Chapter 27: Naliligaw

0 0 0
                                    

27:

Naliligaw

"How did you know this place?" Sa kabila ng katahimikang nabubuo sa aming dalawa at sa pagpapatuloy namin sa pagmumuni muni ay ngayon lamang ako nakapagsalita.

"Mmmm wala lang.. Napadaan kasi tayo kanina dito kaya nakita ko to kaso tulog ka e, nung una hindi ko gaanong napansin dahil Madaling araw pa lang at saka madilim ang paligid pero binalikan ko kanina" mahabang pagpapaliwanag nya.

"Ahhh.. Wait! What time is it?"

Binuksan nya ang cellphone nya para tignan kung anong oras na pero may nakita ako...

"Uggghh! Akin na yan Kim"

Inagaw kong bigla ang cp nya..

"Ano 'to?" Inis na tanong ko.

"Hehe!" Pilit nyang tawa.

"Ano nga 'to? Nakakainis ka naman eh!"

"Hehe sorry na! Peace!" *nag peace sign pa sya*

"Ugh! Tristan naman eh!" Naiinis na talaga akoooooo!

"O eh bakit ba?" Natatawa nyang tanong.

"Eeeee kailan mo kinuha ito?"

"Kanina lang haha" natawa na sya.

"Ang pangit ko kaya ditoooo!"

Whaaaa! Ang pangit pangit ko talaga! At ang nakadagdag pa sa inis ko ay ni-wallpaper nya pa nya, nakuuuu! Nakakahiya yung pagmumukha ko dito mukha pa naman akong tanga pag natutulog! Tapos kinuhaan nya ko kanina? Naaaayy!...

... NASAAN ANG HUSTISYA?????

Mamaya may makakita nito at pagtawanan pa ko..... Lagot ka talaga sa keeeennn damuho kaaaaa!

"Hindi naman ah! Ang cute mo kaya"

'Tapos pinagtatawanan mo ko?'

"Eh bakit tumatawa ka? Nakakainis ka talagaaaa! Pano kung may makakita nito? Eeeee sasakalin talaga kita!" Pananakot ko.

'Psh, Kala mo masisindak mo sya sa panakot mo?' Whew!

Tsk kahit na! Matakot man sya or not, sasakalin ko pa rin sya. Kabanas!

"Oooppss.." Naiusal nya.

"B-bakit?" Gulat na tanong ko.

"Haha ang dami ng nakakita nyan e haha"

Grrr! Feeling ko lahat ng dugo sa katawan ko umakyat patungo sa buong mukha ko. Nakakahiyaaaaaa!

"Bwisit ka Cornell bwisit kaaaaa!" Naiinis na sobra ako.

"Haha wait chill! Cute naman daw e"

"Chill? Chill mo mukha mo! Pag pinagtawan ako mabubura ka talaga sa mundong to" inis na sigaw ko. Wala namang makakarinig e.

Lumapit sya sa akin ng dahan dahan kaya dahan dahan rin akong napapaatras. Hindi ko magawang tignan sya dahil ano mang oras ay tunaw na ko sa titig nya.

Tumama ang likod ko sa puno kaya wala na kong ligtas. Kinulong nya ko sa dalawa nyang braso at hinahabol ang tingin ko.

Nang magtama ang paningin namin..

"Pano kung hindi?" Pabulong na malumanay nyang tinig.

Jusmiyo! Yan naman yung boses na hinding hindi ko makakalimutan.

My Savior Where stories live. Discover now