Ang sakit ng ulo ko sa kakaisip kung ano ang gagawin ko. I think mahihirapan ako nito, why? Kasi mag kaibigan ang dalawa at ayokong masira yun dahil lang sa kin.
Nagdahilan ako sa kanila na masakit ang ulo ko para naman pakawalan na nila ako pero hindi pa rin sila magka sundo kung sino ang mag hahatid sa kin pauwi.
Sinabi ko na lang na kaya ko ng umuwi ng mag isa pero hindi pa rin sila pumayag. Di kalaunan ay nag offer si Kris na si Tristan na lang ang maghatid sa akin dahil ito lang naman ang malapit sa amin.
Hindi ko gustong may hindi sila pagkakaunawaan lalo pa't matagal na silang mag kaibigan at hindi pa nila ko kilala sa panahon na yun kaya't kung masisira yun ng dahil sa kin, siguro mas makabubuting ako na lang ang magparaya gayong hindi rin ako sigurado sa nararamdaman ko.
Narito na ko sa tapat ng bahay namin at iniintay na lang na umalis si Tristan.
Itutulog ko na lang siguro ito at baka kinabukasan ay wala na."Sigurado ka? Ayos ka lang ba talaga?" Tumango na lang ako at hindi na umimik.
Umikot na sya papunta sa driver seat at sumakay. Tinitigan ko lamang ang kanyang sasakyan habang lumalayo.
Nag martsa ako paakyat sa taas at hindi na pinansin ang tawag sa akin ni mama. Hindi ako mapakali sa Kama kaya't gumulong gulong na lang ako. What should I do? Parang ayokong pumasok bukas.
***
Nagising ako sa gulat ng may kumalabog at kumatok ng malakas sa pinto. Ano ba yan! Gusto ko pang matulog.
"Kim! Gumising ka na! May dalaw ka!" Ano ako? Patay? Sino naman kaya ang dadalaw? Ang aga aga ee.
"Sino?" Walang gana kong tanong.
"Yung isa ay yung dumalaw sa yo dati tapos yung isa parang yung kapit bahay natin! Di ko kilala ee" gosh! Sila na naman.
Wag muna ngayon! Hindi pa ko nakakapag isip ng maayos ee! I need space temporary para makapag isip.
Wala akong nagawa kundi babain yung dalawa. Di na baleng kung ano ang itsura ko ngayon dahil kababangon ko lang at kaka toothbrush.
Nang nakita nila ako ay sabay silang napatayo. Huminga ako ng malalim para maharap sila.
"Anong kailangan nyo?" Sarcastic kong tanong. Yeah! I think mag tataray na lang ako para tantanan na nila ako.
Nag pumigil ako ng tawa ng makitang bigla silang nataranta. Effective pala ang pag tataray ahh! Para silang mga bata.
"Uh eh ano kasi K-Kim" ang gulo ng mga to! Ayaw na lang akong diretsuhin! Your so stupid Kim! Alam mo naman kung ano ang tinutukoy nila diba?
"Nakapag usap na kasi kami Kim kung...." Pagpapatuloy ni Tristan sa gustong banggitin ni Kris.
"What? Ang aga aga naman. Important ba yan? At hindi pwedeng ipagpabukas hmm? O di kaya mamaya?" Kahit ngayon lang susubukan kong magtaray.
"Napag usapan naming sabay kaming manliligaw kung okay lang sayo?" Saad ni Tristan. What? Manliligaw sila? Duh!
Lumapit ako sa kanila para maharap sila. Gusto kong humingi sa kanila ng space, gusto kong makapag isip isip sa sasabihin ko at para malaman kung sino sa kanila.
"Guys! I have a favor. Kung pwede hayaan nyo muna akong makapag isip please! I need space." Nalulungkot ako sa expression nila.
Yumuko sila at sabay na tumango. I'm so sorry! Wala pa talaga akong balak.
"Sorry!" Nakokonsensya naman ako, tama naman yung ginawa ko di ba? I'm so disappointed! Parang napaka laking kasalanan ang nagawa ko.
Kung sabay nila kong liligawan edi baka magkakaroon ng Competition sa pagitan nila. Ayoko naman ng ganon no! Kailangan ko talagang mamili pero bakit parang ang hirap.
I am not sure sa feelings ko for Tristan and also for Kris. Fuck it! Sana panaginip na lang ang mga nangyayaring ito kainis!.
