Two days na lang bago ang camping at mabuti na lang natapos na namin ang kanya kanya naming gawain.
Nasa bahay ako ngayon dahil walang pasok kasi gusto ng mga teacher namin na mas maging handa kami para walang problema pagdating ng camping.
Wala si mama dahil paniguradong nagbabantay yun sa Pinatayo nyang carinderya. Namiss nya daw kasi ang trabaho namin noong hindi pa kami nakatira dito sa subdivision pati ang pagluluto nya.
Wala rin si Kath dahil may pasok sila. Junior high school pa lang sya kaya wala silang camping maliban sa min.
At kung tatanungin ako lang ang tao dito sa bahay. Nakatapat ako ngayon sa aking lop top para tignan kung sino ang bukas. Pinatay ko rin ito agad ng mapagtantong wala namang naka open sa kanila.
Ano naman kaya ang pwede kong gawin?. Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang number ni Macy.
Krriinng! Kriinng!
[Hello Kim! Bakit ka napatawag?"]
May ginagawa ka ba?
[Uh uhm yes! Sorry magkakaroon kasi kami ng date ni Jasper kaya naghahanda ako]
Ahh ganun ba! Okay. Sige ingat na lang
[Bakit ba? May problema?]
Nothing! Boring kasi dito sa bahay lalo pa't wala akong kasama kaya naisip kong tawagan ka baka sakaling wala kang ginagawa
[Oh! Sorry! Don't worry next time babawi ako. Alam mo naman yung sa amin ni Jasper di ba?]
It's okay, ghe bye ingat
[Bye! Ingat ka rin. Try mo na lang kina Kris kung free sila]
Okay.
Binaba ko rin kagad ang aking phone matapos ang aming pag uusap. Sayang at busy sya. Nahihiya naman akong magtanong kina Kris at Tristan. Syempre hindi ko matatanong si Jasper dahil magkasama yun sila ni Macy.
Bumaba ako at pumunta sa kusina. Kumuha ako ng isang basong tubig sa ref. Sino kayang pwede? Maaaring si Tristan dahil dyan lang naman ang bahay nya pero baka busy naman yun or nagpapractice na naman.
Umakyat muli ako at nagpalit ng damit. Matapos yun ay saka ako lumabas. Maglalakad lakad na lang siguro ako or tumambay sa play ground.
Habang naglalakad ay sumagi sa aking isipan ang huling beses ng pagkikita namin ni mysterious guy. Umaga rin yun and I guess nag eexercise sya kaso nga lang hindi pa rin kami nagkakakilala.
Siguro dito lang yun nakatira kasi una sya yung tumulong sa akin dahil nakikilala nya ko kasi dito rin ako nakatira tapos dito rin kami huling nagkita kaya mukhang konti na lang makikilala ko na sya pero bakit ba naman kasi ayaw nyang magpakilala? Mukha ba kong nakakatakot o nangangain? Magpapasalamat lang naman ako sa kanya ah!
Tumapat muna ako sa gate ng bahay nila Tristan. Try ko muna kung nandito sya para may kausap ako. Masyado na kong clingy kay Tristan eh hindi pa naman kami pero wala lang, gusto ko eh!
Pinindot ko ng dahan dahan ang doorbell ng gate bago sumigaw. Walang sumasagot kaya sa tingin ko walang tao dito.
Aalis na sana ako ng biglang lumabas si Tristan and Oh my god! Naka shirtless sya. Sinasadya nya bang lumabas at humarap sa kin ng walang damit pang itaas? Duh! Ang hot nya pucha!
Ilang minuto siguro akong tulala habang nakatitig sa batalyong mga bato sa kanya. Gosh! Ayokong mag bilang ng abs ah! Umiinit na ang pisngi ko.
Tinakpan ko kagad ang mga mata ko saka tumalikod. Naahh! Ayokong pagmasdan ang mga yun baka matunaw shet!
"Bakit ka nakatalikod?" Naku po! Nakalapit na pala sya. Jusko! Anong gagawin ko?
"Bakit ka kasi haharap sa kin ng ganyan? Alam mong babae ako eh" Tama! Babae ako! Bawal yan huy!
