29:
Pag-asa
Kasabayan ko lang ulit gumising si Tristan ng di ko namalayang nakatulog rin pala ako.
Tanghali na kaya't kinakailangan naming mag umpisa sa paghahanap. Hindi pa kami gaanong magkasundo sapagka't salungat ng kanyang tinuturong daan ang sa akin.
"Kaliwa tayo.....sigurado ako" si Tristan.
"Bakit? Pano ka nakakasigurado? May mapa ka ba? Wala! Kaya kanan tayo" si ako."Kaliwa nga..." Si Tristan ulit.
"No! Mamaya kung ano pang mangyari sa tin dyan! Kaliwa ka ng kaliwa"
"Sigurado ka rin ba dyan sa kanan? Wala bang mangyayari sa atin dyan? Ha?"
"H-Hindi pero may kutob ako"
"Kutob kutob...." Mahinang bulong nya pero dahil kami lang ang maingay at tahimik ang paligid, rinig ko pa rin "Sa kaliwa na lang tayo"
Ang kulit!
"Kanan!" Pagmamatigas ko.
"Ayoko ko ng makipagtalo. Kaliwa" inirapan ko sya.
"Bahala ka hindi ako sasama sayo! Gusto ko sa kanan" sa ibang direksyon ako nakatingin at talagang nag papa-awa ang boses ko para masindak sya.
"Okay.." Nanlaki ang mata ko ng marinig kong hindi man lang sya nasindak sa pag iinarte ko.
At mas lalong nanlaki ang mata ko ng tumalikod sya at naglakad papunta sa kaliwang direksyon.
Aba! Loko to ah! Iwan daw ba ko?
"H-Hoy wait" habol ko sa kanya pero hindi sya humihinto. "Tristan wait! Hintayin mo ko!" Sigaw ko ulit.
Triiiiissssttttaaaaannn! Humanda ka sa akin pag naabutan kitaaaaaa! Shiiiit! Hindi ako makatakbo...
... Ang puteeeeeeeekkkk!
No choice ang peg ko kaya tumakbo pa rin ako kahit Napakaputik ng dinadaanan namin. Hindi ko pa sya nahahabol ay bigla ko na lang naramdaman na lumubog ang paa ko sa putikan.
"Aaaaahhh" daing ko ng nadapa ako.
Naramdaman ko na ang mga yapak na papalapit sa akin. Pilit kong hinihila ang paa ko mula sa pagkakalubog nito sa putik pero sadyang malagkit at malalim talaga ang pinaglubugan ko.
"H-Hey are you okay?" Nag aalalang tono nya pero inirapan ko lang sya. At napatingin naman ako sa kanyang may halong inis.
"Mukha bang okay?" Gigil na Sambit ko.
"Can I help you?" Inismidan ko sya.
"Ha!.. Of course.. Kaya ko bang hilain tong paa ko.." Sigaw ko na nakaturo pa sa paanan kong nakalubog ".. Malamang tulungan mo ko" ramdam ko ang bahagyang pagkunot ng noo ko at pagsalubong ng kilay ko sa inis.
"Why are you shouting? Pwede bang kumalma ka?" Inis ding banggit nya.
"Tse! Kung tulungan mo na lang kaya ako? Kesa dakdak ka ng dakdak at reklamo dyan"
Tumingin na lang ulit ako sa nakalubog kong paa at pilit na inaalis yun sa pagkakalubog.
"S-Sorry" usal nya at saka lumapit sa akin.
Hinawakan nya ang bandang taas ng paa ko at sa marahang tinulungan ako sa pag alis nun.
Nakahinga ako ng maluwag ng natanggal nga iyon ngunit nandiri pa ko...
... Eeeewww! Ang putik putik na ng paa ko geez!
"Tristaaaaannn! Kailangan na nating maka-alis dito now na huhuhuhu! Hindi na kaya ng beauty ko! Umiinit na rin oh!" Turo ko sa bandang sikat na sikat ang araw.
"Don't worry------" hindi nya na natapos ang sasabihin nya ng unahan ko sya ng sumbat.
"Don't worry ka ng don't worry! Kanina pa yang don't worry mo pero nandito pa rin tayo huhuhuhu!" Humagulgol na naman ako.
