Chapter 28: I'm Scared

0 0 0
                                    

28:

I'm Scared

Lakad dito..

Lakad doon..

Pabalik balik lang ang lagay namin bago tuluyang mapagod. Nagpahinga na kami ng makahanap ng pwedeng masisilungan.

Nilalakasan ko ang loob ko but at the same time nangingibabaw pa rin ang takot. Takot na kung makakabalik pa ba kami, okay lang kahit paulanan kami ng mga guro at tagabantay ng sermon basta lang ay makaalis kami dito.

Pareho kaming tahimik at kanya kanyang nag iisip ng maaari at pwedeng naming gawin.

Ako? Wala pa ring mahanap na pwedeng gawin siguro ay dahil lutang pa rin ako at hindi matanggap ang kalagayan namin ngayon. I am not blaming Tristan but if he not force me to come here, I think we were not here! At sana hindi kami naligaw!

Pero wala na. Tapos na. And the truth is I don't know what to do anymore! Ang natatangi at kaisa isa naming pag asa ngayon ay hintayin ang mga hahanap sa amin.

Kasalukuyan kaming namamahinga ngunit Batid kong pareho kaming hindi makatulog. Walang nagsasalita at ang naririnig ko lamang ay ang kaluskos ng ng puno sa tuwing humahampas ang hangin at ang nakakakilabot na tunog sa gabi.

Sino nga bang makakatulog sa ganitong klaseng lugar? Kahit sino mahihirapan lalo pa't ang nasa isip ko'y hindi na nga kami makabalik, baka hindi na rin kami abutang humihinga kung tatangkain naming matulog. Malay natin kung anong hayop o hayop ba talaga ang Meron dito gayong isa itong probinsya.

"Uhmm..." Biglaan nyang sambit sa gitna ng katahimikan.

"What?" Walang gana kong tugon.

"What are we going to do?"

Nagkibit balikat ako. "I don't know"

"I think you should sleep first, you looks so tired" mabilis akong umiling.

"No..." Lumapit ako sa kanya at hinawakan sya sa braso "Tristan I'm scared"

Inangat nya ang baba ko at nagtama ang aming paningin.

"Don't be scared.. I'm here" gamit ang malamyos nyang tinig.

"Yeah I know but I can't avoid it" mahahalata ang panginginig sa aking boses.

"K-Kim calm down" pinaamo nya ko sapagka't nag uumpisa na kong maging paranoid at hindi ko na alam ang gagawin ko.

"How? Pano Tristan?" Mangiyak ngiyak na ko.

"Kung ano ano kasi ang pinag iisip mo kaya ka nagkakaganyan e, please Kim calm down. Andito lang ako, hindi kita iiwan okay? Paranoid ka lang! So please...." Usal nya at saka ako niyakap.
Tumango lang ako at pilit na pinakalma ang sarili. Hindi ko na nagawang pigilan ang kanina pang nagbabadyang mga luha sa akin kaya't Humahagulgul na ko kaiiyak dala ng takot.

Niyakap nya lang ako hanggang sa tumigil. Hindi ko naman namalayang nakatulog pala ako.

Kinaumagahan...

"Good morning Kim" idinilat ko ang aking mga mata at Napangiti ako ng mukha ni Tristan ang nakita ko.

Feeling ko okay na okay ako at nawala lahat ng takot ko kapag nandyan sya. Yung kung ano ang naramdaman ko nung niligtas ako ni Mysterious man.

Speaking of... Kailangan ko pa palang alamin kung iisa lang ba talaga ang misteryosong lalaki na yun at ang lalaking nasa harap ko ngayon ko.

Dahan Dahan ang pagbangon ko at diretsong tumingin sa kanya at ngumiti.

"Good Morning" nakangiting bati ko rin sa kanya.

Luminga linga ako sa paligid at tulad ng inaasahan ko, narito pa rin kami sa ewan ko kung gubat, mukha lang siguro pero hindi gubat.

