Chapter 22: LQ

0 0 0
                                    

Naghahanda na ko para mamayang Madaling araw ay diretso na ang alis ko at hindi na kailangan pang may asikasuhin.

Nang mapagtantong nailagay ko na ang lahat ng gamit na kakailanganin ko ay nag ayos na ko ng sarili ko. Matutulog ako ng konti para kahit papano ay konti na lang ang itutulog ko mamaya.

Nagising ako dahil sa lakas ng alarm clock ng cellphone ko. Sinilip ko ang oras at nanlaki ang mata ko sa nakita, OMO! Alas tres(3:00)  na ng Madaling araw pero ang usapan ay alas dos (2:00) whuaa! Iniwan na nila ko.

Dali dali akong nag ayos ng sarili ko at buti na lang ay nakapagbihis na ko kanina bago natulog kaya mabilis na lang akong makakapag ayos ngayon.

Dinala ko na ang mga gamit ko saka nag mamadaling bumaba. Hindi na ko nagpaalam kina mama because I need to hurry!

Pagbukas ko ng pinto ay halos mapatalon ako ng makita ang lalaking nakatayo sa harap ko. Sa tingin ko ay kakatok palang si Tristan kaso naunahan ko na sya. Aww! Tristan? Yippiee! May kasama ako kahit late na ko.

"Oh Tristan, bakit nandito ka pa? Nalate ka rin ba ng gising?"

"Nope, kanina pa ko kaso ng malaman kong wala ka pa ay nagpaiwan na lang ako tutal alam ko naman ang distinasyon natin"

Napangiti ako ng marinig ang sinabi nya pero syempre may halong kilig yun dahil concern sya.

"Thank you"

Ngumiti lang sya at tumango.

"Tara na, late na nga tayo magpapatagal pa"

Oo nga pala kailangan na naming magmadali dahil mapapagalitan kami ng prof namin. Paktay ka diha!

Wala ng ano ano ay pumunta na ko sa kotse nya at pumasok. Sumunod naman sya sa akin.

Napakahaba naman ng byahe saan ba ang unang destination? Matanong nga sa taong katabi ko na kanina pa hindi kumikibo.

"Uy! Saan ba ang tungo natin?"

"Pampangga daw sabi ni Ms. Oliver"

"Uhh! Wait! Di ba pag nandun na tayo may bus na tayong sasakyan? Saan mo ilalagay yang kotse mo?"

Napanguso sya na para bang nag iisip. Ibig sabihin hindi nya pa to naisip bago nya ko pinuntahan?

"Hindi ko alam eh" sagot nya habang kumakamot ng batok nya. Ngek! Hindi man lang sumagi sa isip nya? Lokaloka!

"Hindi mo man lang ba naisip yun o naitanong kay miss kung may paglalagyan ka nyan?"

Umiling lang sya! Shemay! Nakakalurki tong lalaki na to,

"Pano yan?"

"Nakalimutan kong itanong kanina kasi nag mamadali ako para sunduin ka eh"

Kahit natatameme na ko kinikilig pa rin ako, lakas ng tama ko chong!

"So pano nga yan?"

"Ewan"

Duh! Wala sa ayos kausap to. Hindi na nga lang ako magtatanong, wala naman akong mapapalang maayos na sagot galing sa kanya.

Naalimpungatan pa ko ng makarinig ng ingay galing sa labas. My goodness! Nakaidlip pala ko pero...nasaan na kami? Tumingin ako sa katabi ko pero wala ng tao.

Kinabahan ako bigla, hindi kaya iniwan nya ko mag isa dito? Whuaa! Ano bang iniisip ko? Masyado na kong nagiging paranoid! Umayos ka nga Kim! Tignan mo muna kung nasan kayo.

Sumilip ako sa bintana and to my surprise! Nandito na pala kami sa kikitaan.

Lumabas kagad ako ng kotse at hinanap si Tristan. Sa wakas ay nakita ko rin sya kaso......para syang pinapagalitan.