Sa tinagal tagal ng pagsasama naming tatlo ay hindi naman ako nakaramdam ng kakaiba or feelings man lang, ngayon lang talaga nangyari ito.
Si Kris ang palaging nandyan sa tabi ko pag may problema ako at lagi syang update pag kailangan ko sya or isang tawag lang nandyan na sya. Kahit magkaibigan lang kami ay nilalaan nya ang kanyang oras para sa akin kaya't hindi ako sure sa feelings ko for him.
Tristan. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa kanya dahil hindi ko nga alam kung paano nabuo to ee. Ang masasabi ko lang ay kabaligtaran sya ni Kris, bakit? Pag may problema ako lagi syang busy. Hindi ko rin sya matawag tawag pag kailangan ko sya dahil baka wala rin akong mapala. Aaminin ko na kahit ganon ay napapasaya nya pa rin ako, sa simpleng jokes nya, sa simpleng ngiti nya, nawawala na yung problema kong dinadala kahit saglit lang.
Kung madali lang talagang pumili tapos na ko. Help please! I need an advice, pano? What should I do?
Umalis na sila pagkatapos kong sabihin ang mga yun. Sabihin na kailangan ko ng space, I hope na naiintindihan nila ko. Kasalanan din naman nila yun ee! Binigla nila ko tapos ano? Mamimili na kagad! Duh! I'm not kinda girl.
***
Umakyat ako at tumungo sa kwarto ni Kath. Sya na lang yata ang malalapitan ko ngayon, sana maintindihan nya ang sitwasyon ko.
Kumatok ako ng kumatok pero walang sumasagot. Nasan na yung bruha na yun? Sabi ni mama hindi lumabas yun hayy!
"Kath! Kath! Andyan ka ba? Si Kim 'to." Wala pa ring sumasagot. Aha! Baka tulog!
"Kath! Please gumising ka muna ohh!" Pag mamaktol ko at lalo pang nilakasan ang pag katok.
Napangiwi na lang ako at mukang di ko magigising ang babaeng ito palibhasa tulog mantika. Mamaya ka lang talaga!
Bumaba ako at hinanap si mama. Nahagilap ko sya sa loob ng kusina. Tambayan nya talaga yan! Kada hinahanap ko sya dyan ko mahahanap.
"Ma! Andun po ba talaga si Kath? Walang sumasagot ee!" Natahimik sya at nag iisip."Oo! Simula kanina hindi pa sya bumababa ee! Hindi naman ako umalis ng bahay. Baka tulog!" Yan din ang nasa isip ko.
"May susi po ba kayo ng kwarto nya?" Agad syang tumakbo at pumunta sa isang drawer. Baka doon nakalagay ang mga spare key ng bawat kwarto namin.
Maya maya pa ay natapos na sya sa paghahalungkat sabay lumapit sa akin na may bitbit na isang susi.
"I think ito yung extra key para sa kwarto nya try mo!" Utos nya sa akin. Tumango naman ako at kinuha ang susing dala nya.
Nagmadali akong umakyat at bumalik sa kwarto ni Kath. Pag pasok ko ng susi ay laking tuwa ko ng ito nga ang spare key nya dahil bumukas ito.
Pag bukas ko ng pinto ay walang tao. Kala ko hindi sya lumabas. Sumigaw ako para tawagin si mama at pinaakyat dito sa kwarto.
Nagulat sya ng maabutang walang tao at nagkatinginan lang kami pansamantala. Pag punta ko sa study table nya ay may nakita akong sulat. I think galing kay Kath ito. Agad ko namang pinakita ito kay mama.
______________________________________________________________________________
Oh! What happened to Kath? Or baka naman may pinuntahan lang diba.
Ang saklap naman ng love life ni Kim! Ang hirap kasing pumili haha!.
Abangan for the next chapter! Where's Kath? Alamin natin :-) :-)
Salamat sa pag papatuloy!!!
Oo nga po pala! Bihira na lang po akong makakapag update dahil naparami ang mga gawain sa paaralan!! Thank you!
YOU ARE READING
My Savior
RandomMy name is Ericka Kimberly Dela merced Abellana, I am 17 years old becoming 18 next year. Studying at PU ( Perpetual University) taking a course of Bachelor of Business and Management Administration and living at The Golden state Subdivision. This...