Prologue

24 0 0
                                    

Eto na naman kami at nag aayos ng mga gamit, bakit ba naman kasi wala kaming permanent address para naman hindi na kami palipat lipat ng bahay. Lagi na lng kasi kaming pinapalayas ng may ari ng bahay dahil wala kaming pambayad, so wait! Pinalayas na naman siguro kami hay napailing na lang ako sa naiisip.

"Kim!!" Sigaw ni mama "bumangon ka na dyan tanghali na"

Ano ba naman 'tong si mama ang aga aga bunganga ng bunganga, Ewan ko ba pero simula ng umalis si papa lagi na lang mainit ang ulo nya.

"Kim ano ba bumangon ka na dyan at kumain bilisan mo"
"Opo, maliligo lang ako" walang gana kong sambit sa kanya.

Bumangon ako sa higaan at dumiretso sa banyo.Bigla kong naisip kung saan na naman ba kami ngayon lilipat simula kasi ng iniwan kami ni daddy at sumama sya sa bago nyang pamilya nagkagulo gulo na ang buhay namin. Hinding hindi ko talaga sya mapapatawad sa pag iwan nya sa amin ng kapatid ko at kay mama, sya ang dahilan kaya marami ng nagbago sa buhay namin nina mama.

Pagkalabas ko ng banyo ay nagbihis na ako kaagad at dumiretso sa ibaba para kumain.Tahimik lang kami sa hapag kainan pero Mukang walang may gustong magsalita hangga't walang nauuna.

"Ma" tawag ko sa kanya dahilan ng pagkabasag ng katahimikan, Tinitigan nya ko na para bang nagsasabi ng anong--kailangan--mo--anak--look.

"Saan na po ba tayo lilipat ngayon?" Tanong ko sa kanya "bakit kailangan pa po tyung lumipat ee maayos naman ang pamumuhay natin dito?"

Nakita ko kung paano ang pagtikhim bagang ni mama sa tanong ko at sabay tinignan nya si Kath na parang nagtatanong at di alam ang gagawin

Humarap si Kath sa akin" Alam mo ate mabuti pa tapusin mo na yang kinakain mo para makapag ayos ka na" Kumunot ang noo ko sa sinabi nya pero ginawa ko pa rin, change topic huh? Mamaya ko na lang siguro sila tatadtarin ng mga tanong ko.

When I finished my food dumiretso na ko sa king kwarto. Bakit ganon? Iba ang pakiramdam ko sa nangyayari para bang may mali di kaya may tinatago sa kin ang dalawang yun? Napansin ko rin nitong nakaraang mga buwan iba ang kinikilos ng mga yun damn it! Bakit ko ba iniisip Ang mga 'to hay. Pero sana nga Wala silang tinatago sa akin malaki ang tiwala ko ron, alam ko namang di nila ko pagtataguan ng sikreto ee but why? What's happening to me? Bakit ako kinakabahan ng ganito?.

***

Nagulat ako ng pumasok sa isang subdivision ang aming sinasakyan
I think dito kami titira sa loob but I don't realize kung gaano kalaki ang bahay na titirhan namin no.

"Manong pakihinto na lang po ng sasakyan dyan sa tabi" Sabi ni mama sa driver "opo ma'am" huminto ang sasakyan sa isang malaking bahay at di ko maiwasang mamangha sa ganda at laki nito grabe *0* ganyan ang itsura namin ni Kath but don't tell me dito kami titira " dyan na lang po sa tabi yung mga gamit namin thank you ".

Nang makaalis na ang sinakyan namin kanina at nang makabawi na ko ay nagawa ko ng magtanong sa kanya " Ma, dito po ba tayo lilipat ngayon? Saan po kayo kumuha ng pera para dito? Oh my god ma? " I don't believe it, Is that true?

"Anak ano ba naman yang iniisip mo jusko? Yes, dito tayo titira but I have a problem "

"What? " tanong ko

"Alam nyo mas mabuti pa pumasok muna tayo sa loob, okay? "

"yeah... "

Natigil ako sa pagiisip ng bigla akong hilain ni Kath papasok sa loob pero pagpasok ko..........

............. My heart froze

What the hell is he doing here??

Ngayon ko na lang ulit sya nakita since nung umalis sya at iniwan nya kami kay mom at sumama sa bago nyang pamilya. Anong ginagawa nya dito? Bakit sya nandito? Maybe sa kanya itong bahay pero bakit nya kami tinutulungan? Of course, tutulungan nya kami kasi kahit anong gawin nya anak pa rin nya kami but ang kapal ng Naman ng mukha nyang magpakita sa amin sa kabila ng ginawa nya sa amin.

Well, mabuti na rin siguro to dahil napakarami kong tanong na gusto kong sa kanya mismo manggaling ang sagot, bakit nya kami iniwan? Bakit pinagpalit nya kami sa iba? Ano bang pagkukulang ang hindi namin napunan?.

Yan ang mga tanong na paulit ulit at paikot ikot sa aking isipan na Hanggang ngayon ay wala pa ring kasagutan. I need an answer from him para naman maliwanagan ako.

I need an exactly answer from him.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Heeelllooo!!!! Salamat sa mga nagbasa  nito this is my first story na nasulat ko, I really appreciate ang pag eeffort nyo sa pag babasa nito THANK YOU!!!

Sorry nga pla for those grammatical errors that your encountered, hindi ko na kasi naayos dahil minsan lang ako mag update. And also sorry for those wrong spelling na mababasa sa umpisa palang. :-) :-) sooooorrryyy!!!!

I hope ipagpatuloy nyo pa po ang pagbabasa THANK YOU!!!

Abangan
Mapipilitan si Kim na patawarin ang tatay nya para sa kapakanan ng pamilya nya at dahil sa mga pangangailangan nila.

Papasok na sa panibagong school si Kim na tinatawag na PU ( Perpetual University ) and taking a course about business dahil isa sya sa mga mag mamanage ng company nila.

Marami pang kapanapanabik na aabangan sa story na to, Yeah! In first medyo not interesting but in the middle of this story contains a lot of thrills. Again Thank you for those readers na nagtyagang magbasa ng story ko :-) :-)

I hope that all of you stay strong and stable:-) :-) THANK YOU!!!

Thank you rin para sa mga nag votes!!! Dito thank you and comment rin!!! I love you all😘😘

My Savior Where stories live. Discover now