Nung nakatulog ako inisip ko na sana it was a dream but no, it is not a dream. It is a reality! And I need to accept the fact na hanggang ngayon ay Naliligaw pa rin kami.

"Kapag nakapagpahinga na tayong pareho pwede na tayong mag umpisa sa paghahanap ulit" sabi ni Tristan kaya nabalik ang paningin ko sa kanya.
"Nakapagpahinga ka ba?" Nag aalalang tanong ko. Bakas kasi sa mukha nyang puyat sya.

"Hmmm... Hindi masyado pero okay lang" nakangiti nyang sagot.

"Binantayan mo ba ko?"

"Mmm"

"T-Thanks, ikaw naman kaya ang matulog? Babantayan kita"

"Hindi na.. "

"Tristan, tulad nga ng sinabi mo KAPAG  nakapagpahinga na tayong pareho kaya DAPAT magpahinga ka rin"

"Hindi na nga.. "

"Kulit rin ng leleng mo e noh? Matutulog ka o matutulog ka?"

Nangamot pa sya ng ulo pero wala ring nagawa. Hihiga sya akma sa nilatag nyang jacket pero pinigilan ko sya.

"B-Bakit?" Takang tanong nya.

Tinapik ko ang hita ko para dun sya humiga at mukhang nakuha nya naman ang ibig kong sabihin kaya't mabilis syang humiga dun.

Ipinatong nya ang braso sa kanyang noo at marahang pumikit. Nakangiti ako habang tinititigan ang kabuuan ng kanyang mukha sa twing natutulog.

matangos na ilong, sabihin na nating maikli ang pilikmata pero bagay sa kanya, katamtaman ang kapal ng labi at masasabi kong mas maganda pa ang labi nya sa kin at daig pa nya ang nag lip tint sa pula. ^_^ parang naeenggayo akong halikan sya hehehe.

Natawa ako sa mga naiisip. Hindi naman ako ganto dati, kung baga gusto nilang mag boyfriend na ko pero ang palagi kong sagot 'study first lang ako'. Hindi sa nerd type kasi wala naman akong suot na nagkakapalang salamin pero sadyang mas active ako sa study kaysa lovelife. Pero ngayon? Hehe! Naimpluwensyahan lang.

"Pano ko makakatulog kung nilulusaw mo na ko?" Gulat ako ng makitang gising pa sya at uminit pa ng bahagya ang buong mukha ko.

Minulat nya ang isang mata at saka ngingisi ngisi, nahalata nya siguro akong namumula? Whuaa! Stupid Kim! Stupid!

"B-Bakit g-gising ka pa?" Nauutal tuloy ako. Tsk.

"Feeling ko kasi may TUMITITIG sakin eh kaya hindi pa ko makatulog" nakangisi pa rin. Talagang diniinan nya pa yung salitang tinititigan ko sya. Lalong nakakahiya!

"H-hehe"

"Tss. Tapos mo na ba?"

"H-Huh?"

"Tapos mo na ba kako?" Inulit pa kainis.

"T-Tapos na saan?" Nagtatakang tanong ko.

"Na titigan ang mukha ko" nakangiti pa rin nyang sabi at ipinikit na ang mata.

"H-Ha! Ang kapal ng mukha mo! Matulog ka na nga" inis na sambit ko.

"Hihihi" baliw na to! Ayaw na lang kasi matulog eh.

"Matulog ka na!"

"Opo! Basta wag mo kong titigan, naiilang ako e, unless... " nakapikit pa rin.

"Unless what?"

"Unless kung gusto mong titigan talaga ko Hehe"

"Tsk. Tulog na dali"

Hindi na sya nagsalita matapos yun. Hindi ko na rin sya tinignan baka kasi may pakiramdam to at kung ano ano na namang imbento ang sabihin.

Hindi naman sya nag iimbento ah! Tinititigan mo talaga sya!

O-Oo nga...... Aaiiisshh!

______________________________________________________________________________

My Savior Where stories live. Discover now