Lumapit sya sa akin at saka niyakap.
"Do-----ah no! I mean kumalma ka lang kasi at saka wag ka ng mag inarte okay ta------" pinigilan ko na naman sya.
"Ha!" Singhal ko sa inis at lumayo sa kanya "so ako pa ang maarte? Malamang eh sa ako ang babae!" Sigaw ko sa kanya.
"Hindi naman sa ganon okay? I know! Pero makisama ka naman please! Ako ang nagdala sayo dito kaya ako na lang ang pakinggan mo please!" Mahinahon at nagmamaka-awang tono nya.
Pilit kong pinapahinahon ang sarili ko at pinigilan ang muling pag hagulgol.
Hinga ng malalim...
... Enhale! Exhale!....
"Okay! Fine! Yun na nga eh.. Ikaw nga ang nagdala sa akin dito..." Huminga muna ako ng malalim "... Sige! Imbes na nagtatalo tayo, mabuti pa simulan na lang ulit natin" mahinahon na rin ang boses ko ngayon.
"Thanks! Tara?" Yaya nya at tumango naman ako.
Mula nun ay hindi na kami gaanong nag uusap maliban na lang kung ipapaliwanag nya yung mga nakita nya bago kami pumunta dito bilang palatandaan.
Tulad nga ng sinabi nya ay sya na lang ang sinunod ko dahil mas alam nya naman 'to. Ayoko na ring mag-marunong pa dahil gusto ko na talagang maka-alis dito.
Sa tingin ko ay napalayo nga kami kasi kung gaano kadali ang pagpunta namin sa lagoon ay ito nama'y mas matagal.
Sinabihan ko pa sya na bumalik na lang kami sa lagoon kasi may possibility na dun kami hanapin ng mga kasamahan namin subalit mukhang hindi na rin namin alam ang pabalik don. Hindi naman sa ulyanin sya o maging ako pero dahil sa sobrang sukal ng gubat na pinasukan namin ay mahihirapan ka talagang kabisaduhin ang daan. May pare-pareho ring daan na dinaanan namin kaya mahirap talagang i-identify.
Dumaan pa ang ilang minuto ay wala pa rin kaming humpay sa kahahanap. Hindi na rin ako gaanong kinakabahan katulad kanina siguro ay dahil konting tiyaga pa makakalabas na kami dito. Pahinga ng konti tapos tuloy ulit tapos ayun paulit ulit na lang kami.
Sa ngayon ay namamahinga na kami. Nakakapagod? Oo! Nakakasawa? Oo! Pero no choice eh! Kailangan naming magpursige huhuhu nakakaloka! Jusmiyo! Sana hanggang ngayon lang 'to! Hindi ko kakayanin my gooooddd! Wala pa nga kong kain eh este kami.
Oo wala pa kaming kain. Wala rin kasi kaming makitang punong may bunga dito. Masukal nga eh! Hoooo! Tiis muna teh! Pag nakabalik kayo ay tsaka nyo lang bakbakan. Kainis!
Nakaupo kami dito sa ilalim ng puno at umaasang may makakain kami. Pareho kaming lutang at walang maski isa ay umiimik. Boring? Oo! Nakakaimbyerna!
"TRISTAN!"
"KIM!"
Napabalikwas ako at napa-ayos ng upo ng marinig ko ang aming pangalan at ganon din sa Tristan. Nagkatinginan pa muna kami at pinapakiramdaman ang isa't isa. Mukhang nagkakaintindihan kami sa paraan ng pagtitig. Katulad ng kanya ay may halo ring pagtataka ang mga mata nya at nagtatanong kung tama ba ang narinig namin o di kaya'y tiyan lang namin yun na kanina pa nag-aalburuto sa gutom.
"TRISTAN!"
"KIM!"
"KIMBERLY!"
At doon na nagliwanag ang aming mga mukha sa tuwa at nagkaroon ng pag asa ng magtuloy-tuloy ang pagtawag sa aming mga pangalan...
______________________________________________________________________________
YOU ARE READING
My Savior
RandomMy name is Ericka Kimberly Dela merced Abellana, I am 17 years old becoming 18 next year. Studying at PU ( Perpetual University) taking a course of Bachelor of Business and Management Administration and living at The Golden state Subdivision. This...