Chapter 20: Finding Evidences

0 0 0
                                    

Tinulog ko na lahat lahat pero hindi pa rin umaalis sa aking isipan ang nakita ko kahapon sa bahay ni Tristan.

Parang may tumutulak sa aking alamin ang lahat. Alamin kung sino ba talaga si Mysterious man? Bakit nakita ko ang suot nyang jacket na kay Tristan? Kung si Tristan nga at si Mysterious man ay iisa bakit hindi sya nagpakilala? Yan ang mga tanong na paulit paulit kong
Binabalikan.

I need an investigation, kailangan kong malaman kung totoo ang mga hinala ko. At kung sakaling totoo, si Tristan naman ang tatanungin ko.

First, pinabayaan ko na lang yung panghihinala ko simula pa nung una. Yung narinig ko kasi ang boses ni Tristan ay naalala ko ang boses ni Mysterious guy then, nung muli kaming magkita ng lalaki at nasundan ko sya kaso nga lang hindi ko naabutan tapos biglang lumitaw si Tristan sa aking likuran na may dalang supot. Nang makita ko ang supot ay para akong kinabahan na hindi ko malaman, na para bang may kakaiba sa loob nun pero hinayaan ko na lang. Pang huli, yung nakita ko kahapon sa bahay ni Tristan habang nagbibihis sya. Hindi ako sigurado ng una pero dahil sa tandang tanda ko pa ang suot ng lalaki, alam kong yun talaga yun at hindi nako pwedeng magkamali.

Lahat ng yun ay konektado kay Mysterious man. Kung tutuusin, kung si Tristan nga ay si Mysterious guy edi masaya. Bukod sa hindi na ko naghanap pa ng matagal, makakasama ko pa sya araw araw.

Isa pa sa gusto kong bigyan ng kasagutan ay kung bakit hindi sya nagpakilala? Bakit nya ko tinakhuhan ng gabing yun pati nung magkita kami? Ang wierd nya masyado. Si Tristan ay napakalapit sa akin kaya bakit kailangan nya pang hindi magpakilala. Wierd!

Ang Awkward ng mga nagyayari ngayon. Para kang isang pulis na kailangan hulihin kung sino ang kriminal para magka alaman. Kailangan pa ng pag iinvestigate para makahanap ng matinding ebidensya.

Bukas ay umpisa na ng camping kaya naghahanda na kami. Madaling araw ang alis namin kinabukasan kaya't matutulog ako ng umaga.

Malamang naririto na naman ako sa bahay at laging naiiwan ng mag isa. Gusto kong pumunta sa bahay ni Tristan para mag imbestiga pero baka mahalata akong laging nasa bahay nya. Saka ko na sya tatadtarin ng tanong pag may maipapakita na kong patunay.
Sawa na kong ayayain sina Macy dito sa bahay dahil lagi lang silang busy at pati siguro ngayon ay ganon pa rin. Kahit kailan wala akong maisip na pwedeng paglibangan sa bahay. Boring talaga shet!

Napatayo ako ng makarinig ng may nag dodoorbell sa labas. Sumilip ako sa bintana at nakita ko si Tristan na nakatingin din sa bintana at kumakaway. Anong ginagawa nya dito?

Mabilis akong bumaba at lumabas patungo sa kanya. Bakit kaya sya nandito? Baka may sadya.

"A-Anong ginagawa mo dito? " salubong kong tanong sa kanya.

"Wala lang, nag alala kasi ako dahil hindi ka pumunta sa bahay ngayon eh alam ko namang wala ka na namang kasama. Dun ka kasi pumupunta pag ikaw lang mag isa eh! May bisita ka ba?" Ang bait naman pala ng taong to.

Wow naman! Kinikilig ako dun sa 'nag aalala kasi ako' ah. Dun kasi ang tambayan ko sa bahay nya lalo na pag wala akong kasama o nag iisa lang ako. Parang kilalang kilala nya na ko ah.

