Chapter 15: the Mysterious man

0 0 0
                                    

Naglalakad ako ngayon sa aming lugar, walang pasok kaya wala rin akong magawa. Marami akong nadadaanang bahay dito sa subdivision at napahinto ako ng madaanan ang bahay nila Tristan.

Kamusta na kaya sya? Kailan kaya sila babalik? I miss him so much. Natigil na lang ako sa pag iisip dahil ang gusto ko ngayong weekend ay wala akong ibang iisipin. Mag rerelax na lang ako.

Marami akong naisipang gawin pero parang ang boring kung wala akong kasama. Aha! Kung tawagan ko kaya si Macy baka wala syang gawa ngayon or kung magkasama naman sila ni Jasper edi silang dalawa na lang! Nahihiya pa rin kasi ako kay Kris eh.

Kinuha ko ang aking cellphone para subukang tawagan si Macy at matanong kung busy ba sya. Weekend naman kaya baka hindi yun busy. Hindi uso kay Macy ang magpaka busy no!.

Ilang beses na kong nag dadial pero wala pa ring sumasagot. Iisa lang talaga ang naririnig ko at yun ay....

'The number you have dialed is not at your service or out of coverage area, please try your call later'

Napangiwi na lang ako baka naman may pinagkaka bisihan or magkasama sila ni Jasper sa mga oras na 'to? lowbat yata phone nya o baka naman nakapatay. Try ko na lang ulit.

Habang nagdadial ng panghuling number ni Macy ay may biglang....

PAK!!

Nakabunggo ako ng lalaki pero hindi ko nakita kung sino kasi bigla na lang akong natumba sa sahig.

"Ano ba hindi ka ba marunong tu------" napahinto ako sa sasabihin ng pagharap ko ay namukhaan ko ang jacket na suot nya.

Nakatalikod pa rin sya at hindi man lang kumikibo. Ewan ko kung bakit pero parang bumilis ang tibok ng puso ko hindi lang sa kaba pati na rin sa pag katuwa dahil pagkakataon ko ng malaman ang pangalan nya.

Ang kaso nga lang ay hindi ako sigurado sa kutob ko dahil baka ibang tao lang ito at may suot ng kaparehas sa suot nong guy dati.

"Uhm, excuse me, pwede mag tanong?" Yan baka dyan ko makilala ang taong to pag narinig ko na ang hoses nya at baka maalala ko pa.

Hindi pa rin sya sumasagot sa tanong ko, ano ka ba ha pipi? Ayaw magsalita eh magtatanong lang naman.

"Uh eh nagkita na ba tayo dati?" Tanong ko kagad dahil ayaw nya naman akong sagutin eh at saka baka takbuhan nya na naman ako.

"Sorry" sambit nya sabay takbo. Hala! Sabi na eh tatakbuhan nya ko tsk. Pero ano daw? Yes naman nagsalita rin sya.

Hinabol ko sya ng hinabol at tinawag ko ng tinawag sya pero nagpatuloy pa rin sya sa pagtakbo.

Ting! Alam ko na! Kung hihinto ako sa kakahabol sa kanya baka tumigil din sya lalo na pag nalaman nyang wala na ko. Haha kala mo makakaisa ka sa kin ha!

Nagtago ako sa isang poste at sinigurong hindi na ko makikita at mahahala na dito ako nagtatago.

Huminto rin sya sa wakas saka lumingon, ako siguro ang hinahanap nya pwes! Di mo ko maiisahan.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at Sinet ko ito sa camera. Tinutok ko ang camera sa kanya saka ako kumuha ng five shots. Sana makilala ko na sya. Ano ba kasing problema ng taong to at ayaw magpakilala? Hindi naman ako nangangain ng tao ah! Sa ganda kong to mangangain ako huh! Never!.

Nag patuloy na sya sa paglalakad at dahil hindi pa ko  kontento ay sinundan ko sya. Napaka bilis naman nyang maglakad kaya ako nahihirapang sundan sya kainis!

Hindi ko na sya masundan dahil hindi ko na alam kung saan sya pumasok o pumunta. Huminto na lang ako at akmang aalis ng may sumulpot na lalaki sa harap ko na minuntik ko ng ikagulat.

Halos mapaluha ako ng makilala ang taong nakatayo ngayon sa harap ko. Hindi ko napigilan ang sarili ko kaya niyakap ko sya.

"T-Tristan, I miss you!" Bulong ko sa kanya habang nakayakap. Hinigpitan nya naman ang pagkakayakap sa akin at bumulong rin.

"I miss you too" sa matinis, maamo at malambot nyang bigkas dito. Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya at tinitigan sya ng diretso.

"Kailan ka pa bumalik?" Pasimangot effect! Uubra kaya.

Nilagay nya ang dalawang kamay nya sa pisngi ko saka ito pinisil. Aray ha!

"Ang cute cute mo talaga, kanina lang ako umuwi at teka lang ano nga palang ginagawa mo dito?" Umiling lang ako.

"Wala lang namamasyal lang ikaw anong ginagawa mo rito?" Pagbabalik tanong ko sa kanya. Tinignan ko ang supot na dala nya na ngayon ko lamang napansin.

"May pinuntahan lang ako kasi kinuha ko to tapos nakita kita kaya sinundan kita" sabay angat nya ng supot. Ano kayang laman nun? Na curious tuloy ako.

"Anong laman nyan?" Tanong ko sa kanya.

"Uhm damit lang to" okay, ayaw ko na ngang magtanong ng magtanong.

Sumabay na lang ako sa kanya pauwi. Habang naglalakad ay kinuwento ko yung nakita ko kanina at yung dun sa nagligtas sa akin dati. Wala syang imik parang kilala nya yung tinutukoy ko ah.

"So you mean, yun yung pangalawang meet up nyo ng tinatawag mong 'mysterious man' huh?" Tumango lang ako.

Maya maya ay nasa tapat na ako ng bahay namin. Naaaah! Ayoko pang umuwi dahil mag isa lang ako dyan kasi umalis sina mama kasama si Kath kaya ako lang tao.

Nag offer ako sa kanya kung pwede ay dun muna ako sa kanila. Halos mapatalon ako sa tuwa ng pumayag naman sya.

Wow! Ngayon lang ako nakapunta sa loob ng bahay nila pero di ko naman inasam na ganito kaganda at kalaki ang bahay nya.

Sinabi nya na pwede daw akong mag stay dito kahit hanggang mamaya dahil sya lang daw ang tao dito. Sya lang kasi mag isa ang umuwi dahil kailangan nya ng pumasok baka kasi mahuli na sya sa lesson.

Nag recommend ako sa kanya na pwede ko naman syang tutoran hanggang sa lesson na hindi nya alam dahil same lang naman kami ng pinapasukan.

Agad naman syang pumayag sa gusto ko at halatang gustong gusto nya rin at sadyang nauna lang ako sa kanya.

______________________________________________________________________________

May idea na po ba kayo kung sino yung mysterious man na yun? Ako medyo naliliwanagan na ee!

Alamin natin kung sino ba sya!!

Abangan....... :-) :-)

My Savior Where stories live. Discover now