"Eh ano naman" hala! Sira ba sya. Ah basta hindi ako haharap hangga't wala syang damit.
"Magdamit ka kaya muna" utos ko. Hindi talaga ako haharap.
Bigla nya na lang akong hinila paharap sa kanya pero hindi ko pa rin tinatanggal ang mga kamay ko sa aking mga mata. Hinawakan nya ang dalawang braso ko at saka dahan dahang tinaggal. No! Baliw ka Tristan! Gusto mo ba kong masiraan ng bait sa gagawin mo. Natanggal nya na nga ang aking mga kamay pero nakapikit pa rin ako.
"Tristan naman eh! Magdamit ka nga muna sabi" pag uulit ko habang nanatiling nakapikit.
"Dun na lang sa loob kaya buksan muna yang mga mata mo okay" aaiissh! Grabe!
Binuksan ko ng marahan ang aking mga mata at pinigil ang paghinga. Matapos kong gawin yun ay hindi ko sya pinansin at nauna na ko sa loob ng bahay nila.
"You're trespassing" sabi nya habang naglalakad ako papasok.
"Ganun! Edi lalabas na lang ako" pipigilan nya kaya ako?
Lalabas na sana ako pero hinarangan nya ko kaya ako nasubsob sa dibdib nya. God! Sa dinami dami ng susubsoban ko dibdib nya pa.
"I'm just kidding" so! Hindi ako natutuwa.
"Nakakatawa! Magbihis ka na nga" nakakainis! Mabuti na lang at walang tao kanina sa labas dahil kung nagkataon pagkamalan pa kami ng kung ano kasi wala syang saplot pang itaas.
Dinala nya ko kung saan at kung hindi ako nagkakamali eto yung kwarto nya. Oh no! What? Kwarto nya to? Gosh! Hindi pa ko handa.
"Anong gagawin natin dito ha? God Tristan! Hindi pa ko handa" kumunot naman ang kanyang noo sa inasta ko.
"Anong Iniisip mo Kim? Kukuha lang ako ng damit ko. What are you talking about 'hindi pa ko handa'? Your overthinking" boom! Pahiya si ateng! Ano ba naman kasi tong pinag iisip ko? Hayy.
"Oh sorry! Ang dami ko kasing napapanood na ganyang eksena eh! Yung dadalhin ka ng lalaki sa kwarto tapos------" pinahinto nya ko sa pamamagitan ng pagtakip sa bibig ko.
"Ang daldal mo. Remember! Iba ang pinapanood sa totoong buhay atsaka hindi ako yung ganyang klaseng tao gets?" Tumango na lang ako.
Ang daldal ko naman kasi eh. Bakit? Hindi ba pwedeng maging sigurado? Malay mo totoo yung mga napapanood kong ganyan. Oo nga naman! Bakit ko pag iisipan ng ganyan si Tristan? Napakalayo sa itsura nya no! Duh!
Nanahimik na lang ako at umupo sa kanyang kama. Pinapanood ko lang sya habang naghahanap ng damit.
Napapatitig ako ng maigi sa kanyang mga damit ng makakita ako ng isang jacket na parang pamilyar sa akin. Nakita ko na to noon pero nakita ko yun sa taong nagligtas sa akin which is the Mysterious guy.
Hindi kaya! Owe! I think kapareho lang ng sa kanya pero Hindi talaga eh! Kinilala ko ng maigi yung suot ng lalaki para mabilis ko syang mahanap. What does it mean? Na si Tristan and the Mysterious guy is only one but how?
Hindi pa ko sigurado sa iniisip ko ngayon kaya kinakailangan ko pa ng matinding ebidensya para patunayang sya nga yon. Pano ko naman gagawin yun?
Kung si Tristan nga yun bakit hindi sya sa akin nagpakilala? Bayyaan! Ang hirap namang hulaan. Aalamin ko na lang siguro bahala na.
______________________________________________________________________________
Mag Iinvestigate na kaya si Kim? Let's see!
-Rodgenie
YOU ARE READING
My Savior
RandomMy name is Ericka Kimberly Dela merced Abellana, I am 17 years old becoming 18 next year. Studying at PU ( Perpetual University) taking a course of Bachelor of Business and Management Administration and living at The Golden state Subdivision. This...