Pumasok na ko ng school kina umagahan. Hindi ako nakapasok kahapon dahil sa patong patong kong mga problema at dinagdagan pa ng pasaway na si Kath.
Hindi ko alam kung sino sino ang mga nanalo pero hindi na iyon ang mahalaga. Ang dapat ko ngayong isipin ay kung paano ko haharapin ang dalawa na may kasalanan kung bakit ako naguguluhan ngayon.
Hinanap ko sila ngunit wala akong nakita. Ang nahagilap ko lang ay si Macy. Himala! Hindi ako pinansin ngayon ni Macy samantalang dati malayo palang nakasalubong na sya.
Tinignan ko ang bakanteng upuan kung saan ay nakaupo si Tristan. Bakit wala sya ngayon? Mamaya ko na nga lang itatanong kay Macy.
***
Matapos ang mahabang discussion ay nag ring na ang bell. Nagsilabasan na ang mga estudyante at tanging kaming dalawa na lang ni Macy ang naiwan.
"Girl! Anong problema? Sorry kung hindi kita napansin kanina ah! Bigla kasi akong nasanay na lagi kang wala" Lumapit sya sa akin.
"It's okay, saka wala namang problema" pag sisinungaling ko. Alam ko namang hindi sya maniniwala sa dahilan ko at batid kong alam nya na ang nangyayari.
"You know what? Hindi ka magaling mag sinungaling! Halata sa mukha mo oh! Habang tinitignan kita kanina nahahalata kong kanina ka pa balisa. Ano ng plano mo?" Hindi ko alam Macy! Hindi ko alam.
"I don't know. Nahihirapan akong magdesisyon" kailangan kita ngayon Macy.
"Ano bang nararamdaman mo? Hindi naman pwedeng pag sabayin mo sila no! Wala kang magagawa kundi pumili ng isa sa kanila. Kung may masasaktan man deserve na nila yun kasi yun yung pinasok nila"
Pumunta kami sa likod ng building sa dating tambayan. Gusto kong itanong sa kanya kung nasaan sila pero parang may pumipigil sa aking gawin yun.
"Yeah I know. Pero hindi ko pa rin alam kung sino? Kung pano? Nabigla ako at saka hindi ako sanay kaya ako nahihirapan ng ganto"
"Yan na naman tayo sa 'pero' ee, alam mo kung palagi na lang pero walang patutungunan. Ang pag pili isinasa puso okay! Kung sino yung tinitibok at sinisigaw ng puso mo yun yung sundin mo" Alam ko na lahat yan ee!!
"Pero------" natigil ako sa pag sasalita ng pigilan ng mga kamay ni Macy ang sasabihin ko.
"Pero' is enough. Direct to the point na tayo! Sino bang nilalaman nyan ha?" Sabay duro nya pa sa dibdib ko.
"Si ano-----si------hayy! I don't know!" Hindi ko talaga alam. Sino nga ba?
"Okay. Hindi na kita itotorture pero ayusin mo yang problema mo sa lalong madaling panahon hangga't wala pang nagyayaring hindi mo magugustuhan ha!"
Kailangan ko ng sign kung sino ang pipiliin ko para naman hindi na ko nahihirapan ng ganito.
"And wait! Alam mo ba kung bakit hindi sila pumasok ngayon?" Huh? Hindi nya alam. Balak ko pa sanang itanong sa kanya.
"Hindi pero may hiningi ako sa kanilang favor" tumingin sya sa akin ng diretso at mukhang nagkaka interest na sa sasabihin ko.
"Oh. What is this favor?" Pansamantala akong hindi umimik pero di kalaunay nakapag salita rin.
"Uhm humingi ako ng favor na kung pwede bigyan nila ko ng space para makapag isip" napahilot sya sa kanyang noo.
"My god! Gel. Kaya naman pala eh. Kung seryoso ang mga yun sayo malamang paninindigan nila kung ano ang gusto mo that's why wala sila ngayon"
"Anong ibig mong sabihin?" Umirap sya sa akin.
"Hindi mo ba gets. Iniisip nila na ayaw mo silang makita kaya hindi sila pumasok! Sense of common nga" correction! Sa pag kaka alam ko 'common sense' yun not like that.
YOU ARE READING
My Savior
RandomMy name is Ericka Kimberly Dela merced Abellana, I am 17 years old becoming 18 next year. Studying at PU ( Perpetual University) taking a course of Bachelor of Business and Management Administration and living at The Golden state Subdivision. This...