Mag iisang buwan na ang nakakalipas at kami pa rin ang laging magkakasama. Sometimes, twice a week lang kaming nagkakasama dahil lahat ay may pinaghahandaan.
Because the oncoming event in PU, napag usapan naming sumali sa iba't ibang activity na pwede naming masalihan para dagdag na rin daw sa pagtaas ng aming grado.
Napagpasyahan kong sumali sa student council para tumulong sa pag mamanage at pag aayos ng event like decoration, invitation, program and other activity kaya naman lagi akong pagod pag umuuwi.
Si Macy naman ay nagpapractice lagi ng cheering dahil yun yung sinalihan nya para naman daw ay maicheer nya ang banda nina Kris at Jasper at si Tristan na magbabasketball.
Yeah, like what I said, Kris and Jasper joined in one of the bands here in PU dahil hilig daw ni Kris ang pagkanta while Jasper wants to play a guitar that's why dun sila sumali.
Noon pa lang ay kasama na si Tristan sa mga Basketball players here right? Isa sya sa mga lalaban para sa grupo nila kaya sya itong laging busy sa amin kaya minsan lang namin sya nakikita dahil sa tindi ng pag papractice nya.
"Kim, di ka pa ba uuwi? Gabi na ah delikado na sa panahon ngayon ang gabi umuuwi" paalala sa akin ni Camille, she is one of the student council and the leader of it.
"Its okay, I can handle my self. Thank you for your concern, tatapusin ko muna 'tong binigay na assignment sa akin para wala na kong gawin bukas" nginitian ko sya at napa iling na lang sya.
"Are you sure? Ok fine, I have to go." Tumango ako at saka sya lumabas. Once again, mag isa na naman ako well this is not new.
***
Nung natapos ko ang aking gawain ay nagligpit na ko saka lumabas. Sinilip ko ang aking relo and its already 9 in evening. Hay gabi na naman ako uuwi and technically mag isa lang ako.
Naglalakad ako ngayon para maghanap ng Taxi pero kunti lang ang nakikita ko at kung minamalas ka nga naman lahat ay may sakay.
Naisipan kong ilabas ang aking cellphone para tawagan si Manong Roger na sunduin na lang ako dito dahil baka kung anong oras na ko makauwi kung maghihintay pa ko ng Taxi.
Sa bilis ng pangyayari ay di ko namalayang nawala na pala ang cellphone ko mula sa aking mga kamay habang nagdadial ng number.
Sumigaw ako ng sumigaw at humihingi ng tulong dahil inisnatch ang phone ko. Oh my god! Lord help me please!!! Kahit yung phone ko na lang ang kunin basta wag lang yung sim ko oh.
"Tulong! Tulong! Magnanakaw" nangiyak ngiyak na ko habang humihingi ng tulong ngunit wala pa ring gumagalaw sa kanilang kinatatayuan at pinapanood lamang ako maybe dahil din sa takot. Wala akong nagawa kundi humabol dun sa magnanakaw.
Nagulat ako ng may naunang lalaking tumatakbo na naka black jacket sa akin at narinig ko ang pagmura nya habang hinahabol yung magnanakaw.
Nakarating kami sa likod ng isang iskinita at lahat kami ay napahinto dahil hindi lang pala sya nag iisa.
1
2
3
4
5
Oh my god! Lima sila, kaya bato ni kuyang naka jacket. Lumapit sa akin si kuyang naka jacket at bumulong.
"Lumayo ka muna saglit Sige na! Ako na ang bahala dito" napaka amo ng kanyang boses pero di ko maaninag ang kanyang mukha, who is this mysterious man? Tinulak nya ko papunta sa gilid para lumayo sa kanila. OMG anong balak nyang gawin? Wala akong pang ospital sa taong 'to pag sugatan sya.
"Hoy ikaw! Sino ka ba ha? Bakit ka ba nangangailam?" Sambit nung lalaking malaki ang katawan pero mukhang manyakis.
"Pre! Sa tingin ko nagbabayani bayanihan lang yan para maka score kay Ms. Makinis hahahhahaha" nagtatawanan na sila at naglabas ng isang maliit na kutsilyo yung isang lalaki.
