Isa isang naglabasan ang mga manonood ng matapos ang laro. Nagpahuli ako upang hanapin sina Macy pero hindi ko sila mahanap. Asan sila?
Bukas pa iaannounce kung sino ang panalo sa bawat manlalaro at masaya akong isa sa papangaralan ay ang grupo ni Tristan, ewan ko lang kung panalo ba ang kina Kris.
Nagpatuloy lang ako sa pag lalakad at hinahanap pa rin sila. Nagulat ako ng may tumakip sa bibig ko at dinala ako sa isang tahimik na lugar. Gosh! Kinabahan ako bigla.
Nang tanggalin nya ang kanyang kamay ay saka ako mabilis na humarap para kilalanin kung sino ang taong 'to.
Nakahinga ako ng maayos ng mapag tantong si Kris lang pala ang taong to.
Kala ko kung sino na? Kinabahan pa na naman ako."Nakakakaba ka naman Kris ee, kala ko kung sino na ikaw lang pala" ngayon ko lang napag alaman na napaka seryoso ng kanyang mukha.
"Uhm...uh eh Kim" parang gusto kong matawa dahil sa pag kautal nya pero parang hindi ito ang tamang oras kasi napaka seryoso nya.
"Hmm?" Parang may gusto syang sabihin pero di nya masabi, bakit kaya? Pssh! Ang manhid mo te! Baka naman may problema lang syang hindi mo alam.
"M-May gusto k-kasi akong s-s-sabihin sayo" hindi ko sya gaanong maintindihan dahil sa pag kautal nya. Ayos lang kaya sya?
"Alam mo Kris? Hindi kita maintindihan! May gusto ka bang sabihin? May problema ka ba? Diretsuhin mo na lang kaya ako" tinitigan ko sya ng diretso pero hindi ko mabasa ang expression nya dahil sa halo halo ang mga ito.
"May gusto kasi akong sabihin sayo...." Yun naman pala ee pero bakit hindi nya pa ituloy? Nakakabitin ka ah!
"Then! What is it? Direct to the point nga please! Hahanapin pa natin sina Macy ee" nasaan na nga ba ang mga taong yun? Halos wala ng tao dito sa gym pero hindi ko pa rin sila makita! Baka nakalabas na.
"Nakita ko kasi kayo ni Tristan kanina! Wag mong mamasamain ang tanong ko pero kayo ba?" Natahimik ako sandali sa tanong nya. Sagot ko! I don't know! Parang Oo na hindi like Mutual Understanding.
"Uhm! No! Bakit mo naitanong?" Umiling lamang sya. Hinawakan nya ang dalawang kamay ko at tinitigan ako ng diretso.
Oh my god! This is it again? Bigla akong kinabahan ng kakaiba at iniisip kung ano ang gagawin nya.
"Kim! Tutal hindi naman kayo ni Tristan gusto kong malaman mo kung ano ang nararam----" hindi nya na naituloy ang sasabihin nya ng biglang lumitaw sa harap namin si Tristan na syang dahilan kaya ako nagulat at hindi na nag sink in sa utak ko ang sinabi ni Kris kanina.
"Kim! Andito ka lang pala! Kanina ka pa hinahanap nina Macy and oh! Kasama mo pala si Kris" sakto! Kanina ko pa rin sila hinahanap ee.
"Yeah! Actually, hinahanap ko rin kayo kanina pa pero nagkasalubong kami ni Kris kaya kami ang magkasama" mukha naman syang nakumbinsi pero bumaba ang tingin nya sa kamay kong hawak ni Kris.
Agad ko itong tinanggal para hindi mahalata. Tinitigan nya ko at lumipat papunta kay Kris bago tumalikod hudyat na paalis.
Tinignan ko naman si Kris pero tumango lamang sya. Naglakad ako para makasunod kay Tristan at nasa likod ko naman nakasunod si Kris.
Nang makarating kami sa kinaroroonan nina Macy at Jasper ay saka lang kami huminto. Nung makita kami ng dalawa ay tumawa ang mga ito ng nakakaloko.
"Hahahaha mukhang may something ah hahahaha" pangunguna ni Macy. Kumunot ang noo naming tatlo.
"Hahahaha ano 'to? Love triangle hahahaha" sumakay naman si Jasper kay Macy. Love triangle? Is he serious? Duh!
