Nakahanda na lahat ng kailangan ko dahil bukas umpisa na nang bagong pakikipagsapalaran sa bago kong papasukan.
Humiga ako sa kama at pinilit na makatulog pero hindi ee, Tinitigan ko na lang ang kisame at nagbabakasakaling dalawin ako ng antok.
"Aaaahhhh!!!!" Nagising ako dahil sa pagtili ni Kath
"Ano ba Kath? ang ingay ingay mo nakakabulabog ka ng tulog ee," pangaral ko sa kanya gayong gusto ko pang matulog.
"Ate gumising ka na dyan malelate na tyu sa first day natin sa school" what? Tinignan ko yung orasan sa gilid, Oh my god! 30 minutes na lang.Nagpapanic akong bumangon at dumiretso sa banyo para mag shower, bakit ganon? Sinet ko yung alarm clock ko ahh bakit di ako nakagising? Ano bayaaan!!!!
Nagmamadali akong nagbihis at kumain. "Ate Dali mahuhuli tayo ee,"
Bumaba na ko at sumakay sa sasakyan para makaalis na."Wala na bang naiwan?" Sabay kaming umiling ni Kath "O sya bilis! baka mahuli pa kayo" tumango kami at nag umpisa ng tumakbo. Nagkahiwalay kami ni Kath dahil iba yung direction papunta sa kanila, she is third year high school na kaya magkaiba kami ng building na papasukan.
Habang tumatakbo ay mayroon akong nabunggo dahilan kaya natumba ako sa sahig, "Ano ba? tumingin ka nga sa dinadaanan mo" Tinitigan ko sya ng masama habang dahan dahang tumayo, "wow ha! Ako na nga 'tong natumba ee" kumunot ang noo nya sa sinabi ko, bakit? Totoo naman ahh?.
Lumapit sya sa akin kaya't napaatras ako, diniin nya ko sa pader kaya di ako makaalis, "Ang lakas din ng loob mong pagsabihan ako ee ikaw nga tong nakabunggo ikaw pa galit ahh" pagkasabi nya non ay agad din syang tumalikod at umalis.
Natulala ako habang nakatayo at parang naestatwa ang katawan ko, Ano yun? Tinignan ko lang sya habang naglalakad palayo. Sino kaya yung lalaking yun? Ang yabang ng dating, tsk wala muna kong pakelam sa kanya ngayon dahil may kailangan pa kong gawin, tinignan ko ang palagid at may mga nakatingin sa akin ng masama, bakit? May nagawa ba kong mali? Haayytt. Sinilip ko ang relo ko, oh no no no I need to find my room first, malelate na ko.
Late na late na ko oh my god!!, nang mahanap ko na yung room ko ay agad naman akong sumilip at nakita kong may teacher na doon. "Ms. Abellana, why are you late in your first day?" Sabi sa akin ng guro. Yumuko naman ako "sorry ma'am, natanghali lang po ng gising" pagpapaliwanag ko at kitang kita ko ang pagpipigil ng tawa ng mga ka room mates ko.
"Okay then, maaari ka ng maupo" tumango ako at pumunta sa bakanteng upuan sa likuran at lalo lang akong kinabahan ng nakita ko yung lalaking nabunggo ko kanina, napansin ko ang pag angat ng gilid ng kanyang labi kaya't napapikit na lang ako at umupo.
"My name is Mrs. Karen Oliver, I am your advisory teacher" pag uumpisa ni Mrs. Oliver "before we were start, Ms. Abellana introduce herself in front, this is her first day in Perpetual University" nag angat ako ng tingin, bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba. Inilahad ni Mrs. Oliver ang harapan sa akin, tumango ako at naglakad papunta roon.
Lumapit si Mrs. Oliver sa akin at bumulong "wag kang mahiya masasanay ka rin" nginitian ko sya at huminga ako ng malalim.
"Hi, my name is Ericka Kimberly Dela merced Abellana" panimula ko at may nagtaas ng kamay "you mean... if you are Dela merced, you're the daughter of the owner of dela merced cooperation company?" Tanong nung lalaking nakabunggo ko kanina, "yeah... " kitang kita sa mga mukha nila ang pagkagulat and I saw him smirk. Ang company ni dad ang may pinakamalaking ambag sa school na 'to kaya ganon na lamang kabilis ang pagtanggap nila sa akin dito.***
Nang tumunog ang bell ay isa isa ng nag labasan ang mga classmate ko, nag ayos na ko ng gamit para makalabas na rin kailangan ko pang hanapin ang next schedule ko para di na rin ako ma late.
