabi ko.

"Okay lang, sasagutin ko ang tanong mo" aniya. "Hindi ako kakampi ng preeminent at hindi niyo rin ako kakampi" sabi niya na ikinanuot ng noo ko. Anong ibig niyang sabihin? Napabuntong hininga siya nang mapansin siguro na naguluhan ako sa sinabi niya.

It Runs in The Blood 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon