Chapter 14: Sorry

2 0 0
                                    

Mag iisang linggo na ngunit hindi pa rin sila pumapasok. Batid ko kung ano ang dahilan ni Tristan subalit hindi ko maiwasang isipin kung kamusta na kaya sya.

Pagkatapos na pagkatapos ng discussion ay tumungo kagad ako kay Jasper. Gusto kong malaman kung alam nya ba kung nasaan si Kris. Kamusta na kaya sya?

"Hey" hingal na hingal kong bati.

"O Kim! Bakit hingal na hingal ka?" Maya maya ay nakasunod na sa akin si Macy na hinihingal rin.

"Kim! Ang bilis mong tumakbo! Bakit ka ba tumatakbo?" Inangat ko ang tingin ko at ganun din ang ginawa nya. Nanlaki ang mga mata nya ng makita si Jasper na nakakunot ang noo.

"Para kayong mga bata. Bakit kayo tumatakbo?" Panlalait sa amin ni Jasper. Kumuha sya sa kanyang bag ng dalawang boteng tubig at iniabot sa amin.

Sinabi ko na ako lang talaga ang tumatakbo at sumunod lamang si Macy sa akin kasi hinahabol ko sya. Nagpahinga muna ako at si Macy sandali. Tinatanggal ko lang ang hingal ko bago ako magsalita kung ano ang kailangan ko.

"Uhm Jasper may itatanong lang sana ako" Humarap sya sa akin at tinitigan na para bang nagsasabi ng what--is--it--look.

"Alam mo ba kung nasaan si Kris?" Diretsahan kong tanong gayong ayoko ng magpatumpik tumpik pa.

"Uh eh bakit mo naitanong?" Nauutal nyang sabi.

"Basta! Sagutin mo na lang ang tanong ko pwede?" Nagmamadali na ko. Gusto kong malaman ni Kris kung sino ba talaga ang pipiliin ko. Ayaw ko ng may nasasaktan kaya kailangan nya ng malaman.

"Uhm. I think nasa condo sya. Kasi nung nagkausap kami kahapon doon ko sya natagpuan" condo? Nag cocondo lang pala sya.

"Saan yun? Dalhin mo ko don please!" Siguro naman pag nalaman nya ay madali na lang syang makakapag move on.

"Fine. Ngayon na ba?" Mabilis akong Tumango at hinarap nya naman si Macy.

"Sasama ka ba? O kung gusto mo hatid muna kita" pag aanyaya nya kay Macy. Iling lamang ang isinukli nito.

"Okay. Tara na" pumunta kami kaagad sa parking lot kung saan nakaparada ang kotse ni Jasper.

Sumakay ako sa likod dahil baka kung anong isipin ni Macy. Haha alam kong hindi ganon si Macy pero wala lang gusto ko lang.

Walang kumikibo sa amin at napansin kong pumaparada na si Jasper sa parking lot ng isang building. Dito na yata yun.

"Mauuna na ko sa taas. Anong room number nya?" Hindi naman sa masyadong nagmamadali pero gusto ko na kasi syang makita.

"Room 905, matatagpuan yun sa fourth floor ng building" umalis na ako kaagad at pumasok sa loob.

Sumakay ako ng elevator at pinindot ang fourth floor. Pagka Tunog ng elevator ay Dali dali akong lumabas.
Natagpuan ko ang room nya sa kaduluduluhan.

Huminga ako ng malalim bago naglakas ng loob na pindutin ang bell. Ilang beses na kong nag bubuzz pero wala pa rin sya.

Di tumagal ay may nagbukas din ng pinto. Niluwa nito si Kris at mukhang kababangon lang galing sa pagtulog. Halos malaglag ang panga nya ng makita nya ko.

"A-aah Kim what are you doing here?"

"Uhm Kris! Pwede ba tayong mag usap?" Good!! Mabuti at nandito ka.

"Yeah pasok ka!" Pumasok ako sa loob at umupo sa isang sofa. Tumayo akong muli at nilapitan sya.

Pano ko ba uumpisahan? Pinatong ko ang dalawang kamay ko sa kanyang mga balikat.

"Kris. Alam kong alam mo kung bakit ako nandito. Gusto ko lang sabihin na-----" naputol ako sa pag sasalita ng pinwesto nya ang kanyang daliri sa aking mga labi.

"Pssh! Wag mo ng ituloy okay. Yeah. Alam ko kung bakit ka nandito and don't worry hindi ako galit. Tanggap ko naman eh" lungkot. Ayokong nakikita yan sa kanya.

"Pero hindi naman ibig sabihin nun ay
Hindi na tayo friend diba?" Nag aalangang tanong ko.

Tumango lang ito at saka ngumiti.

______________________________________________________________________

My Savior Where stories live. Discover now