"Alam mo bata, mabuti pa umuwi ka na ha ipaubaya mo na lang si Ms. Makinis sa 'min kung ayaw mong masaktan" Sabi nung lalaking nag labas ng kutsilyo kanina. Oh no no no, please ayokong makakita ng ganong pangyayari natatakot ako para kay kuya.
"Kuya, inyo na po yung phone ko, ibalik nyo na lang po yung sim ko sige na please!!" Lumapit sa kin si kuyang naka jacket.
"Ipikit mo ang mga mata mo at takpan ang tenga mo okay?, di mo gugustuhin ang makikita mo hmm" tumango ako bilang tugon.
"I'm scared, please kuya" tumango rin sya at muling binalik ang attention sa mga lalaki kanina.
"Kamusta naman ang pamamaalam mo bata? Huling araw mo na to hahahahaha" tawa nung mga siraulong lalaki. Mag iingat ka kuya wala akong pambayad sa magiging gastusin mo sa hospital pleasssse!!!!
"Shut up, if you want a fight go!!" Pumorma pa sya na hudyat na handa na sya sa pakikipaglaban.
"Hahahaha inglesyero pala to ee buti na lang kahit papaano ay nakakaintindi ako, ok sige fight!!!" Pumorma din sya na handa na.
Sa halip na titigan ko pa ay ginawa ko na lang ang sinabi ni kuya. Hindi ako mapakali gayong ang naririnig ko lang ay 'aray, shit, fuck' at kung ano ano pa. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari at napasigaw ako ng may humawak sa aking balikat.
Dahan dahan kong binuksan ang aking mga mata at nakita ko si kuya na hawak na ang phone ko. Inikot ko ang tingin sa limang lalaki kanina at halos lahat sila ay bulagta na.
Natataranta akong kinapkapan sya at inalam kung may galos o sugat ba sya pero hinawakan nya ang aking palapusuhan bilang pagpapatigil.
"Everything's fine" bulong nya sa akin sabay abot sa aking cellphone saka sya tumakbo palayo. Tinawag ko sya ng ilang beses pero hindi sya lumilingon.
Ano ba yan? Hindi ko man lang naitanong ang pangalan nya. Hindi ko rin sya namukhaan dahil natataranta na ko pati boses nya Hindi ko na maalala.
Dumating ang mga pulis at hinuli yung limang lalaki. Nabanggit ng mga pulis na matagal na nilang hinahanap ang grupo ng mga magnanakaw na yun.
Lumapit sa kinauupuan ko ang isang pulis saka ako tinadtad ng tanong.
Lahat naman ay nagawa kong sagutin maliban na lang dun sa lalaking sumagip sa kin kanina kung namukhaan o kilala ko ba sya kaya umiling na lang ako.Pinaalalahanan nila kong wag lalabas sa gabi dahil alanganin at hinatid na rin ako ng mga police pauwi sa amin.
Kinausap ng mga police si mama at pinaliwanag kung ano ang nangyari bago sila umalis. Pagpasok ko sa loob ay niyakap ako ni mama. Kitang kita sa mga mata nya ang pag aalala.
"Anak okay ka lang? May masakit ba sayo? Sinaktan ka ba nila?" Nagpapanic na tanong ni mama, umiling na lang ako bilang kasagutan.
"Ma! Wag mong torturin si ate hayaan mo na natin syang magpahinga okay!" Pag saway sa kanya ni Kath. Pinakalma ni mama ang kanyang sarili at saka tumango.
Bumagsak ako sa kama hindi lang dahil sa pagod kundi dahil din sa nangyare kanina. Pinilit kong alalahanin ang naaninag kong konti sa kanyang mukha pero di ko talaga maalala ni boses nya hindi ko matandaan.
Sa dinarami rami ng iniisip ko ay di ko namalayang nakatulog na pala ako.
______________________________________________________________________________
Hahahaha!! Thank you for supporting this story.... :-) :-) saranghaeyo!!!!
YOU ARE READING
My Savior
RandomMy name is Ericka Kimberly Dela merced Abellana, I am 17 years old becoming 18 next year. Studying at PU ( Perpetual University) taking a course of Bachelor of Business and Management Administration and living at The Golden state Subdivision. This...