"Hello!!" Halos mapatalon ako sa gulat ng may sumulpot na babae sa harap ko, nginitian ko sya at "hi... " di ko ineexpect na may papansin sa kin dito since transferee lang naman ako,
"Ako nga pala si Macilean Monteverde also known as Macy, Nice to meet you Kimberly" kinuha ko ang kamay nyang iniabot sa akin bilang pagpapakilala "I'm contented with Kim masyadong mahaba kasi yung Kimberly" pagtatama ko sa kanya "okay" then she give me a smile and I smiled back."Don't worry same lang tayo" napahinto ako at napatingin sa kanya "you mean transferee ka rin?" Tumango sya, ahhh so same lang pala kami "well! Where's your next schedule?" Tanong ko sa kanya "Hmm sa BBAM-416 section, how about you?" Tinignan ko yung sched ko at pareho lang pala kami, "same with you" ngumiti sya ng nakakaloko "oh! That's great" yeah....
Pumunta kami sa cafeteria para bumili ng pagkain at dumiretso sa bakanteng lamesa pero di pa kami nakakapunta ay may nauna na sa amin.
"Uy ano ba? Dyan kami ee" pagmamaktol ni Macy,
"Aww sorry pero nauna kami ee," tsk di lang pala sya mayabang sa dating as in mayabang pala talaga, tinignan nya ko at tinaasan ko lang sya ng kilay, kumunot ang noo nya pero di ko na lang yun pinansin bumaling ulit ako kay Macy na mukhang nagagalit na."Macy I think humanap na lang tayo ng ibang mauupuan" suggest ko, ninguso nya ang buong paligid at napansin kong wala na palang bakante, "Hmm... Gusto nyo sumabay na lang sa 'min" suggest naman nung isang kasama nung lalaki well actually tatlo sila kaya kasya pa kami, one to six lang naman ang pwede sa isang lamesa. Nagliwanag naman ang mukha ni Macy sa narinig ng di ko napansin ay nakaupo na pala sya sa upuan. Tinapik tapik nya pa ang upuan at tinignan ako ng what--are--you--doing--look, wala na kong nagawa kundi umupo na rin sa tabi nya now kaharap ko na yung lalaking nakabunggo ko kanina.
"Transferee kayo right?" Tanong nung ng lalaking red ang buhok na katapat ni Macy. Tumango si Macy, ako walang imik "well ako nga pala si Christian Lopez, you may call me Kris" pagpapakilala nya so Kris huh! Sino naman kaya itong kaharap ko pati yung katabi ni Macy sa bandang kaliwa? "And you are?" Tanong nya "Macy, then ito naman si Kim" nginitian ko lamang sya.
Tinuro naman ni Macy yung iba pa nyang mga kasama, "Ahh sorry, ito nga pala si Jasper at itong katabi ko ay si Tristan" pagpapakilala nya, Tristan pala ang pangalan ng lalaking to.
"By the way, welcome to Perpetual University " Sabi nung Jasper. Ngumiti kaming dalawang at si Macy naman ay nakipagkwentuhan lang sa kanila habang ako ay tahimik, wala rin naman akong balak makisali sa kanila.
Nakaka out of place naman 'tong mga 'to Hanggang sa paglabas namin nagkakatuwaan pa rin. Umiling na lang ako, sa dinarami rami ng mga makikilala ko ito pa, hay Bahala na makikisama na lang ako sa kanila.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Hi guys!!! Thank you for supporting my story, I promise na magiging maganda ang story na to at magpapakilig sa inyo, actually, iniisip ko palang yung thrills kinikilig na ko!!!! Aaayyyiiieee!!!
Thank you :-) :-)
YOU ARE READING
My Savior
RandomMy name is Ericka Kimberly Dela merced Abellana, I am 17 years old becoming 18 next year. Studying at PU ( Perpetual University) taking a course of Bachelor of Business and Management Administration and living at The Golden state Subdivision. This...