Lumapit ako para marinig ang pinag uusapan nila ni Prof.

"Bakit ngayon lang kayo dumating? Nasaan si Kim? Imbes na kanina pa tayo nakapagsimula nagpapahinga na tayo"

"And so! Edi sana kanina pa kayo nagsimula, wala namang nagsabi na antayin nyo kami diba!"

"Hindi ko na Alam ang gagawin sayong bata ka" nanggigil na sa galit si miss.

"I am not a kid anymore! I have a to go baka gising na si Kim" he said before walking out.

Hindi ko na sya hinayaan pang makapunta sa kotse nya dahil nandito na rin naman ako sa halip ay sinalubong ko na lang sya.

"Bakit ganon ang inasal mo kay miss? Ang salbahe mo" pagalit na salubong ko sa kanya and then he smirked.

"Sa kin kasi sinisisi kung bakit hindi pa rin sila nakakapag simula kaya sinagot ko tss. Who cares?"

"Kahit na! Mas matanda pa rin sayo yun at saka guro natin yun"

"So?"

"Ugh! Tristan! Mag sorry ka nga!"

"Tsk"

"Tsk mo mukha mo! Dyan ka na nga! Wala kang galang"

Tumalikod na ko at naglakad palayo. Nakakairita ang taong yun, ayaw na ayaw ko sa taong di marunong gumalang!

Ilang beses nya kong tinawag pero hindi ko sya nililingon at tuluyan ng lumayo. Pumunta na lang ako sa kuta nina Macy para matanggal kahit papano ang inis ko. Makikipag kwentuhan na nga lang ako.

Tristan POV

Anong problema nun? Para yun lang magagalit na!

Sira ka pala eh! Masama kaya ang hindi gumalang

Tsk. Punyetang konsensya to! Pake ko ba kung hindi ako gumalang kay miss. Napaka suplada kasi! Ako lagi ang pinagbibintangan! Ako lagi ang nakikita kainis!

Sh*t. Kailangan ko pang hanapin kung saan nagpunta si Kim!

Wala akong balak mag sorry kay miss no! Tss. Araw araw kong ginagawa yun tapos mag so-sorry ako huh! Never!

Ang hirap naman hagilapin si Kim.

Tsk. Shunga! Tingin mo magpapakita yun sa kabila ng ginawa mo.

P*tang*na. Saan ba pwedeng itapon ang konsensyang to? Nakakabwisit na ha! Badtrip na nga nakikisali pa!

Maya maya na ang umpisa ng programs kaya kailangan ko ng hanapin si Kim. Naglakad lakad muna ako at Napangiti ako ng makita sya kasama sina Macy, Jasper at Kris.

Lumapit ako sa kinaroroonan nila pero ng makita ako ni Kim, inirapan lang nya ko. Bullsh*t! Galit pa rin sya.

Nagpalipat lipat ng tingin sa amin si Macy bago tumawa ng nakakaloko. Isa pa to! May sapak yata! Anong nakakatawa?

"Why are you laughing?" Sabay na tanong namin ni Kim pero ng tingnan ko sya ay umiwas lamang sya.

"Hahahaha! Ang korny nyo hahaha!" Kumunot ang noo ko. Baliw ba ang babaeng to? Kailangan ko na bang magpatawag ng psychiatrist?

"What are you talking about 'korny'? What's the connection?" Taas kilay kong tanong sa kanya.

"Wait lang ha! Hahahaha! Yan tapos na. Nakakatawa kayo! Ay! wala pa palang 'kayo' pero bakit parang may naaamoy akong something?"

"Something like what?" This time, si Kim na ang nagtanong.

"Something like LQ hahahaha!"

Tss. LQ? Korny nga! Hindi uso sa kin yun uy! Pero................

........Matanong ko lang..........

.........Ano ba yung LQ?

______________________________________________________________________________

Hahahaha! Hindi daw uso sa kanya tapos hindi nya pala alam kung ano yun hahahaha! Nakakatawa!

My Savior Where stories live. Discover now