"Tumahimik na nga kayo at kailangan na nating umalis" saway sa kanila ni Tristan kaya naman agad din silang tumahimik.
***
Napag pasyahan naming gumala muna pansamantala sa park habang hindi pa gumagabi. Nahahalata ko pa rin sa dalawa ang pag pipigil nila ng tawa samantalang kaming tatlo dito ay napaka seryoso.
Pagdating namin doon ay saka kami umupo para magpahinga. Maya maya lang may dumaan na sorbetero sa tapat namin.
"Macy! Gusto mo?" Yaya sa kanya ni Jasper, nakakatuwa talaga silang dalawa.
"Bakit? Libre mo?" Hala! Pa choosy lang ang peg. Ikaw na nga tong nililibre ee tapos kunwari ayaw! Ay sus!.
"Tatanungin ba kita kung hindi? Sige ka kung ayaw mo edi wag!" Naliwanagan naman ang mukha ni Macy at mabilisang pinigilan si Jasper na papaalis na sana.
"No! Joke lang! Gusto ko please!! Sama na rin ako" Napa smirk na lang si Jasper at tumango rin sa huli.
Nakalayo na sila at mukhang may pinag uusapan. Naiwan kaming tatlo dito at mukang walang gustong umimik.
"Kim! Gusto mo?" Nagulat ako sa biglang pag anyaya nila and take note, sabay pa sila.
"Uhm no! Kung gusto nyo kayo na lang" sabay silang Umiling at muling nanahimik. Nakakatuwa naman sila! Para silang batang may pinag aawayan tapos pag pinagsabihan mananahimik na lang.
Wala pa ring umiimik sa aming tatlo at naririto na rin pala ang dalawa sa aming harapan.
"O! Bakit ang tatahimik nyo?" Macy please! Wag mo na silang guluhin baka mamaya ay------hayy! Shut up! Okay?
"Wala! Wala! Ano lang kasi----kasi ano" Kim!! Nawawala ka na naman sa sarili mo ano ba?
"Ano? Tsk okay! Never mind. Aalis lang kami saglit ni Jasper ha! May pupuntahan lang kami" huh? No! Iiwan nyo na naman ako sa dalawang 'to shit!
"Hmm, saan kayo pupunta? Pwedeng sumama?" Yan ganyan sumama ka para naman makalayo ka na sa dalawang yan. Please! Please! Pumayag ka naman oh!
"Naku Kim! Hindi pwede may pag uusapan kasi kami kaya mamaya na lang okay?" I frown. Sinasadya talaga nila to ee, sine set up nya kami hayy Macy! Kahit kailan talaga!
Umalis na sila at tumungo sa pupuntahan. Again! Kaming tatlo ulit ang naiwan. Nakakaloka na ha! Parang walang mga presensya! Hindi ko maramdaman ee!
"Pwede ba kitang maka usap?" Napahampas na lang ako sa aking noo! Dahil sabay na naman ang dalawa. Isip Kim! Isip.
Nagkatinginan ang dalawa na para bang nagtatanong kung sino ang dapat na mag adjust. Pano na 'to? Anong gagawin ko?
"Uhm kung may sasabihin kayo pwedeng sabihin nyo na! Kanina ko pa kayo hindi maintindihan ee" muling nagkatinginan ang dalawa at bumalik sa akin.
"Gusto kita Kim------------ I like you" sabay na naman sila ang magkaiba nga lang Tagalog yung isa and on the other hand ay English.
But wait! Anong sabi nila? Gusto nila ko? Oh my god!! Anong gagawin ko? Napakagat na lang ako sa labi, hindi na ko mapakali. Nasaan na ba yung dalawa? Sasama na lang ako.
______________________________________________________________________________
Heto na itech! Mukhang magkakaroon ng paligsahan sa pagitan nila.......
Abangan kung ano ang gagawin ni Kim para masulusyunan ang kanyang problema at para malaman kung sino ang pipiliin nya or if may pipiliin ba sya.......
Salamat sa mga nag votes at comment na rin, sana Ipagpatuloy nyo pa rin ang pag babasa!! Walang katapusang thank you!! :-) :-)
YOU ARE READING
My Savior
RandomMy name is Ericka Kimberly Dela merced Abellana, I am 17 years old becoming 18 next year. Studying at PU ( Perpetual University) taking a course of Bachelor of Business and Management Administration and living at The Golden state Subdivision. This...