"Wala, nahihiya na kasi akong laging nasa bahay mo kaya hindi na lang ako pumunta"

"Bakit ka mahihiya? Welcome ka naman sa bahay ko ah" taray! Welcome? Bahay ko ba yun? Haha

"Pasok ka na lang kaya muna" yaya ko sa kanya. Mas mabuti ng sa loob na lang kami mag usap.

Sabay kaming pumasok ng bahay at umupo sya may couch. Pinaghintay ko muna sya doon dahil pumunta ako sa kusina para kumuha ng maiinom.

Naabutan ko syang nagbabasa ng libro pagdating ko. Inilapag ko ang dalawang baso ng juice sa lamesa bago umupo.

"Mahilig kang magbasa ng mga ganitong libro?" Tanong nya habang nakataas ang librong binabasa nya kanina. Nakita nya kasi ang mga collection ko ng iba't ibang stories sa wattpad.

"Yeah, especially pag wala akong magawa kaso nga lang nabasa ko na lahat yan kaya tinatago ko na lang.  boring pag paulit ulit eh"

"Bakit hindi ka bumili ng bago?" Pano? Eh ang mamahal kaya ng books. Kulang pa nga pera kong ginagamit sa school tapos ilalaan ko pa dyan.

"Kulang ako sa budget eh! At kung iniisip mo na kung bakit hindi ako humingi sa daddy ko, alam mo naman ang sitwasyon namin di ba?" yun na lang ang nasabi ko.

"Bakit kasi ayaw mo pang pagbigyan na lang ang daddy mo? Maayos na ang lahat ikaw na lang ang hinihintay" umiling na lang ako. Ayaw ko ng pag usapan pa ang tungkol dyan.

"Uhm Tristan, change topic na lang tayo ayoko ng pag usapan pa yan. May itatanong sana ako sayo" change topic.

"Hmm?" Nagpatuloy na lang sya sa pagbabasa.

"Nasaan ka ba ng gabing muntik na kong maholdapan?" Natahimik sya ng ilang sandali.

Hindi pa rin sya sumasagot sa tanong ko at nanatiling nakaharap pa rin sya sa libro. Huminga sya ng malalim bago sinagot ang tanong ko.

"Nasa practice game ako ng time na yun bakit mo naitanong?" Walang pag aalinlangan nyang sagot.

Hindi ko alam kung nagsasabi ba sya ng totoo dahil napa seryoso ng mukha nya. Hindi ko mabasa sa mga mata nya yung taong kinakabahan. Baka wala talaga sya ng time na yun.

"Uhm wala lang" yun na lang ang nasabi ko.

Ang hirap naman hanapan ng ebidensya ang taong to. Ang kailangan ko lang gawin ngayon ay makuha yung jacket na nakita ko at patunayang hindi ako nagkakamali sa mga hinala ko.

"Wala ka bang gagawin?" Bigla na lang syang nagtanong sa gitna ng katahimikan.

"Wala naman why?" Bakit kaya nya naitanong?

Binalik nya ang librong hawak nya kanina sa kanyang pinag kuhaan. Hinawakan nya ang kamay ko sabay tayo. Ano naman bang balak gawin ng lalaking to?

"Anong gagawin mo?" Tanong ko sa kanya habang nakatayo pa ring dalawa.

"Hindi ano, saan tayo pupunta" kumunot ang noo ko dun. Di ko gets!

"Okay! Saan tayo pupunta?" Ginaya ko na lang ang sinabi nya kanina di ko gets eh!

"Sa mall" duh! Anong gagawin namin sa mall? Malamang mamimili pero bakit? Baliw ata to.

Hindi nya na ko hinayaan pang magsalita dahil hinila nya na ko palabas ng bahay namin. Pumunta kami sa bahay nila at tumungo sa kanyang sasakyan.

Pupunta kami sa mall ng hindi ako nagbibihis? Sira ba sya?

______________________________________________________________________________

Tameme!

My Savior Where stories live. Discover now